5th

3.1K 139 79
                                    

Tamara's POV

Nag aayos na ako ngayon. Pupunta kasi ako ng mall para mag grocery. Ubos na kasi yung stock ko ng pagkain.

Agad kong kinuha ang wallet at phone ko at binuksan na ang pinto ng apartment ko. Napa hinto ako nang makita si Deus sa harap ng pinto.

" Babe ? Anong ginagawa mo dito ? "- Gulat na tanong ko.

" I've been calling you but you're not answering "- Seryosong sabi nya.

" Are you okay ? "- At doon ko nakita ang pag aalala nya.

Tinignan ko ang phone ko at doon ko lang napansin ang sandamakmak na tawag ni Deus.

" Oh my god ! I'm sorry babe ! Naka silent pala ang phone ko "- Natatarantang sabi ko.

" May kailangan ka ba ? "- Tanong ko at tinignan sya. Nakita ko ang pag kamot ng batok nya.

" Wala na akong pagkain sa condo. Ayaw mo naman na umasa ako sa instant noodles kaya magpapasama sana ako mamili "- Napa ngiti ako sa sinabi nya.

Nakikinig na sya sakin.

" Yun lang ba ? Sure ! Actually pupunta din ako sa mall ngayon para mag grocery kasi wala na din akong stock "- Naka ngiting sabi ko. Umatras sya ng kaunti kaya sinarado ko na ang pinto ng apartment at nang masiguro ko na naka-lock na, hinarap ko na ulit sya.

" Tara ? "- Naka ngiting tanong ko. Isang tango lang ang sinagot nya sakin at sabay na kaming nag lakad paalis.

" Nasa bakasyon parin ba si Bianca ? "- Tanong nya habang pababa kami.

" Ata ? Pero ang alam ko nandyan na sya sa bahay nila, ayaw lang ata sya paalisin ng parents nya "- Sagot ko.

" Wala ka paring kasama dyan sa apartment "- Seryosong sabi nya.

Naka-tira kasi kami ni Bianca sa iisang apartment since masyadong malayo ang bahay nila sa university namin.

" Kaya ko naman kahit mag-isa lang ako sa apartment ko "- Napa hinto sya at nilingon ako.

" No. You're going to stay with me habang hindi pa pasukan at habang wala pa si Bianca. Hindi kita pwedeng pabayaan na mag-isa "- Seryosong ani nya at nag lakad na ulit.

Hindi ko naman napigilan ang pag ngiti ko sa sinabi nya.

Nag sisimula na syang magkaroon ng pake sakin.

" So hindi na ako uuwe dito mamaya ? "- Tanong ko.

" Babalik parin tayo dito para maka-kuha ka ng gamit mo "- Simpleng sagot nya.

" Edi hindi na ako mag gogrocery ng para sakin ? "- Tanong ko. Tumango naman sya at naka labas na kami ng building.

Agad kaming dumaretso sa sasakyan nya at umalis.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe at makalipas lang ang ilang minuto nasa mall na kami. Agad akong bumaba at sumunod sa kanya papasok ng mall.

" Kumain ka na ba ? "- Tanong nya at nilingon ako.

" Actually hindi pa kasi wala nga akong stock ng pagkain "- Simpleng sagot ko. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako sa jollibee

" Ano bang gusto mo ? "- Tanong nya habang naka tingin kami sa menu.

" Spaghetti nalang babe "- Sagot ko. Nilingon nya ako at tinignan ng seryoso. 

" Kanin Tamara "- Seryosong sabi nya at umabante.

" Okay fine, yung burger steak supreme nalang "- Agad akong luminga-linga para mag hanap ng upuan.

" Hahanap na ako ng upuan "- Sabi ko at umalis. Agad naman akong naka hanap at umupo doon.

Makalipas ang ilang minutong pag iintay kay Deus, dumating na din sya at kaagad kaming nagsimulang kumain.

" Ay babe ! Nasabi sakin ni Bridger na ikaw daw yung representative ng college nyo. Totoo ba ? "- Naka ngiting tanong ko sa kanya.

Sa university kasi namin may iba't ibang representative every college o department. Yung representative kasi ng college nila graduate nila kaya kailangan may bago. Yung mga representative parang sila yung mga role model ng college o department nila.

" Oo, pati din si Bridger. Sya ang bagong representative ng college of Pharma "- Simpleng sagot nya.

" OMG i'm so proud of you babe ! "- Tuwang tuwa na sabi ko at doon ko nakita yung munting ngiti nya.

Naka ngiti kong pinag patuloy ang pag kain  at umalis rin kami kaagad nang matapos na kami.

Agad kaming dumaretso sa supermarket. Tulak-tulak ni Deus ang push cart samantalang ako ang kumukuha ng mga bagay-bagay.

" May mga sabon ka pa ba dun ? "- Tanong ko habang tumitingin ng mga shampoo.

" Don't mind the toiletries kasi meron pa ako dun. Pagkain lang talaga "- Simpleng sagot nya. Nilagay ko na sa cart yung shampoo at conditioner na napili ko at dumaretso kami sa meat section.

Bumili ako ng chicken, baboy, pork chop, bacon at iba pa. Naka sunod lang sakin si Deus.

At nang makuha na namin lahat ng kailangan namin pumila na kami sa cashier. Medyo madami ang tao sa supermarket ngayon kaya pangatlo pa kami sa pila.

" Babe, kukuha lang ako ng ibang chips. Nalimutan ko pala kumuha "- Paalam ko at akmang aalis na ng hawakan nya ang siko ko

" Sasama ako "- Sabi nya at medyo umatras.

" Wag na, ako nalang. Ang haba na ng pila o. Saglit lang naman ako "- Paalam ko at umalis na.

Agad naman akong naka punta sa chips section at nag simulang kumuha ng kung anu-ano.

" Asan yung lays ? "- Tanong ko sa sarili ko at inikot ang paningin. Pag angat ko ng tingin, doon ko nakita yung lays. Nasa pinaka taas.

So great naman this. Hindi naman ako ganun ka-liit pero hindi ko abot yung lays.

Luminga-linga ako para mag hanap ng pwedeng tumulong sakin pero punyeta walang nag aassist ! Ilang minuto na din ako dito at sigurado akong hinahanap na ako ni Deus. No choice na ako. Nag simula na akong tumalon para maabot yung lays.

Busy ako sa pag talon at pag abot ng lays nang may umabot ng isa.

" Here "- Napa lingon ako nang ibigay nya sakin ang lays na kinuha nya.

" Ilan ba ang kailangan mo ? "- Naka ngiting tanong nya.

" H-hugh ? "- Hindi makapaniwalang tanong ko.

" Oh. You know me ! "- Parang tuwang-tuwa na sabi nya.

"Tamara "- Napa lingon ako at doon ko nakita si Deus na sobrang seryoso.

Agad syang lumapit sakin at nilayo ako kay Hugh.

" Don't come near her "- Seryosong sabi ni Deus kay Hugh.

Tinaas naman ni Hugh ang kamay nya na parang sumusuko sa pulis.

" Whoah easy bro. Inabutan ko lang sya ng lays kasi hindi nya abot "- Natatawang sabi ni Hugh.

Tinignan lang sya ng masama ni Deus bago ako hinila paalis dun.

Tahimik lang nya akong hila-hila hanggang sa maka balik kami sa cart namin. Tinignan ko sya.

" Galit ka ba ? "- tanong ko. Tinignan nya ako.

" No. Just don't go near him "- Simpleng sabi nya at iniwas ang tingin sakin.

Gusto ko sanang isipin na nag seselos sya pero bakit pakiramdam ko may ibang dahilan kung bakit nya ako pinalalayo kay Hugh. Pero ang tanong. Ano ? Anong dahilan bakit parang ayaw na ayaw nyang mapalapit ako kay Hugh ?

Dead LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon