Tamara's POV
Sembreak ended so fast. Pasukan nanaman ngayon.
" Tamara "- Napa angat ang tingin ko sa nag salita at awtomatikong napa-ngiti.
" Dumating ka na pala "- Naka ngiting sabi ko kay Hugh habang tinatanggal ang bag kong nakalagay sa tabi kong upuan.
" Talagang nilagay ko dyan ang bag ko para may maupuan ka "- Naka ngiting sabi ko sa kanya.
" Naks ! Ang bait naman ng kaibigan ko "- Malokong sabi nya at ginulo ang buhok ko.
" Nako ! Siguradong pag nalaman ni Deus to uusok ang ilong nun "- Umiiling na dagdag nya.
Hanggang ngayon kasi hindi ko parin sinasabi kay Deus na magkaibigan na kami ni Hugh. Sasabihin ko naman talaga sa kanya. Kaso nakakalimutan ko naman minsan hahahaha.
" Sabay tayo mag lunch mamaya ah "- Ani ko na kina-kunot ng noo nya.
" Hindi ba kasabay mo mga kaibigan mo ? "- Kunot noong tanong nya sakin.
Inakbayan ko sya na ikina-taas ng isang kilay nya.
" Bakit ? Kaibigan naman kita ah ? "- Inosenteng sagot ko naman. Tinanggal nya ang kamay kong naka akbay sa kanya at tumingin sa paligid.
" Tigilan mo nga ako Tamara. Mamaya kung ano isipin ng mga kaklase natin kasi naka-akbay ka sakin. Tsaka ano ? Pagsasamahin mo kami ni Deus mamayang lunch ? World war 3 ba hanap mo ? "- Mataray na sabi nya sakin. Napa irap naman ako dahil sa sinabi nya.
" Nah. Knowing Deus, hindi yun gagawa ng eksena. Tsaka ano ka ba ! Wala akong kasamang mag lunch mamaya. Hindi tugma mga schedule namin every M-W-F "- Simpleng paliwanag ko sa kanya.
" Atsaka kahit naman kasabay ko sila mamayang lunch, isasama parin kita. Lagi kang mag-isa mag lunch. Ang lungkot kaya nun "- Ismid ko at inilabas na ang Certificate of Matriculation nang pumasok na ang professor sa classroom.
Natahimik kaming dalawa ni Hugh nang mag simula ng mag salita ang prof namin. At dahil first day of school, nag bigay lang sya ng kaunting information about sa subject then sa sarili nya at dinismiss na nya kami.
Ito talagang ang problema sa first day of school, ang aga mag dismiss ng mga prof. Nakita kong ang bilis magsi-alisan ng mga kaklase ko kaya napa-iling ako. Ibinalik ko na sa bag ang certificate ko at tumayo na.
" Meron pa tayong... "- Sabi ni Hugh at tinignan ang relo nya.
" Almost one hour pa bago yung next subject natin "- Dugtong nya at tinignan ako.
" Saan tayo ? "- Tanong nya at nginitian ako.
" Saan ba tayo pwede tumambay ? "- Tanong ko habang iniikot ang tingin sa paligid. Naghahanap ako ng lugar o ng classroom na pwedeng pag tambayan.
" Early lunch ? "- Ani nya kaya napa tingin ako sa kanya.
" Still not hungry. Gutom ka na ba ? "- Tanong ko. Iling lang ang sinagot nya sakin at inilagay sa bulsa ang mga kamay.
" I know a place na pwede tayong tumambay. Want to have an adventure with me ? "- Malokong tanong nya habang tinataas baba ang kilay.
Tinaasan ko sya ng kilay at pinag krus ang mga kamay.
" Worth it ba ng isang oras ko yang adventure na sinasabi mo ? "- Mataray na tanong ko. Tumango naman sya at hinila ang kamay ko.
" Actually it's my secret place since you're my friend i'm taking you there "- Sabi nya habang hila-hila ako.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤