1st

4.8K 173 24
                                    

Tamara's POV

Nagising ako sa sikat ng araw. Unti-unti kong minulat ang mata ko at inikot ang paningin.

Oo nga pala. Sa condo ako ni Deus nakatulog kagabi.

Hindi na sya naka yakap sakin kaya tumayo na ako. Ipagluluto ko nalang sya ng agahan. Alam ko na may hang-over yan.

Dumaretso muna ako sa banyo nya at nag hilamos. Buti nalang may extra tooth brush ako dito sa condo nya. Napa ngiwi ako nang sumakit ang tuhod ko tsaka ko lang nakita na may gasgas pala to. Ilang beses banaman kaming natumba kagabi.

Pagkatapos ko, lumabas na ako at inipit ang buhok. Hindi man ako ganun kagaling na cook atleast edible naman yung mga niluluto ko. Binuksan ko ang ref at wala akong nakita ni isang pagkain o kahit anong pwedeng iluto.

" Aish Deus talaga "- Umiiling na sabi ko at sinarado ang ref nya.

Bumalik ako sa kwarto nya at kinuha ang bag ko. Nag iwan din ako ng note doon na lalabas lang ako saglit para mag grocery.

" Hay nako Deus ! Pano ka nalang pag wala ako !? "- Sabi ko sa sarili ko nang masarado ko na ang pinto ng condo nya.

Agad akong sumakay ng elevator at napa tingin sa tuhod ko.

" Ang shunga mo talaga Tamara ! Dapat nilinis mo muna yang tuhod mo "- Sabi ko habang sinasapo ang ulo ko.

Nahinto ako sa pag palo ng ulo ko at napa ayos ng tayo nang bumukas ang elevator at may lalaking pumasok.

Tahimik lang kami hanggang sa maka dating kami sa baba. Agad naman akong naglakad papunta grocery store.

Dinamihan ko na ng bili, para naman magkaroon ng stock ng pagkain si Deus. Lagi nalang kasi naka instant noodles yung lalaki na yun.

Medyo nahirapan akong dalhin yung mga pinamili ko, pero buti nalang nag dala ako ng eco bag kaya andun lahat ng pinamili ko. Mabigat ngalang talaga.

Maya-maya lang naka dating na ako sa building. Pasarado na ang elevator kaya binilisan ko ang pag lakad.

" WAIT ! "- Sigaw ko at binilisan ang pag takbo. 

Ewan ko kung anong meron sakin ngayong araw at nang malapit na ako sa elevator eh napigtal yung strap ng eco bag ko kaya ayun ! Nalaglag at gumulong yung mga binili kong kamatis, patatas at iba pa. 

" Waaa omg yung mga itlog "- Nag papanic na sabi ko at tinignan kung nabasag ba. Buti naman at hindi nabasag.

Isa-isa ko ng pinulot yung mga nag kalat na binili ko.

May lalaking tumulong sakin, yung lalaki dun sa loob ng elevator.

Nang mabalik na namin lahat sa loob ng eco bag ko, agad ko itong binuhat ang tinignan yung lalaking tumulong sakin.

" Salamat ! And sorry sa abala "- Sabi ko at inayos ang pagkakabuhat ng eco bag at lumapit sa elevator at pinindot ang button na pataas.

" Akin na nga tutulungan na kita "- Sabi nya at kinuha ang isang brown bag sa loob ng eco bag.

" Naku wag na kaya ko naman atsaka karne yan baka madumihan yang damit mo "- Sabi ko at nginitian sya.

Hindi nya binalik sa loob ng bag yung kinuha nya, hindi ko naman maagaw o makuha pabalik kasi nga sira yung eco bag ko at yakap-yakap ko ito.

Sumakay na kami pareho sa loob ng elevator nang bumukas ito.

" 3rd floor ako "- Sabi ko nang tignan nya ako. Agad naman nyang pinindot ang 3rd floor at 5th floor.

" Balik mo na yan dito "- Sabi ko at inilapit sa kanya ang eco bag ko.

I heard him tsked at binalik na yung hawak nya sa eco bag.

Bumukas na ang elevator kaya nilingon ko sya at nag bow.

" Salamat ! "- Naka ngiting sabi ko at umalis na.

Nang nasa tapat na ako ng room ni Deus, binaba ko muna ang dala kong bag at kinapa sa bulsa ko yung susi at agad na binuksan ang pinto. Kinuha ko na ulit ang eco bag at ginamit ang paa ko para isarado ang pinto.

Nilapag ko muna sa lamesa yung mga pinamili ko at sinilip si Deus. As usual, tulog parin sya. Bumalik na ako sa may kusina at nag simulang mag luto.

Adobo nalang ang lulutuin ko, favorite yun ni Deus. Kagaya ng nakagawian ko, tuwing nag luluto ako nag papatugtog ako. Kinuha ko ang phone at nag simulang magpatugtog.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na mapa kanta nang one call away ang tumugtog.

" I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away  "- Feel na feel ko pa ang pag kanta.  Ginamit ko pa ngang mic yung sandok.

Ipagpapatuloy ko na sana yung pag kanta ko nang may marinig akong nag salita sa likod ko.

" Ang ingay mo naman "- Kunot noong sabi ni Deus habang papalapit sa akin.

Napa ngiti naman ako nang makita sya. Ang cute talaga ng boyfriend ko pag bagong gising !

Agad kong pinatay ang tugtog at humarap ulit sa kanya.

" Good morning babe ! "- Masiglang bati ko sa kanya.

Hindi nya ako binati pabalik at umupo na sa may lamesa. Nag kibit balikat nalang ako at nag lagay na ng ulam sa mangkok at kinuha ko na yung sinaing ko. Nag lagay na din ako ng plato sa harap nya at umupo na din sa tapat nya.

Inintay ko munang sumubo sya.

" Masarap ba ? "- Naka ngiting tanong ko sa kanya. Tinignan lang nya ako at pinag patuloy na ang pag kain.

" Silence means yes babe "- Naka ngiting sabi ko at kumain na din.

" Babe ikaw talaga bat wala kang stock ng pagkain sa ref mo ha ?! "- Pang sesermon ko sa kanya habang kumakain.

" Wag kang umasa sa instant noodles kasi hindi yun maganda sa katawan ! Ano gusto mo din ng instant death ganun !? "- Pagpapatuloy kong sermon

" Kung ang pag luluto naman ang inaalala mo, pwede mo naman akong sabihan. Willing naman akong pumunta dito at ipag luto ka. Basta ayaw ko ng nag iinstant noodles ka "- Dagdag ko at kumain.

Nilunok ko muna yung nasa bibig ko bago ko pinag patuloy ang pag sasalita.

" Alam mo ba babe kanina nung pauwe na ko galing grocery store. Pasakay na sana ako sa elevator as in malapit na ! Tapos biglang naputol yung strap ng eco bag na dala ko so ayun ! Gumulong yung mga kamatis at iba pa ! Buti nalang di nabasag yung mga itlog kaya naka hinga ako ng maluwag tapos may lalaking- "- Di ko na natapos ang pag kukwento ko nang mag salita sya.

" Pwede ba Tamara !? Tumahimik ka ! "- Napa tahimik naman ako sa pag taas ng boses nya sakin.

" Sorry "- Mahinang sabi ko at tahimik nalang na pinag patuloy ang pag kain.

" Tch "- Ismid nya at tumayo na. Napa tingin ako sa plato nya at hindi pa nya nauubos yung pagkain.

" Babe di mo pa nauubos yang nasa plato mo "- Sabi ko at sinundan sya ng tingin.

" Nakakawala ng gana. Ang alat pa "- Galit na sabi nya at umalis na sa kusina.

" Mas gugustuhin ko nalang mag instant noodles kesa ganyang klase ng pagkain ang kainin ko "- Dagdag nya kaya napa yuko ako.

" Pagkatapos mong kumain umalis ka na "- Sabi nya at narinig ko ang pag sarado ng pinto.

Pumasok na sya sa kwarto nya.

Bumuntong hininga nalang ako at tinapos ang pag kain ko.

Baka kaya ganyan sya umasta kasi may hang over sya at masakit ang ulo. Oo tama yun ang dahilan.

Hinugasan ko na din ang pinag kainan nya at lumabas na ako sa condo nya.

Alam ko naman na wala akong panama sa kanya sa pag luluto. Pero hayaan mo. Mag aaral akong mag luto para sayo.

Dead LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon