Aliyah's POV
Omg!! Omg!!! Nagtatatalon ako sa kama ko dahil sa sobrang saya!. Wah!!! Nilike nya nilike nya.
" Awwh!!! Ano ba! "
Napahawak ako sa Ulo ko at sinamaan ng tingin ang kakambal ko na binato ako ng unan.
" You look stupid "
" Aish!! Pake mo ba? Tyaka ano bang ginagawa mo sa kwarto ko? "
" Nasa baba si Christian "
Iniwan ko na si Bryan at tumakbo na ko papunta sa sala. Nakita ko naman si Christian na kumakaway sakin. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.
" Look Christian nilike ni Zaion yung status ko!! "
Tuwang tuwa kong pakita ng cellphone ko sa kanya.
" Tssk!! Hindi ko alam kung anong nangyari dyan sa kapatid ko parang noon lang sayo yan patay na patay "
Inirapan ko lang si Bryan. Well tama nga sya dati patay na patay ako kay Christian noong mga bata pa kami. Tapos sinabi ko pa sa kanya na sinabi ko kay Mommy na papakasalanan ko sya tapos sabi nya pa kapag lumaki na kami at hindi nagbago yung nararamdaman ko sa kanya sige daw. Pero bakit nga ba nawala yung feelings ko sa kanya.
Napatingin naman ako kay Christian na tumatawa lang ng mahina.
" Umalis ka na nga dito chupe!! "
Sabi ko kay Bryan na nakatayo parin sa may pintuan.
" Wala kang mapapala kay Zaion "
" Para namang may mapapala ka kay Leane bleh!!! "
Hahaha nabaliktad kasi ang mundo pano ba kung kailan sumuko na sa kanya si Leane tyaka naman sya ang naghabol.
Sinamaan lang ako ng tingin ni Bryan at hahagis sakin yung nakita nyang bato ng magtago ako sa likod ni Christian.
" Nung na sayo pa kasi di mo pinahalagahan yan tuloy naagaw ng iba "
Sabi ko kay Bryan habang nasa likod parin ni Christian at nakasilip lang sa kanya.
" Hindi ba kita pinahalagahan? "
Umalis ako sa likod ni Chtistian at pumunta sa gilid dyan.
" Anong sabi mo? Aray!!! Argh!!! Bryan "
Pano ba naman binato ako ng bato bago nagtatakbo pasakay sa kotse nya.
" Okay ka lang? Masakit ba? "
Tinitigan ko si Christian. Baka nabingi lang ako.
" Okay lang ako. Aish!! Susumbong ko yun kay Daddy mamaya nga pala bakit ka andito? "
" Te yah! "
Napatingin ako sa batang cute na tumawag sakin na buhat buhat ni Mommy.
" Baby Clai "
Binaba ni Mommy si Baby Clai at tatakbong yumakap sakin.
" Te Yah!, uya tian usto ita kaw "
" Ano baby? "
" Gusto kang makita ni Clai kaya kami nandito "
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Christian.
" Parang iba naman yung sinabi ni Baby Clai "
" Aliyah, Christian kumain na muna kayo ng meryenda nakahanda na sa lamesa Baby Clai dito ka muna kay Tita "
Tumakbo na pabalik si baby Clai kay Mommy at kinarga na to ni Mommy. Si Baby Clai nga pala ay kapatid ni Christian his real name is Clairence Sanchez, Five years old.
BINABASA MO ANG
Young Love: The Strings Attached
Teen FictionSequel of She's Living in a Boy's Dormitory