Justine's POV
Hindi ko maiwasan na hindi mapangisi sa tuwing naaalala ko yung usapan namin ni Dara. Siguro kung nakikita ko sya umuusok na yung ilong nun sa inis.
" Justine dinner time "
Pinatay ko na yung tv sa sala at pumunta na sa Dinning.
" How's school? "
Tanong sakin ni Mom. Sanay na ko sa kanila na every dinner time parang family bonding nadin kasi kailangan kong magkwento sa kanila ng mga nangyayari sakin.
" It's great Mom ako nga po palang napiling panlaban sa Quiz Bee "
" Quiz Bee? "
" Yes Dad "
" Akala ko ba si Dara ang panlaban diba Mhie nakwento satin ni Drake na kailangan niyang mag leave sa trabaho para masuportahan si Dara sa Quiz Bee "
So nasabi nya na pala sa parents nya yung tungkol sa Quiz Bee kaya ba sobra syang determinadong mapapayag ako na mag back out.
" Baka naman ibang Quiz bee yun Dhie "
" Kailan ba yun Justine? "
" I don't know Dad pero di pa naman ako sure kung papayag ako "
" Bakit ayaw mo ba? "
" Kilala nyo ko Mom pabago bago po yung isip ko "
" Sabagay naalala ko yung malaking contest na sinalihan mo noong sa Newyork ka nag-aaral last minute umayaw ka My God! Sumakit ang ulo ko sayo nun Justine "
" Kung Hindi ka pa sinuhulan ng school mo hindi ka lalaban "
Pasaway din kasi ako nung nasa Newyork ako. Buti nalang na hahandle pa nina Mom and Dad yung kalokohan ko. Kaso nga lang si Lola hindi kaya yan pinatapon ako sa Pilipinas buti nalang sinamahan ako nina Mom and Dad. Masyado kasing perfectionist si Lola.
~~~
Nakaupo lang ako sa upuan ako at nakasuot ng earphone. Tumingin ako sa relo ko tssk anong oras ba syang nagigising at ganitong oras wala pa sya sa room.
Nah! Bakit ako pa ang nag-aantay hindi naman ako ang may kailangan. Tumayo ako at nagpasyang lumabas ng classroom pero nang palabas na ko ng classroom ay syang pagpasok naman ni Dara. Napakunot ang noo ko ng umatras sya pansin ko dito parang ayaw akong malapit sa kanya mukha ba kong may nakakahawang sakit.
" Pwedeng mag step aside ka para makapasok ako? "
Maluwag naman ang pintuan bakit ayaw nyang pumasok. Wala talaga syang balak na pumasok hanggat andito ako sa may tabi ng pintuan.
" Tsk "
Bumalik ako sa upuan ako at tinaas ang paa ko. Tiningnan ko lang sya na umupo sa upuan nya. Okay? Tanggap nya na ba na hindi na sya ang panlalaban sa Quiz bee ayaw nya na kong mag back out. Well okay nadin sakin binaba ko yung paa ko at umubob nalang sa desk ko.
" What the Hell sinong nambato sakin?!!! "
Tiningnan ko yung mga classmate ko na nakaturo kay Dara. Ano na naman bang trip ng babaeng to. May pa turoturo pa sya sa papel na binato nya. Pinulot ko to at tumingin sa kanya. Napipi na sya ngayon. Binuklat ko yung papel at binasa ang nakasulat.
Magback out kana! Gagawin ko na anything huwag lang below the belt
Tumayo ako at pumunta sa harapan nya.
" Lumayo ka nga! "
" Say it "
" Huh? "
Binalik ko sa kanya yung papel na binato nya.
BINABASA MO ANG
Young Love: The Strings Attached
Teen FictionSequel of She's Living in a Boy's Dormitory