Chapter 6: Get back

1.7K 67 5
                                    

Christian's POV

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kawalan. Nang pumasok si Sander sa kwarto ko.

" Magmumukmok ka nalang dyan wala ka bang gagawin nauunahan ka na ni Zaion "

Hindi ko sya pinansin. Tssk Nauunahan na nga ba ko?. Nalalamangan na nga ba ko?. Nakukuha nya na ba si Aliyah sakin.

" Hindi ka ba kikilos para mabawi ang sayo talaga "

Umupo ako sa kama at sumandal.

" Noong una palang akin na naman talaga sya kaya bakit kailangan ko syang bawiin "

Nakakunot noong nakatingin sakin si Sander. Tumayo ako at nginitian si Sander ng nakakaloko.

" Hindi ko sya babawiin kasi hindi naman sya nakuha naligaw lang sya kaya ituturo ko sa kanya ang daan pabalik sakin *smirk* "

Inakbayan ako ni Sander at ngumiti na nakakaloko.

" Simula na ba to ng totoong laban? "

Bumaba na kami para simulan na ang totoong laban.

" May lakad kayo? "

Tanong sakin ni Mom.

" Kayna Aliyah po Tita Grace ituturo na po ni Christian kay Aliyah yung pabalik sa kanya "

Napailing nalang ako sa sinabi ni Sander. Dahil sa mukhang naguguluhan si Mom sa sinabi nya.

" Huwag mo nalang pansinin to Mom alis na po kami. Sina Dad and Clai po nakaalis na?   "

" Oo nakaalis na sila "

Tumango ako kay Mom at nagpaalam na aalis at gaya ng plano pumunta na kami kayna Aliyah.

" Goodmorning Tita Aly "

Napailing nalang ako kay Sander ng nauna na syang pumasok sa bahay nina Aliyah wala manlang katok-katok eh.

" Oh Sander tatambay ka na naman dito? "

" Hahaha Opo boring sa bahay eh walang tao "

" Umalis na naman ba sina Eros? "

" Si Dad po nasa office then si Mom nasa botique nya "

Pumasok na ko ng bahay nina Aliyah bago pa kung anong masabi ni Sander.

" Goodmorning Tita "

" Christian andito karin pala. Si Aliyah pinunta nyo? "

Tumango ako kay Tita at ngumiti.

" Nasa Kwarto nya yun tara na. Tita akyatin na po namin si Aliyah "

" Sige, If you need something sabihin nyo lang ako "

Pinuntahan na namin si Aliyah sa kwarto nya. Pero hindi na namang kumatok tong si Sander at deretsong pasok na naman.

" Goodmorning Aliyah "

" Wow feel na feel mo na ang bahay namin ay dito kana kaya tumira "

" Hahaha sorry na kasama ko nga pala si Christian "

" Si Christian? "

Pumasok na ko sa Kwarto ni Aliyah. Nakita ko naman syang nasa study table nya tapos si Sander ay nakahiga sa kama nya.

" Ah...anong ginagawa nyo dito? "

" Free kaba now? "

" Ha? Ah Oo wala naman akong plano this day "

" Gusto mo bang mag Amusement Park binigyan kasi ako ni Dad ng Ticket "

" Amusement Park? Omg! Gusto ko ngayon na ba? "

Young Love: The Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon