Chapter 9: Stolen Moments

1.6K 53 3
                                    

Bryan's POV

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si Leane na nagawa ng assignment nya. Nasa Library kasi kami kasi vacant class namin.

" Seryoso ba talaga tong nakikita ko na nagawa ka ng assignment sawa ka na bang mangopya? "

Nakatikim ako ng palo ng libro galing sa kanya na kinatawa ko.

" Tsss! Huwag ka ngang magulo "

Napailing nalang ako. Dati sya yung nang gugulo sakin tapos ngayon ako na ang nang gugulo sa kanya.

" Bryan!! I really don't know the answer in our assignment help me please "

Sabi nya sakin habang naka pout hindi ko naman sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasagot ng assignment ko.

" Bryan! Pansinin mo naman ako "

" Bryan "

" Bryan!!! "

Dahil sa inis ko nun ay hinagis ko sa kanya ang notebook ko na sumapol naman sa mukha nya. Yun umiyak ng umiyak na parang bata hahaha.

" Yan tapos na! "

Ngiting ngiti nyang sabi sabay tayo. Sinundan ko naman sya.

" Anong hinahanap mo? "

Tanong ko sa kanya. Pero di nya ko pinapansin at patuloy parin sya sa paghahanap ng libro.

" Hindi mo talaga ako papansinin? "

Dati sya ang nanlilimos ng pansin sakin tapos ngayon ako naman. Napailing nalang ako. Ngayon ko lang narealize na masyado nga akong rude kay Leane dati.

" Hindi ka lang pinansin ng isang minuto nagmokmok ka na agad dyan ako nga ilang taon eh "

Sinasadya nya ata talaga na konsensyahin ako sa mga ginawa ko sa kanya. Hayssss!!! Napabuntong hininga nalang ako.

Sa Totoo lang kulang pa nga tong nararamdan ko sa naramdaman nya noong nilalayuan ko sya at masama ang trato ko sa kanya. Konti palang tong sakit na nararanasan ko sa sakit na naranasan nya.

" Ano suko kana agad? "

Syempre hindi gaya ng sabi ko. Babawi ako sa kanya papakita ko sa kanya na deserving ako sa chance na binigay nya.

" Nah! Nagpapalambing lang ako hindi pala epektib "

Napailing nalang sya at tinawanan ako. Everytime na may free time kami lagi kaming magkasama ni Leane. Tapos lagi din kaming magkatext. Sinusundo ko sya tuwing papasok kami tapos hinatid ko naman sya kapag awasan na.

" Ako na magdadala ng mga gamit mo "

Tumango sya sakin at nauna nang maglakad sakin.

" Leane "

" Hmmh? "

Huminto sya sa paglalakad at tumingin sakin at inaantay ang sasabihin ko.

" Bryan? "

Pero hindi ko talaga kayang itanong sa kanya yung mga tanong na nabubuo sa isip ko. I really want to ask her this questions.

Bakit lagi kang pumupunta sa Hospital na yun ng patago?

Na sa tuwing hinahatid ko sya sa bahay nila ay hindi pala sya dumederetsong pumasok sa bahay nila dahil pumupunta sya sa Hospital na yun. Ganon ba talaga ka importante sa kanya yung taong nasa loon ng hospital room na pinuntahan namin.

Ganon ba sayo ka importante si Kristoff?

Umiling ako sa kanya at nginitian sya.

" Tara na baka hinihintay kana nina Tita at Tito "

Young Love: The Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon