25th

2.2K 102 10
                                    

Tamara's POV

Ang sabi, sa library daw. Ewan sobrang creepy kasi halos lahat i-mean karamihan sa nadadaanan kong estudyante ay nag bibigay sakin ng roses. Pero hindi ito katulad ng unang rose. Wala itong papel, as in rose lang.

Umakyat ako dahil ang room or section for accounting books ay nasa 2nd floor.

Lahat ng estudyante ay naka-tingin sakin kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko para maka-rating sa 2nd floor.

Bago ako pumasok sa room, nahagip ng mata ko ang librong pinapahanap sakin.

May heart na candy lollipop naman ito sa ibabaw. Lumapit ako sa table at nilapag muna ang mga bulaklak sa lamesa at binuksan ang libro.

Ang sabi page 143 daw kaya agad kong hinanap ito. Nang pagka-bukas ko ay may nakita akong light blue na sticky note.

Empire café, third table from your right. Window side.

Kumunot nanaman ang noo ko. Anong pakulo ba to ? Tumayo na ako sa upuan at dinala ang mga bulaklak na binigay sakin kanina at ang lollipop. Akmang aalis na ako nang tawagin ako ng librarian.

" Yes po ma'am ? "- Magalang na tanong ko at lumapit sa desk nya.

Naka ngiting nyang inabot sakin ang isa pang lollipop.

" Pinapabigay nya "- Naka ngiting sabi nya.

Wala sa sarili ko itong kinuha. Katulad ng unang rose, may papel na naka rolyo sa stick nito.

" Ma'am kanino po ba to galing ? "- Nag tatakang tanong ko habang tinatanggal ang papel na nasa stick ng lollipop.

" Won't tell you~ you better find it yourself "- Naka ngiting sagot nya habang nasa screen ng computer nya ang tingin.

Napa nguso naman ako at binasa na ang nasa papel.

Don't keep me waiting. Hurry up.

Napa-rolyo naman ang mata ko sa nakita ko. Ibinulsa ko ang papel at umalis na ng library.

Pagka-labas ko ng library ayan nanaman ang mga estudyanteng nag aabot sakin ng lollipop. Ghad ! Ang dami ko ng dala ! Wag naman sana nilang dagdagan !

At dahil puno ng bulaklak ang kanang kamay ko, at ng lollipop ang kaliwa. Hindi ko ma-pull yung pinto ng cafe. Buti nalang nakita ako ng isang server kaya sya ang nag bukas ng pintuan para sakin.

" Thank you "- Pasasalamat ko at dumaretso sa 3rd table sa kanan ko sa may window side.

At ang naabutan ko sa table ? Isang envelope lang. 

Nakakainis na ah ! Akala ko naman may maabutan na akong tao dito para sana ihampas sa kanya tong mga bulaklak dahil ang dami nyang alam !

Kunot noong ibinaba ko mga dala ko sa table at kinuha ang envelope.

Smile before you open. Alam kong inis ka na pero, magugustuhan mo naman yung surprise ko ;)

" Tch, smile your ass. Pinapagod mo akong hinayupak ka ! "- Asik ko tsaka padabog na binuksan ang envelope.

Dahil sa sobrang lakas siguro ng pag punit ko sa gilid ng envelope ay may tumalsik na kung ano galing dito.

Agad ko itong hinanap at napa-hinto ako nang makita kung ano ito.

Susi ng sasakyan.

Agad akong umayos ng tayo at tinignan ang envelope. May picture ng sasakyan at gusto kong tumalon sa sobrang tuwa. 

Isang chevrolet camaro. Ang dream car ko.

 Ang dream car ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dead LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon