Sander's POV
Tiningnan ko ang wrist watch ko 5 minutes nalang magtatime na. Ngayong araw ang start ng tutorial nina Bryan at Cassy. Bakit ba kailangan ko na namang makielam.
" Class Dismiss "
Inayos ko na ang gamit ko at agad na nilapitan si Bryan.
" Nagtext sakin si Aliyah kailangan ka daw niyang makausap importante lang daw "
" Ha? Bakit sayo nagtext at hindi sakin? "
" Ah...Ewan ko sa kanya basta sige una na ko "
" Kailangan ko ng pumunta sa library baka nadun na si Cassy "
Hays!! Pano ba to wala na kong maisip na dahilan peste!.
" Sama nalang ako "
" Bakit ka naman sasama? "
" Ano...may kailangan akong hiramin na libro "
Sabay na kaming pumunta ni Bryan sa library. Pagpasok palang namin ay nahagip na ng mata ko si Cassy. Diba ba niya ko susundin.
" Kanina ka pa? "
" Ah...Ngayon lang "
Nagtama ang mata namin pero halata mong iniiwasan niya na mangyari yun. Aliyah tell me bakit ko tutulungan ang taong ayaw naman magpatulong.
" Teka lang may kukunin lang akong libro. Ikaw Sander? "
" Ah geh "
Umalis na si Bryan at kinuha ko yung pagkakataon na yun para kausapin si Cassy.
" Diba sabi ko ako na ang magtututor sayo "
" Nakakahiya kay Bryan kung tatanggihan ko siya "
Sabi niya hindi nakatingin sakin.
" Yun ba ang dahilan mo o gusto mo parin siyang makuha? "
That caught her attention para tingnan narin ako.
" Hindi...Gusto ko lang siyang makasama kahit sa paraan na ganito lang. Wala naman akong intensyon na agawin siya kay Leane "
" Are you really want to suffer? Kung ganan rin pala ang gusto mo you better comeback to your old school "
Iniwan ko na siya at lumabas na ng library nakasalubong ko naman si Aliyah na nakakunot ang noo sakin.
" What? "
" Why are you here? Si Bryan at Cassy nasa loob na ba? "
Nilampasan ko siya pero sinundan parin niya ako.
" Hoy! I'm asking you "
" Alam mo nakakainis! Nakakainis na talaga "
" Teka bakit ikaw ang naiinis dapat nga ako ang mainis sayo! "
Sinabunutan ko ang buhok ko out of frustration.
" Bakit ba kailangan yang magpa-awa, Bakit binababa niya yung sarili niya. Kung ganun din naman ang gusto niya mas mabuti ng umalis siya sa eskwelahan na to "
" May nangyari ba? Sinabi na ba ni Bryan na alam niya na may gusto sa kanya si Cassy? "
Napatingin ako kay Aliyah dahil sa sinabi niya.
" Alam na ni Bryan? "
" Nadulas ako eh...Oy! Teka san ka pupunta? "
Iniwan ko si Aliyah at bumalik sa Library. Kung alam na pala ni Bryan bakit kailangan nya pang gawin yun.
BINABASA MO ANG
Young Love: The Strings Attached
Teen FictionSequel of She's Living in a Boy's Dormitory