Tamara's POV
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ang step brother ni Hugh.
Hindi naman sa pinag babawalan ako ni Hugh lumapit sa step brother nya, pero ayaw ko na kasing maulit yung nangyare sa bahay nila.
" A-anong ginagawa mo d-dito ? "- Nauutal na tanong ko habang nasa may pintuan parin.
Naka tingin lang sya sakin, as if studying me. And i don't like it.
" Why don't you take a seat Tammy ? "- Ani nya at itinuro pa ang bakanteng swivel chair na nasa harapan nya.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, hindi ako lumapit sa kanya.
He heaved a sigh at sumandal sa swivel chair na kinauupuan nya.
" Ako ang engineer para sa project nyo "- Seryosong sabi nya.
" At dahil investor din kami sa company nyo and my step-brother can't make it today because of his photoshoot, ako nalang rin ang aattend para sa company namin "- Paliwanag nya sakin.
" So take a seat now will you ? "- Dagdag nya.
Para naman ang tuod na sumunod sa sinabi nya. Unti-unti kong inihakbang ang paa ko papalapit sa swivel chair na nasa harap nya.
Parang mas gusto ko nalang lumabas dito kesa umupo sa harap nya. Bakit ba titig na titig sya sakin ?
Gusto ko sanang sabihin na 'wag kang mainlove sakin please, mahal ko ang step brother mo and we're getting married soon'
Napa buntong hininga nalang ako at sumandal sa swivel chair at tinalikuran sya. Oo tinalikuran ko talaga sya. Ang awkward kaya !
" Tamara "- Tawag nya sakin. Hindi ko alam kung tawag nya talaga ako o hindi.
Napa pikit ako ng madiin at hindi sya pinansin. Next thing i knew, gumalaw ang swivel chair ko paharap sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang nasa harap ko sya at naka-lean sya papalapit sakin.
" A-anong ginagawa mo !? "- Gulat na sabi ko.
Naka tingin lang sya sa mata ko.
I hate it. I hate the way he looks me straight in the eyes. May kung ano sa mata nya na hindi ko maalis ang tingin. At feeling ko mali ito.
" Hindi mo ba talaga ako maalala ? "- Seryosong tanong nya sakin.
" A-ano bang sinasabi mo !? A-ayan ka nanaman eh ! "- Kinakabahan na ani ko.
" P-please ! Stop t-talking nonsense and b-be formal "- Dagdag ko at iniwas ang tingin sa kanya.
" I love you "- Bulong nya at hinalikan ang noo ko.
Para bang may sariling buhay ang kamay ko at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nya at galit na tumayo.
" Ano ba yang sinasabi mo !? Hindi ka manlang ba nahihiya dyan sa ginagawa mo sakin !? I'm your step-brother's fiance ! Tapo- "- I wasn't able to finish what i'm saying when he pulled me closer and claimed my lips.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. I know i should push him away from me and slap him pero na-estatwa ako sa kinatatayuan ako. Hindi ako maka-galaw.
Unti-unti nyang inilayo ang mukha nya sakin at ipinag dikit ang mga noo namin.
" Please Tammy, bumalik ka na sakin "- Bulong nya habang naka pikit.
" Please Tammy, please "- Pag uulit nya.
Hindi ko alam pero biglang may tumulong luha sa mata ko.
Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.
Ipinikit ko ang mata ko at pina kalma ang sarili.
" Please... "- Panimula ko. Huminga ako ng malalim bago ko itinuloy ang sasabihin ko.
" Please itigil mo na to... itigil mo na kung ano tong ginagawa mo "- Pag papatuloy ko at tinignan sya sa mata.
" Mahal ko si Hugh kaya please ? Stop it. Stop this "- Dagdag ko.
Nang sabihin ko iyon, pain was written all over his face at hindi ko alam pero mas nasaktan ako sa nakikita ko.
Bigla akong nanghina nang biglang may nag flashback na memory.
Pinipigilan nung babae yung lalaki na magpaka lasing sa isang bar. Pinapatigil nyang uminom yung lalaki, pero hindi sya pinansin nito.
I took a step backwards, good thing naka hawak ako sa swivel chair.
" Tammy ? "- Tawag nya at lumapit sakin.
" No ! Stay back ! "- Sigaw ko at umatras pa hanggang sa tumama ang likod ko sa pintuan.
Here comes the flashback again.
The guy kissed the girl in the lips and muttered 'i love you Talia' and a tear escaped from the girls eyes before kissing him back.
Napa hawak ako sa ulo ko.
And here comes the pain again. Parang hinahati sa dalawa ang ulo ko sa sobrang sakit. I screamed.
" Tamara ! "- Sigaw ni Deus at hinawakan ang braso ko at pilit na inaangat ang ulo ko.
Itinulak ko sya palayo sakin.
" STAY AWAY FROM ME ! "- Sigaw ko at kasunod nun ay ang pag sigaw ko dahil sa sakit ng ulo ko.
Kahit na itinulak ko na sya palayo sakin ay lumapit parin sya at pilit akong hinahawakan.
I was crying because of pain. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng ulo ko o dahil sa mga masasakit na flash back na nakikita ko.
Nag luluto yung babae and she's so clumsy kasi bigla syang napaso. Nilapitan sya ng lalaki at tinignan yung daliri nyang napaso at sinabing 'tch, para kang si Talia'
I clutched my chest and my breathing become uneven.
I screamed in agony as black dots starts to invade my vision.
I pointed my bag at the table at mukhang na-gets naman ni Deus ang gusto ko.
Agad nyang kinuha ang bag ko. Mabilis kong hinanap ang gamot ko.
Nagpa-check up kami ni Hugh last time dahil sa nangyare sakin at binigyan ako ng gamot for it.
I keep on blinking para ma-lessen yung black dots na nakikita ko.
Agad kong kinuha ang puting bote na nag lalaman ng gamot ko at kinuha ito.
Agad kong itinaktak ang gamot sa kamay ko at isinubo ang tatlong tabletas at uminom ng tubig na inabot sakin ni Deus.
Sumandal ako sa pintuan at huminga ng malalim habang naka pikit.
Maka lipas ang ilang minuto ay kumalma na ako. Iminulat ko ang mata ko at tinignan si Deus na nasa harap ko.
" I-it's all because of you "- Nanghihina na sabi ko habang naka tingin ng masama sa kanya.
" K-kasalanan mo to "- Nanghihina na dagdag ko.
He caress my cheeks with his shaking hands. Dahil sa nanghihina ako ay inilayo ko ng kaunti ang mukha sa kamay nya.
I hate him. I despise him.
Napa pikit ako ng madiin nang may mag flash back nanaman.
Sinusuklay nung babae yung buhok ng lalaki habang yung lalaki mahimbing na natutulog. 'i love you Deus. I really do' bulong nung babae. Tears fell from her eyes because of the guys answer. 'i love you more Talia. I really do' kinagat ng babae ang pang ibabang labi nya para pigilan ang pag hikbi nya. 'why Deus ? Ako ang nandito pero sya parin ang hinahanap mo'
Hindi ko na nagawang imulat ang mata ko at bumagsak sa sahig. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, i heard him call my name and silence took over me.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤