24th

2.1K 99 1
                                    

Tamara's POV

It's been 3 days simula nung nakita ni Deus na magkasama kami ni Hugh sa rooftop at hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkakausap. Napa buntong hininga nalang ako.

Wala tuloy akong gana makinig sa lesson namin ngayon kapag naaalala ko yung nangyare nung araw na yun.

Flashback

Sobrang sama ng tingin samin ngayon ni Deus at seryoso, tingin palang nya nakakatakot na. Agad akong hinila ni Deus palayo kay Hugh. I saw Hugh smirked at nagulat ako nang bigla syang suntukin ni Deus.

" Hugh !- "- Hindi ko na nalapitan at naalalayan si Hugh tumayo dahil agad na akong hinila ni Deus paalis dun.

Hila-hila ako ni Deus pababa ng hagdan at pag dating namin sa 5th floor ay hinila nya ako papasok sa isang bakanteng classroom at ni-lock ang pinto.

Napa lunok ako nang tignan nya ako ng sobrang sama.

" Ano ba Tamara !? How many times do i have to tell you to fucking stay away from Hugh !? "- I flinched a bit nang galit syang sumigaw.

Ilang beses ko na syang nakitang galit oo, pero ngayon lang ako natakot ng sobra sa kanya.

" I-i'm sorry "- Mahina at naiiyak kong sagot sa kanya.

Napa angat ako ng tingin nang hawakan nya ng mahigpit ang braso ko.

" Makinig ka naman sakin Tamara ! Ang hirap ba intindihin ng sinasabi ko sayo na layuan mo si Hugh ? He's not what he seems ! "- Galit na sabi ni Deus habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.

" De-Deus nasasaktan ako "- Naiiyak na sabi ko.

Mukha namang napansin ni Deus na masyadong mahigpit ang hawak nya sakin kaya tinanggal nya ang kamay nya.

" I-i'm sorry- "- I took a step backward nang akmang lalapit sya sakin.

" S-sa susunod nalang tayo mag-usap. K-kapag okay ka na "- Nauutal na sabi ko habang unti-unting lumalapit sa may door knob at pinihit ito. Agad akong lumabas ng classroom na yun.

Nagmamadali akong umalis at pinahid ang mga luha sa pisngi. Napa hawak ako sa braso ko. Medyo masakit sya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Deus. Nang tumapat ako sa may hagdan, saktong pababa si Hugh.

" Tamara are you- "- Hindi ko na sya pinatapos mag salita dahil mas binilisan ko ang lakad ko pababa.

Ayaw ko muna makausap ang sino sa kanilang dalawa. Kailangan ko munang palamigin ang sitwasyon.

Good thing first day of classes palang ngayon kaya hindi muna nag tuturo ang mga prof kaya buong araw akong lutang at walang pinapansin.

Uwian na. Akala ko susunduin ako ni Deus at mag sosorry o di kaya'y mag uusap kami ng maayos. Pero wala eh. Walang Deus na nag iintay sakin sa labas ng room. Pag punta ko naman ng parking lot, wala na dun ang sasakyan nya. Umuwi na sya. 

Siguro mainit pa ang ulo nya kaya hindi ko nalang din muna sya kakausapin. Alam kong may mali kami pareho pero ayaw kong mag baba ng pride ngayon. Feeling ko kasi mas malaki yung kasalanan nya sakin.

Paalis na sana ako nang may marinig akong tumawag ng pangalan ko.

" TAMARA ! "- At nang pag lingon ko ay nakita ko si Hugh na tumatakbo. Napa hawak sya sa tuhod nya at hingal na hingal. Halatang hinabol ako.

" Wait... hihinga... lang... ako... "- Hingal na hingal na sabi nya. Maya-maya lang ay umayos na sya ng tayo.

" Feeling ko ako ang may kasalanan kung bakit mukhang hindi kayo okay ni Deus. May malapit na coffee shop dito. My treat "- Sabi nya at nginitian ako.

Tumango ako at sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa coffee shop. Agad syang dumaretso dun sa may pinaka dulong upuan. Sumunod naman ako sa kanya.

" Pili ka lang ng gusto mo. Akong bahala "- Sabi nya habang naka tingin sa menu na naka lagay sa lamesa. Kinuha ko naman ito at agad na humanap ng makakain.

Nang may matipuhan akong kainin, agad kong sinabi kay Hugh at sya na ang umorder.

" So... "- Basag nya sa katahimikan.

" Magkaaway kayo ? "- Tanong nya. Tanging tango lang naisagot ko sa kanya.

" Sorry. Pinapalayo ka ba nya sakin ? "- Tanong nya. Tumango ulit ako bilang sagot.

" Bakit ba ayaw mong lumayo ? "- Nagtatakang tanong nya.

" I thought mahal mo si Deus ? Bat ayaw mo syang sundin ? "- Dagdag na tanong nya.

Napa angat ang tingin ko nang dumating ang server dala ang milkshakes na inorder namin. Nginitian namin ang server at nagpasalamat tsaka ito umalis.

" Because you're my friend "- Simpleng sagot ko.

" Atsaka, ayaw kong lumala ang away nyong magkapatid. Gusto kong magkaayos kayo "- Dagdag ko habang nilalaro ang straw ng shake ko.

Hindi naman naka imik si Hugh sa sagot ko kaya natahimik kaming dalawa.

Napa kunot ang noo ko nang bumuntong hininga sya.

" I'm sorry "- Ani nyang nakapag pa-kunot sa noo ko.

" Sorry ? For what ? "- Nagtatakang tanong ko. Umiling lang sya at kinuha ang phone nya sa bulsa.

" I need to go. May photoshoot daw ako "- Sabi nya habang naka tingin sa phone nya at tumayo.

" Ako na magbabayad nyan at umorder ka pa ng pagkain if you want. Kung gusto mo papuntahin mo pa si Bianca dito para hindi ka mag-isa. Here "- Sabi nya at inabot sakin ang credit card nya.

Nginitian nya ako at agad na umalis.

End of flashback

Napa balik ako sa katinuan nang bigla akong sikuhin ni Hugh at dahil naka halumbaba ako eh dumulas sa kamay ko ang chin ko. Tinignan ko sya ng masama.

" What the ? "- Mataray na ani ko sa kanya.

" Are you with us ? "- Napa tingin ako sa harap nang may marinig kong nag salita. 

Shit ! Nakita ako ng prof namin ! Napa kagat ako sa pang ibabang labi ko.

" Kanina pa kita tinatawag. Kung wala kang balak makinig sa lesson ko, the doors are open. You are free to go out "- Taas kilay naka krus ang mga kamay na sabi ng prof namin. Napa yuko naman ako.

" S-sorry po "- Paumanhin ko at umayos ng upo. Tumalikod na sya at itinuloy ang lesson namin.

" Are you okay ? "- Tanong ni Hugh. Napa buntong hininga naman ako.

" Yeah "- Simpleng sagot ko at pinilit na makinig sa tinuturo ng prof namin.

Makalipas ang ilang minuto ay nag bell na. Nag paalam kami sa prof namin. Inayos ko na ang gamit ko at sabay kaming lumabas ni Hugh ng classroom.

" Sorry Tamara, hindi kita masasamahan ngayon. Aalis na kasi ako "- Nag mamadaling ani ni Hugh. Napa kunot naman ang noo ko.

" May drama kasi akong kailangan i-shoot "- Sabi nya. Tumango naman ako.

" Ingat ka "- Naka ngiting sabi ko sa kanya. Nginitian nya ako pabalik tsaka sya tuluyang umalis.

Napa buntong hininga nalang ako at tumalikod na. Akmang paalis na ako nang may babaeng humarang sa harap ko.

" Hi ! Kayo po si Tamara ? "- Tanong nung babae. Dahil medyo na-shock ako sa kanya, awkward akong tumango.

" May nagpapabigay po "- Sabi nya sabay abot ng isang rose. Kinuha ko ito sa kanya at agad naman syang umalis.

Tinignan ko ang rose at may nakita akong papel na naka rolyo sa may stem. Agad ko itong kinuha at binuksan.

Napa kunot ang noo ko.

Library. Financial accounting volume 1, page 143

Okay ? Ano to ?

Dead LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon