Tamara's POV
Nasa sasakyan ako ni Hugh ngayon at tahimik na umiiyak.
" Turn left "- Mahinang sabi ko. Sinunod naman yun ni Hugh.
" Dito na "- Mahinang sabi ko ulit at hininto na ni Hugh ang sasakyan. Hindi ko na hinintay na pag buksan ako ni Hugh, agad akong lumabas ng sasakyan nya.
I immediately ran towards my grandparents' grave
" I'm so sorry po kung ngayon lang ako naka-dalaw "- Umiiyak na sabi ko at pinahid ang mga luha ko.
" But i badly need to see you "- At doon na bumuhos ang mga luha ko.
" Bat ganun sila ? Here they go again. Controlling me. Gusto nila akong sumama sa kanila pabalik sa Houston. Ayoko granny ! I'm so done being controlled ! "- Galit na sabi ko.
" For pete's sake granny ! I'm their daughter ! Not their robot ! "- Dagdag na sabi ko.
" After what they've done ? After leaving me for fuckin 13 years ? Kukunin nila ako sa inyo para ganituhin ? Do they even call themselves as parents !? I hate them granny ! I so hate them for doing this to me ! "- Humahagulgol na ani ko.
" And now, idadamay nila si Deus. Why are they doing this to me granny ? Why ? "- Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at doon umiyak.
" All i want is to have a simple life. Not like this granny. I want a simple life with the man i love and to be with you "- Mahinang sabi ko at hinigpitan ang pag yakap sa tuhod ko.
I really hate my parents. I despise them. Yes sa kanila ako galing, pero ni minsan hindi nila pinaramdam sakin na mahal nila ako. Why ? Because they left me for their job. Mas mahal nila yung kumpanya nila kesa sakin. I lived with my grandparents for 13 years, tapos tsaka nila ako kukunin for what ? Kasi alam nilang mapapakinabangan na nila ako. They commanded me to take business para ako ang mag tutuloy ng business nila. Nung nasa puder nila ako, hindi ko ramdam na may magulang ako.
Nagkasakit ang grandparents ko, pero anong ginawa nila ? Wala ! Hinayaan lang nila na mamatay ! Hindi naman daw kasi namin kamag-anak kaya okay lang sa kanila. Tao pa ba sila ? After nila akong alagaan, kahit na hindi nila ako tunay na apo. Yan ang isinukli ng magaling kong mga magulang sa kanila.
Iyak lang ako ng iyak. Para bang hindi ito maubos-ubos. May naramdaman akong nag lapag ng kung ano sa balikat ko kaya napa angat ako ng tingin. Doon ko nakita si Hugh na naka tayo sa gilid ko at may itim na jacket na naka patong sa balikat ko.
" Lumalamig na. Baka magka sakit ka "- Sabi ni Hugh habang di naka tingin sakin.
" Sa-salamat "- Pasasalamat ko at mas ibinalot sakin ang jacket na binigay nya.
Maya-maya lang ay naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.
" I have no intention to eavesdrop pero narinig ko lahat "- Sabi nya habang naka tingin sa kawalan.
" Hindi ko naman akalain na may ganyan ka palang pinag dadaanan "- Sabi nya at tinignan ako.
" Stay strong Tamara "- Sabi nya at nginitian ako.
Ewan ko pero parang ibang tao itong kaharap ko. Hindi sya yung Hugh na kinaiinisan ko. He's completely different.
" Tara na, masyado ng gabi at malamig dito "- Sabi nya at tumayo.
Pinahid ko muna ang luha sa mata ko at tumayo.
" I'll be back granny. Mag dadala na ako ng flowers para sa inyo sa susunod "- Sabi ko at ngumiti ng malungkot sa libingan nila tsaka tumingin kay Hugh.
Tumango sya at nag simula ng mag lakad at sumunod naman ako sa kanya.
Tahimik kaming nag lakad pabalik ng sasakyan nya.
" Where do you want to go ? "- Tanong nya sakin at binuksan ang makina ng sasakyan nya.
" Ayaw kong umuwi sa apartment "- Sagot ko. Napa tingin sya sa orasan nya at ngumiti.
" I know where we can go "- Naka ngiting sabi nya at pinaandar ang sasakyan nya.
Hindi naman ako natatakot kung saan ako dadalhin ni Hugh because i trust him tonight.
Ihininto ni Hugh ang sasakyan nya sa isang fast food kaya napa kunot ang noo ko.
" Wait here. Bibili lang ako ng makakain "- Sabi nya at sinuot ang shades nya bago bumaba ng sasakyan.
Sumandal lang ako at ipinikit ang mga mata at inintay na dumating si Hugh.
Maya-maya lang eh bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Hugh. Nanlaki ang mata ko sa dami ng binili nya.
" Mauubos ba natin yan ? "- Tanong ko habang naka tingin sa mga paper bags na nasa likod.
" I'm sure we will "- Naka ngiting sagot nya at pinaandar na ulit ang sasakyan.
Hinayaan ko lang syang mag drive at nakita kong paakyat kami sa parang bundok ? Ewan. Bahala na sya.
At maya-maya ay hininto na nya ang sasakyan. Lumabas sya kaya lumabas ako at doon ko nakita ang kabuuan ng lugar at sobrang ganda at refreshing.
" Lagi akong pumupunta dito kapag hindi maganda ang mood ko tapos bumibili ako ng madaming pagkain "- Sabi nya at pinakita ang mga dala nyang paper bag tsaka ngumiti.
Napa kurap ako. Ibang iba itong Hugh na kaharap ko. Parang kanina lang para kaming aso't pusa pero ngayon parang ang bait nya.
" Tara dito tayo "- Sabi nya at doon ko nakita ang isang malaking puno at may naaninag akong parang flat form sa taas nito.
Sumunod ako kay Hugh paakyat at nang maka rating kami sa taas ay mas naaliw ako. Mas kitang-kita ang ganda ng city dito.
Umupo ako at pinikit ang mata nang umihip ang malakas at napaka refreshing na hangin.
" Diba ang ganda dito. Kumain ka na "- Sabi nya habang isa-isang inilalabas ang mga pagkain na binili nya.
Bigla akong nagutom sa mojos na nakita ko. Tinulungan ko syang buksan ang mga pagkain na dala nya at nag umpisang kumain.
" Salamat Hugh ah ? "- Sabi ko habang naka tingin sa magandang tanawin na nasa harap ko.
" Wala naman talaga akong intensyong dalhin ka dito pero nung narinig ko ang dinaramdam mo, pakiramdam ko pareho lang tayo na may dinaramdam "- Ani nya habang naka tingin din sa may mga city lights.
" Parehong tungkol sa pamilya "- Naka ngising sabi nya at binuksan ang root beer na nasa tabi nya.
" So babalik ka na ng Houston ? "- Tanong nya at uminom.
" Pinababalik nila ako pero hindi ako sasama. Hindi ako robot na susunod sa kanila "- Madiin kong sabi at binuksan ang root beer ko.
" Pero parents mo sila "- Kibit balikat na sabi nya.
" Parents your ass "- Mataray na sabi ko at kumain ng mojos.
Natatawang umiling sya at kumain nalang din.
" I'm sure uusok ang ilong ni Deus pag nalaman nya to "- Natatawang sabi nya sakin. Muntik ko ng mabuga yung iniinom ko dahil sa sinabi nya.
" Bastos na bata "- Natatawang sabi ko at pinahid ang labi ko tsaka ko sya inirapan.
Natatawang umiling lang ulit sya.
Hinarap ko sya at humalumbaba.
" Alam mo, mabait ka naman eh. Dahil lang sa galit mo kay Deus kaya ka naging ganyan "- Sabi ko at medyo lumapit pa sa kanya at nginitian sya.
" Pero gusto kong maging kaibigan mo "- Naka ngiti kong ani at inilahad ang kamay sa kanya.
" Let's be friends ? "- Tanong ko. Mukha namang nagulat si Hugh sa tinanong ko.
Ngumiti sya at nakipag kamay sakin.
" Friends "- Naka ngiting sagot nya na mas nakapag pa-ngiti sakin.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤