Andito nanaman sya sa bar.
Nakakainis na talaga tong lalaki na to.
" Deus ! Tama na nga yan ! "- Pag-aawat ko sa kanya at pilit na kinuha yung baso ng alak na hawak nya.
" Wag mo nga akong pakielaman ! "- Sigaw nya at inagaw sakin to at straight na ininom.
" Deus umuwi ka na. Umuwi na tayo "- Sabi ko at hinila ang kamay nya pero agad din nya itong tinabig.
" Sino ka ba para pag sabihan ako ha ? "- Maangas na tanong nya sakin.
" Ako lang naman ang girlfriend mo Deus "- Plain na sagot ko at hinila na sya.
" Deus ano ba ! Tama na nga kasi ! "- Sigaw ko at inagaw nanaman ang basong hawak nya.
Nilapag ko yung baso sa lamesa at buong lakas ko syang hinila. Buti naman at sumama na sya ngayon.
Nilagay ko ang kamay nya sa balikat ko at nag lakad papuntang parking lot.
Ilang beses kaming natumba dahil ang bigat nya tapos pagewang gewang pa sya mag lakad.
Feeling ko sugat-sugat na ang tuhod ko pero hayaan na, basta mai-uwi ko si Deus ng ligtas.
Agad ko syang sinakay sa sasakyan nya at kinuha sa kanya ang susi at agad tong pinaandar.
Agad akong dumaretso sa condo nya. Buti nalang at mabait yung guard sa baba at tinulungan nya akong i-akyat si Deus.
Dinala ko kaagad sya sa kwarto nya at inihiga, agad din akong kumuha ng tubig para punasan sya at ng damit na pampalit nya.
Lasing na lasing nanaman sya.
" Tch lagi ka nalang nag lalasing na lalaki ka ! "- Galit na sabi ko at sinuotan na sya ng bagong t-shirt.
Niligpit ko na ang mga ginamit ko at ang mga kalat sa kwarto nya.
Bumalik ako sa kwarto nya para magpaalam na.
" Deus, uuwe na ko "- Malambing na bulong ko at sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay ko.
" Wag "- Sagot nya at hinila ako.
" Deus ! Kailangan kong umuwe samin ! "- Sabi ko at pilit na nilalayo ang sarili sa kanya pero masyado syang malakas at ang higpit ng yakap nya sakin.
" Dito ka lang Talia, wag mo kong iwan "- Napa hinto ako sa pag banggit nya ng pangalan nya.
Sya nanaman Deus ? Sya nanaman ?
Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
Pinipigilan ko ang pag hikbi ko dahil baka magising ko si Deus.
Hinigpitan nya ang yakap nya sakin at mas naiyak ako sa binulong nya.
" Mahal na mahal kita Talia. Please wag mo kong iwan "- Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para hindi ako humikbi.
" Bakit Deus ? Bakit hindi nalang ako ? "- Umiiyak na bulong ko.
Bakit ba sya parin ? Ako na ang girlfriend mo pero bakit sya parin ? Kelan ba magiging ako ?
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤