Chapter 11: Freedom of Mind

1.2K 54 0
                                    

Sander's POV

Napangiwi nalang ako ng mapangiti ako. Ang lakas palang manuntok ni Dad.

Favorite hobby ko na ata ang mag star gazing. Hay! All of my life kinulong ko ang sarili ko sa inggit at galit na hindi naman pala dapat.

" Awh! Sht "

Langya diba sabi ko iwas iwas muna sa ngiti!.

" Napalakas ba suntok ko? "

Napatingin ako kay Dad na lumapit sakin at inakbayan ako.

" Dad sorry talaga "

Tumango lang sya at tinapik ang balikat ko.

" Kasalanan ko naman pati tuloy Mom mo nadamay "

" No Dad it's my fault pinairal ko po kasi yung inggit at galit "

" No it's my fault hindi ko manlang naisip na ganun na pala yung nararamdaman mo "

Tumango ako at tumingala sa langit at tiningnan yung butuin na sinabi ni Aliyah na ako. I'm really glad na andyan si Aliyah sa sinabi nya sakin noong gabing yun nalinawan na ko na I should fix this problem. Na dapat kong sabihin kayna na Dad yung nararamdaman ko yun nga lang naunahan ako ni Dad.

Flashback...

Pagkatapos ng laban namin sa basketball ay dumeretso ako sa bahay.

" San ka galing? "

Bungad na tanong sakin ni Dad.

" Basketball "

Aakyat na sana ako sa hagdan ng pigilan ako ni Dad.

" Teka nga muna hindi pa ko tapo sayo May problema ka ba? "

Napapikit ako at hinarap si Dad.

" I don't have "

" Seems like your lying tumawag samin ang adviser nyo anong nangyari sa grades mo bumaba na ng bumaba dati pinalampas lang namin nung bumaba yung rank mo from rank 2 to 10 now kahit sa Top nawala kana. Ano ba talagang problema mo "

" You! Ikaw ang problema ko Dad. Ginagawa ko naman lahat just to make you proud but you make me feel that I'm not good enough, I'm not good enough to make you proud and to call me your son. Lagi mo nalang akong kinukumpara kay Bryan. You always make feel that Bryan is better than me. Mas mataas si Bryan sayo sa Math magpaturo ka sa kanya, Ang galing ni Bryan dito kailangan mo pang mas galingan, Bryan Bryan Bryan lagi nalang sya yung bukang bibig mo Dad. Kulang nalang sabihin mo na sana sya nalang ang anak mo at hindi ako "

Pagkasabi ko nun ay nakatanggap ako ng suntok kay Dad na nagpatumba sakin.

" Eros! Tama na hindi naman kailangang umabot dito "

Nakayakap lang sakin si Mom habang umiiyak.

" Okay ka lang Anak "

Nang makita ko si Mom na umiiyak ay parang may kung anong tumusok sa puso ko. I never seen my Mom crying.

" I'm sorry for making you feel that your not good enough "

Napatingin ako kay Dad.

" Bakit mo naman naisip na hindi ako proud sayo, Bakit mo naisip na mas gusto ko pang maging anak si Bryan kesa sa sarili kong anak. Sander nag-iisa ka naming anak at alam mo namang mahal na mahal ka namin kaso hindi mo pala yun nakikita. Hindi porke't nasabi ko yung mga yun ay dahil sa nakikita kong mas magaling si Bryan sayo sinabi ko yun dahil alam kong may gagaling ka pa. I never think na mali pala yung way ko. Si Bryan anak yan nina Tito Brylle at Tita Reme mo yung dalawang tao na malapit sa puso ko yung dalawang tao na higit pa sa kaibigan ang turing ko sa dami ng pinagdaanan namin.
Kaya para ko naring anak yan pati sina Aliyah, Christian, Dara at maski si Justine. Pero kung papipiliin ako syempre yung sarili kong anak ang pipiliin ko "

Young Love: The Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon