Chapter 12: Preparation

1.2K 61 10
                                    

Aliyah's POV

Nakadukdok lang yung mukha ko sa desk ko. Bakit bakit feeling ko mas gugustuhin ko pang iwasan nya ko kesa umakto sya na parang wala lang yung nangyari.

" Aliyah "

Walang gana akong tumingin kay Leane.

" Tawag ka ni Mam "

Agad kong inayos yung sarili ko at tumingin kay Mam.

" Yes po? "

" You will be the officer incharged in our booth for incoming Foundation day "

" Okay po ano po bang booth? "

Napangiti nalang ako ng awkward ng umiling iling sakin si Mam.

" Ano bang gumugulo sa isip mo ngayon  at ganan ka Ah! Si Mr. Delgado ba ng basketball team "

Nang sabihin naman yun ni Mam ay automatikong umingay sa room at nagsi iritan pa yung iba. Napailing nalang ako.

" Ano na bang status nyo? "

" Mam ano na nga po yung booth? "

" Umiiwas sa tanong ha? Napagdesisyunan ng faculty na sa inyo ibigay ang Broadcasting booth "

Broadcasting booth so parang kami yung magbibigay ng balita sa nangyayari sa foundation Day.

" Pwede tayong gumawa ng segment like Cupid Call Call Call "

Suggestions ng isa kong kaklase.Sabi kasi ni Mam pag-usapan na namin kung anong gagawin namin.

" Ano naman yun? "

" May tatawag satin tapos pwede syang magtanong o humingi ng advice about Love "

" That was a great Idea pwede ring maging way yun ng confession o di ba patok na patok yun "

" Kailangan lang natin pumili ng DJ. Bale two Dj's for three hours "

Marami pa silang napag-usapan na mga segment tapos bumunot nalang kami kung anong matatapat samin well ang nabunot ko ay Cupid Call call call na sinasabi nila at si Francis naman ang partner DJ ko.

Madaling lumipas yung araw at now ito na yung final preparation namin kasi bukas na yung Foundation. Walang klase the whole day kasi nga last preparation na kaya busy din ang mga tao para sa kani-kanilang booth samantalang ako ay nakahalumbaba lang sa lamesa habang binabasa yung script na sasabihin ko.

" Ang tamad naman ng isang to hindi manlang tumutulong sa classmate nya "

Bored lang akong tumingin kay Sander na nakaupo sa harapan ko at kumakain ng Nova.

" Ano ka pa kain kalang ng kain hindi ka pa marunong mangalok "

" Asan ba yung manliligaw mo diba dapat yun ang sponsor mo ng pagkain "

Sinamaan ko nalang sya ng tingin. Palibhasa ayaw nya lang mamimigay.

" Busy siya sa booth nila, Ikaw ano bang booth nyo? "

" Jail booth "

Bored na sagot nya sakin. Hindi talaga nya ko aalokin ng pagkain ha. Nahagip naman ng mata ko si  Christian na may dalang kahon ng mga gagamitin ata nila sa booth nila. Hanggang sa may lumapit sa kanyang babae na ngiting ngiting sumabay kay Christian mukhang masaya silang nag-uusap nakangiti kasi si Christian tapos tumatawa pa.
Who is that girl kaklase ba sya ni Christian. Close ba sila? Kailan pa?.

" Ehem! Ah ah ih oh uh "

Tiningnan ko si Sander na nakangiting nakakaloko sakin. What's with him.

Young Love: The Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon