Aliyah's POV
Kanina ko pa tinatawagan si Bryan pero nakapatay parin ang phone nya. Bakit ba sya nakipag-away tapos bigla nalang syang aalis ng school at iiwan sina Mom and Dad na wala man lang sinasabi kung san pupunta.
" Brylle can we now go to the police station? "
" Myfin huminahon ka muna "
" Pano ako hihinahon iniwan tayo ni Bryan na puro pasa sya sa mukha tapos hanggang ngayon hindi parin sya umuuwi "
" I know Myfin I'm worried ayoko lang na nagkakaganyan ka "
" Aliyah may nagyari ba sa kanila ni Leane? Si Leane ba yung emergency na sinasabi ni Bryan? "
" Dad "
I don't know what to say ayokong pangunahan si Bryan.
" Brylle tawagan mo na kaya sina Kyle baka alam ni Leane kung nasan si Bryan "
" Bryan! "
Napatingin ako bigla sa pintuan dahil sa sinabi ni Dad. Oh my gosh! What happen to my twin.
" Bryan! Where have you been nag-aala kami sayo. Ano bang pumasok sa isip mo at nanuntok ka "
" I'm tired "
" BRYAN! before you take a rest kindly explain to us kung anong dahilan mo kung bakit bigla kanalang nanuntok ng schoolmate mo? "
" Mom, Dad let him go to his room for now please. Ako na pong bahala sa kanya "
Inalalayan ko na si Bryan paakyat ng hagdan at papunta sa kwarto nya. Kwarto pa ba to? Kwarto ba talaga to ni Bryan Arellano. Napailing nalang ako ng igala ang tingin ko sa buong kwarto nya.
" Galing ka sa Hospital? "
Nanatili lang syang nakahiga at nakapikit habang nakatakip ang kaliwang braso nya sa mukha nya.
" Kaya ka ba nanuntok ay para makalabas ka ng school at masundan mo si Leane sa Hospital "
Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung hinarap na ni Bryan si Leane sa Hospital. I don't know a thing pero isa lang ang nasisigurado ko hindi maganda ang nangyari.
" Wala na kami "
Nagulat akong napatingin kay Bryan na ngayon ay nakaupo na sa kama nya at nakatungo.
" Fck! I don't want to cry again pero peste talaga tong luhang to ayaw makisama "
This is the first time I seen him cry like this. Hindi marunong umiyak si Bryan Arellano na kilala ko.
" I'm hurting Aliyah "
Tumunghay sya at nginitian ako ng mapait. Parang may kung ano sa puso ko ang kumirot sa nakikita ko.
" Ganito pala kasakit tong Heartbreak parang mas gugustuhin ko pang mamatay nalang "
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Alam ko it will help him to ease the pain.
" Don't try to do that! Magagalit ako sayo! Hinding hindi kita mapapatawad kapag ginawa mo yan! "
Niyakap nya ko pabalik at hindi ko namamalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Ayokong marinig mula sa kanya ang mga salitang yun. Ayokong iwan nya ko, iwan nya kami. Palagi kaming nag-aasaran, nagbabangayan noong mga bata pa kami hanggang ngayon. Hindi magkasundo at hindi kami close katulad ng ibang magkakambal pero kahit ganun kami andyan naman kami lagi sa tabi ng bawat isa kapag kailangan namin ng tulong at kadamay. We can't express our love by words that time pero dinadaan naman namin sa actions and Now I don't want to lose my twin brother. I'm willing to stay by his side and be his shoulder to leaned on. Be the best Twin sister to him.
BINABASA MO ANG
Young Love: The Strings Attached
Teen FictionSequel of She's Living in a Boy's Dormitory