Zaion's POV
Hindi naman siguro traffic mamaya kaya babalikan ko nalang si Aliyah. Hindi sa binabakuran ko sya at ayaw ipasabay kayna Christian ayoko lang magkadahilan sila na mag-usap. I'm just afraid na tuluyan nya nang makuha sakin si Aliyah hanggat na sakin pa si Aliyah gagawin ko ang lahat para lang sakin mapabaling yung attention nya at pagmamahal nya.
" Captain payagan ka kaya ni Coach "
Kanina pa tong si Mark.
" Ako nang bahala nauna na kayo may kukunin lang ako sa locker ko "
" Sige Captain bilisan mo paalis na daw eh "
After I got my things at my Locker ay dumeretso na ko sa main gate. Bago ako sumakay sa Mini Bus ng Basketball team ay Kinuha ko ang phone ko para itext si Aliyah I can't call her may klase pa sya baka mapagalitan lang sya.
To: My Happiness
Aliyah wait for me after class Aalis na kasi kami ngayon para daw makapag warm-up babalik nalang ako para sunduin ka.
Sent√
Nilagay ko na ang phone ko sa bag ko at sumakay na sa Bus. Pagdating naman sa RU ay ang daming tao siguro dahil sa dito gaganapin ang game canceled na ang class.
" Mapupuno na ng mga taga RU ang upuan sa Gym bakit kasi hindi pina cancel din yung klase sa VU para andito narin yung mga supporters natin "
" Mas okay nadin to para masakit sa mga taga RU kapag natalo natin sila "
Napailing nalang ako kayna Mark at Elly.
" Oh! Yung mga tinuro ko sa inyo ha huwag nyong kalimutan presence of mind lang tyaka iwasan ang mga errors "
" Yes Coach "
" Sige na tara na muna sa Locker room na naka assign satin "
Naunang pumasok sa Gym sina Coach kasama sina Mark. Nilibot ko ang tingin sa mga students na nagpapasukan narin sa loob ng Gym.
" Zaion "
Napatingin ako kay Ash hindi parin pala sya sumunod kayna Coach.
" I know that hindi magandang sabihin ko to sayo ngayon kasi baka madistract ka lang pero they are really want you to comeback iniipit nila sina Mom and Dad pati Business namin. I'm sorry Zaion hindi kana pwede samin "
Tinapik ko ang balikat ni Ash.
" Nakahanap na ko ng matutuluyan dinala ko na kaninang umaga yung mga gamit ko sa inyo. I'm sorry for making you and your parents stressed ng dahil lang sakin "
" Sorry talaga Zaion you know your parents makapangyarihan sila pagdating sa Business world "
" Huwag mo nang isipan yun just focus on this game importante to satin tyaka kapag wala na ko sa inyo hindi na kayo guguluhin nila nasabi ko narin sa kanila na once na pakielam nya pa kayo hindi na ko uuwi sa bahay "
" Wala ka bang balak na bumalik sa inyo? "
Umiling ako sa kanya. Mas mabuti narin na mag-isa ako sawang sawa na kasi ako sa mga away nila.
" Sina Mark nga pala "
" Don't tell this to them "
Tumango sakin si Ash. Napilitan lang naman ako na kayna Ash makitira dahil sa wala pa kong makitang matitirhan mayaman din kasi sila Ash kaya naisip ko na hindi naman ako magiging pabigat sa kanila kung dun ako titira. Ayoko ng madamay pa sina Mark at Elly lalo na't hindi naman marangya ang buhay nila simple lang ang buhay nila saktong nakakain ng tatlong beses sa isang araw at nakapasok sa VU dahil sa Varsity sila ng Basketball. Akala mo walang problema dahil sa lagi silang masaya pero ang totoo behind those smiles and laughters ay ang hirap. Right now natanggal sa trabaho ang tatay ni Elly at Ang tatay naman ni Mark at nabangga ang minamaneho nitong tricycle kaya kung sa kanila ako lalapit para makitira ay magiging pabigat lang ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Young Love: The Strings Attached
Teen FictionSequel of She's Living in a Boy's Dormitory