Limang buwan na ang nakakalipas ng umalis sina Christian at tatlong buwan nadin ng maging fourth year highschool sina Aliyah.
" Ayaw mo ba kay Tine? " Tanong ni Aliyah kay Sander habang sinasabayan ito sa paglalakad.
Hanggang ngayon ay hindi parin tinitigil ni Aliyah ang paghahanap ng babaeng para kay Sander. Isinumpa niya na sa sarili niya na hindi siya papayag na maging loner si Sander.
" Eh kay Jessica or kay Bea? " Pangungulit na tanong ni Aliyah kay Sander.
Napatigil sa paglalakad si Sander at tiningnan si Aliyah ng masama na nakapagpatahimik dito.
Saktong palingon ni Sander ay siyang pagtapon sa damit niya ng juice na hawak ng babaeng nagmamadali.
" Sorry " Sabi ng babaeng nakatingin sa nabasang damit ni Sander.
Agad na lumapit si Aliyah kay Sander at tiningnan ang nabasang damit ni Sander sabay tingin sa babae may kasalanan ng pagkabasa nito. Nakasuot siya ng paldang uniform pero nakasuot din siya ng P.e pants. Biglang may bumbilya na umilaw sa taas ng ulo ni Aliyah.
" Siya nga pala si Sander ikaw anong pangalan mo? " Sabi ni Aliyah na nakangiti sa babae.
" Aliyah?! " Tawag ni Sander sa pangalan ni Aliyah ng may pagbabanta.
" I'm Lei sorry talaga if you want bibili nalang kita ng bago " Sabi nito kay Sander na pinapagpagan ang polo niya.
" No need mag ingat ka nalang next time " Sabi ni Sander bago hinila si Aliyah at naglakad na.
" Bakit mo ko hinila! Hihingin ko pa number niya eh! " Reklamo ni Aliyah kay Sander sabay upo sa bench.
" Hindi ko na alam ang gagawin sayo ipatapon na kaya kita kung nasan si Christian " sabi ni Sander.
" Ipatapon mo na nga Sumasakit nadin ulo ko diyan eh " Pag sang-ayon ni Bryan na kadarating lang kasama si Leane.
" Ang mean niyo! Leane oh " Sabi ni Aliyah sabay kapit sa braso ni Leane.
" Ano naman ba kasing ginawa mo kay Sander hahaha " Tanong ni Leane kay Aliyah.
" Huhuluan ko Ate Leane hinahanapan ni Ate Aliyah si Kuya Sander ng partner " Sagot ni Justine na umupo sa tabi ni Bryan. Umupo naman sa tabi ni Leane si Dara.
" Anong nangyari sa damit mo kuya Sander? " tanong ni Dara ng mapansin na basa ito.
" Yan yung simula ng love story ni Sander " proud na sabi ni Aliyah na nakatanggap ng batok kay Sander.
" Awh! Wala ba kayong na aalala ngayon " Sabi ni Aliyah na parang bata habang hinimas ang ulo niya.
" Hay! Hindi ba tatawag ngayon si Christian? " Tanong ni Bryan kay Aliyah.
Napasimangot nalang si Aliyah at Agad na inilabas ang laptop niya at binuksan ito.
" His not online siguro may class pa " Sabi ni Aliyah habang nakalagay ang baba niya sa dalawang kamay at nakatitig sa laptop.
" Ate Aliyah online si Ate Cassy " Sabi ni Dara kaya agad na pinindot ni Aliyah ang call button. Ilang minuto pa ay sinagot ito ni Cassy. Agad na nagsilapitan sina Leane kay Aliyah maliban kay Sander na nasa opposite side ng table nila.
" Waah! Cassy how are you? " Tanong ni Aliyah kay Cassy.
(Okay lang ako dito kayo kamusta kayo?)
" Okay lang kami dito Ate Cassy " sagot ni Justine.
" Kamusta ang school mo diyan Cassy marami ka nabang kaibigan? " Leane ask.
BINABASA MO ANG
Young Love: The Strings Attached
Teen FictionSequel of She's Living in a Boy's Dormitory