Chapter 28: Choose Love

1.2K 53 7
                                    

Aliyah's POV

Wala ako sa mood ngayong mag swimming kaya heto ako naglalaro ng buhangin.

Sina Bryan at Sander magkasama chix hunting daw sila. Si Sander palibhasa walang lovelife kaya kumikere. Si Bryan naman palibahasa nasa Amerika yung taong mahal nya ayan naghahanap ng rason para makalimot. Tapos si Dara mangunguha daw ng mga shells tapos starfish. Si Justine sumunod kay Dara. Si Christian naman, Nilibot ko ang tingin ako sa paligid. Out of nowhere siguro kausap na naman si Rish sa cellphone nya. Kainis!!!! Kung madali lang sakin na sabihin na

Christian ako nalang...Ako nalang ulit oh.

Pero mahirap para sakin. Kasi wala akong assurance. Assurance na kapag sinabi ko yun tatanggapin nya ko kasi parehas parin kami ng nararamdaman.

" Hay!! Aliyah e-enjoy mo nalang tong lugar na to "

Tumayo na ko at nagpasyang maglibot-libot. Sa kakalakad ko ay di ko na namalayan na napalayo na pala ako at hindi ko alam kung parte pa to ng Resort namin. Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko.

" Wow! Aliyah ang malas mo naman ngayon naiwan mo pa yung phone mo "

Lumingon lingon ako sa paligid san ba ko dumaan?.

" I'm lost "

Umupo ako sa buhangin at niyakap ang binti ko. Hahanapin naman nila ako kapag nalaman nilang wala ako. Baka kasi kapag umalis pa ko dito ay mas lalo pa kong maligaw.

Sumagi sa isip ko si Zaion. Kamusta na kaya sya after ng pag-uusap namin sa garden hindi ko na sya nakita sa school.Pati nga sina Mark hindi ko na din mahagilap. Okay lang kaya sya. Galit ba sakin sina Mark dahil sinaktan ko si Zaion.

" Aliyah "

Napatayo ako bigla sa pagkakaupo ng makita ko si Christian.

" Pano?... "

" Sinundan kita "

Gusto kong itanong kung bakit nya ko sinundan pero umurong yung dila ko.

" Ano bang ginagawa mo dito ang layo mo na sa resort "

Umupo ako ulit sa buhangin at pinaglaruan ito.

" Wala lang gusto ko lang kasing maglakadlakad tapos di ko namalayan na nakalayo na pala ako "

Ganun din sa pagmamahal sa kagustuhan mo na malimutan na sya dahil sa pagod ka ng intayin sya ito naligaw ka at nakalayo sa kanya pero kahit ano palang gawin mo sya parin pala ang laman ng puso mo. Pero kapag naligaw ka wala kang kasiguraduhan kong makakabalik ka pa. Depende nalang kung may maghahanap sayo at sasamahan ka pabalik.

" Okay ka lang ba? "

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.

Yung totoo?...I'm not okay

Yan yung mga salitang gusto kong sabihin. Pero mas ginusto kong manahimik.

" Aliyah I know that it's not my business but would you mind share with me what happen to you and Zaion? "

Nakatingin ako sa mga mata nya. Hindi naman si Zaion ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Wala na ba talaga?. Kahit konti lang wala ka na bang gusto sakin Christian.

Niyakap ko ang binti ko at umubob sa tuhod ko.

" Palubog na ang araw let's go "

Naramdaman kong tumayo na si Christian kaya agad kong hinawakan yung laylayan ng damit nya. Pero nakaubob parin ako.

" He let go of me...Para daw hindi na ko mahirapan...Kasi alam nya kung sino talaga yung laman ng puso ko...Kasi alam nya kung sino talaga yung... "

Young Love: The Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon