Tamara's POV
Hila-hila lang ako ni Deus palabas ng bar, pero napa hinto kami nang may mag salita sa likod namin.
" So tatakbuhan mo nanaman ako ? "- Nilingon namin ang nag salita at nakita si Hugh na naka sandal sa may pader.
" Leave me alone. Leave her alone. Leave us alone "- Madiin na sabi ni Deus. Hindi nag patinag si Hugh at nag lakad papalapit samin habang naka-smirk.
" Ang init naman ng pag welcome mo sakin "- Naka ngising ani nya at lumapit pa sa amin. Tinago ako ni Deus sa likod nya.
Tinignan ako ni Hugh at nginitian tsaka kumaway.
" Hi Tamtam ! "- Bati nya.
Ano bang nangyayare ? Hindi ko na maintindihan.
" Lubayan mo kami Hugh "- Galit na sabi ni Deus.
" Aww ganyan mo ba talaga tratuhin ang kuya mo ? Tsk tsk asan na ang respeto at pag galang mo ? "- Naka smirk na sabi ni Hugh habang umiiling.
Wait. What ? Kuya ? Kapatid nya si Hugh ?
Iniangat ko ang tingin ko kay Deus at umatras ng kaunti kaya napa lingon sya sakin.
" Kuya ? Magkapatid kayo ? "- Tanong ko habang nililipat ang tingin kina Deus at Hugh.
No. Hindi pwede. Hindi sila magka-mukha at iba ang last name nila pareho.
" Deus didn't told you ? "- Tanong nya at tinilt ang ulo sa kanan.
" Hindi mo manlang pinakilala ang kuya mo sa girlfriend mo. Nakaka sakit naman ng damdamin kapatid "- Parang nag aasar na sabi ni Hugh.
" Tigilan mo ako Hugh. Hindi kita kapatid "- Galit na sabi ni Deus
" Hindi nga ba ? "- Naka ngising sabi ni Hugh.
" Hindi ba anak ka ni papa sa labas ? Anak ka ni papa sa malandi nyang secretary. We're somehow blood related "- Kibit balikat na dagdag ni Hugh.
Anak sa labas si Deus ? Why didn't he tell me ?
Si Talia kaya alam ang mga bagay na to ?
" Shut the fuck up Hugh "- Bakas ang galit sa bawat salitang binitawan ni Deus kay Hugh.
" No i won't "- Naka ngising sabi nya na para bang nanghahamon.
Tinignan nya ako at ewan ko ba pero natatakot na ako sa kanya. Hindi sya yung Hugh na nakilala ko. Oo halos iisang linggo palang kaming magka-kilala pero i known him for being jolly. Yung may nakaka-addict na ngiti. Yung mabait at matulungin. Hindi ito.
" You looked surprise Tamtam "- Bakas sa boses nya ang pang aasar.
" Hindi manlang ba to sinabi sayo ng magaling kong kapatid ? "- Tanong nya. Tinago ako ni Deus sa likod nya.
" Back-off fucker "- Galit na sabi ni Deus at kinuyom ang kamao.
I heard Hugh laugh. A mocking laugh.
" Bakod na bakod mo yang girlfriend mo ah "- Ani nya habang may mapang asar na ngiti sa labi nya.
" Bakit takot ka na bang maagaw din sya sayo ? "- Nang aasar na sabi nya.
Hindi ko inaasahan na bibitawan ni Deus ang kamay ko at sinugod ng suntok si Hugh. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tumulong at pumagitna sa kanila pero parang ayaw gumalaw ng paa ko. Para bang dinikit na sa kinatatayuan ko ang paa ko.
I was just staring at them. How they punch each other. Bloods flowing down their lower lips. I was taken aback suddenly and immediately run towards them. I pulled Deus then nung may space na sa gitna nila, ginamit ko ang lahat ng lakas ko para pumagitna. They both stopped nang nasa gitna na ako.
" Tama na please "- Pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. Deus looked at me and put his fist down.
Hinila na ako ni Deus palayo kay Hugh at tinignan ito ng matalim.
" Stay the fuck away from us "- Madiin na sabi nya at hinila na ulit ako.
" Oo tama yan Deus ! Matakot kang maagaw ko ang lahat sayo ! "- Sigaw ni Hugh.
" Inagaw mo lahat sakin. Si mama pati si papa. Ano bang meron sayo at proud na proud sila sayo ? Anak ka lang naman sa labas ! "- Dagdag nya. Iniangat ko ang tingin ko kay Deus pero hindi mo makita ang ekspresyon nya dahil naka-talikod sya sakin.
" Matakot ka na gawin ko din sayo ang ginawa mo sakin "- Sigaw ulit nya. Nilingon ko sya. Hindi sya yung Hugh na nakilala ko. And starting today i hate him.
I hate him for saying those stuffs to Deus. Hindi ba nya alam na masyadong masakit ang mga salitang binitawan nya ? I hate him. I really hate him.
Huminto kami sa sasakyan nya. Pinag buksan nya ako ng pinto pero galit nyang isinarado ang pinto na naging dahilan ng bahagyang pag talon ko sa kinauupuan ko. Umikot sya at umupo sa driver's seat bago pinaandar ang sasakyan nya.
Wala masyadong sasakyan sa dinadaanan namin at ang bilis-bilis nyang magpa-takbo ng sasakyan.
Nilingon ko si Deus at napaka-seryoso ng mukha nya. Mahigpit din ang pag hawak nya sa manibela.
Bigla nyang inapakan ng todo ang gas. Napa-hawak ako ng mahigpit sa seat belt ko at pumikit. This is the second time i see him like this.
Napa-mulat ako nang ihinto nya ang sasakyan. Sa sobrang lakas muntik na akong mauntog. Tinignan ko sya at galit nyang sinuntok yung manibela bago lumabas. Nataranta ako bigla kaya agad akong lumabas ng sasakyan at nakita ko sya andun sa mga puno at pinag susuntok ito.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Galit na galit nyang sinusuntok ang puno at sumisigaw din sya.
Seeing him like this breaks my heart.
Tears fell and i immediately hugged him.
" Deus tama na please "- I pleaded as i hug him tighter.
Hindi na sunud-sunod ang mga suntok nya, pahina na ito ng pahina hanggang sa sinuntok nya ulit ito sa huling beses ng malakas.
Naka-yakap lang ako sa kanya habang humahagulgol. I really don't know why but i'm hurting.
Alam kong galit na galit parin sya. Naka-yuko sya habang ang kamao nya eh naka-dikit padin sa may puno. Sinimulan nanaman nyang suntok-suntukin ito. Yakap ko parin sya gamit ang kanang kamay ko, samantalang yung kaliwang kamay ko, iniharang ko sa may puno para hindi na masaktan ang kamay nya sa pag suntok.
Hinawakan nya ang kamay ko at humarap sakin.
" I'm sorry "- Bulong nya at niyakap ako. Ramdam kong umiiyak sya dahil medyo gumagalaw ang balikat nya.
I know he needs someone right now. I know he needs me right now. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at mas binaon pa ang mukha sa may dibdib nya at ewan ko, bigla nanamang bumuhos ang mga luha sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤