Tamara's POV
Nasa ambulance kami ngayon. Ngayon ko lang napansin ang dugo sa t-shirt ko pati na din sa kamay ko.
Nasaksak pala sya. At kapit na kapit pa ako sa kanya.
Agad na bumukas ang pinto ng ambulance nang maka-rating kami ng hospital. Hanggang sa hinarang ako nang malapit na kami sa isang kwarto. Wala sa sarili akong umupo sa upuan at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay at doon na bumuhos ang luha ko.
" Miss Tamara ? "- Napa angat ako ng tingin sa tumawag saakin at doon ko nakita na may dalawang police na nasa harap ko.
" Gusto lang po namin kayong i-inform about sa lalaking naka-pasok sa condo unit nyo "- Sabi nung police na nasa harap ko.
" Matagal na syang pinag hahanap ng police dahil sa dami na ng nag rereklamo sa kanya and base on our record isa kayo doon. Isa kayo sa muntik ng ma-rape nya "- Sabi ng police at tinignan nya ang police na nasa likod nya na para bang asking for more info about him.
" As of now po he raped a total of 18 and killed 8 of them. Gusto nyo po bang mag sampa din ng kaso ? "- Tanong nung isa at tinignan ako.
Hindi ko alam. Para bang hindi nag fufunction ang utak ko. Napa takip ako sa mukha ko at dahan-dahan na tumango. He could have killed us.
" Kailangan lang po namin ng statement nyo "- Ani ng police.
" Hi-hindi ko talaga alam yung nangyare. Nagising nalang ako kasi naka-rinig ako ng parang nabasag then walang ilaw sa unit namin "- Pagkukwento ko.
" Speaking of that ma'am. Kaya wala pong ilaw sa unit nyo ay dahil pinutol nya ang mga cord "- Pag iinform sakin.
The police in front of me jerked his chin as if asking me to continue.
" Pag labas ko ng room, akala ko si Deus yung nakita ko sa kusina, pero nung medyo malapit na ako napansin kong hindi si Deus ang nasa kusina dahil may hawak syang kutsilyo. Deus pulled me inside the other room. Balak nya ata nung una na sa bintana dumaan kaso masyadong malakas ang ulan at sinabi nya saaking sa balcony sya dumaan dahil naiwan daw nya itong naka-bukas. Inabutan nya ako ng phone at sinabing tumawag ng police at pinatago nya ako sa closet. Kaso biglang nag alarm yung phone na hawak ko at nakita nya ako sa closet, palabas na kasi ni Deus pero naabutan nya kami "- Humihikbing pag kukwento ko.
Sinusulat naman yun nung police sa likod.
" Thank you. We'll ask Mr. Deus' side once he's okay "- Paalam ng police at umalis na sila.
Napa takip ulit ako sa mukha ko at doon umiyak.
" Tamara ! "- Napa lingon ako sa hallway nang may tumawag saakin. Doon ko nakita ang mom and dad ni Deus.
And Hugh.
Halatang nag mamadali silang pumunta dito dahil naka-pajama lang si tita at si tito naman eh naka suit and tie pa. Galing siguro sya sa office and Hugh. Mukhang galing sya sa gala.
" The police called us na nasa hospital si Deus. What happened ? "- Nag aalalang tanong ng mom- i mean step-mom ni Deus.
" May naka-pasok po sa unit namin... muntik na po akong ma-rape and Deus was stabbed "- Naka yukong dagdag ko at hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko sa pag iyak.
Parang nanghina si tita at napa-upo sya sa upuan sa tabi ko.
" I-i don't know if he's okay. Naririnig ko kanina sa medic na madaming dugo daw ang nawala sa kanya "- Mahinang dagdag ko.
" Oh my god "- At doon na naiyak ang step mom ni Deus. Umupo naman ang dad nya sa tabi nito at pinapa-kalma.
" He'll be fine Jena "- Bulong ng dad nya habang hinahaplos ang likod nito.
" How are you iha ? Hindi ka naman ba nasugatan o ano ? "- Tanong ni tito habang pinapatahan si tita.
" M-may naapakan lang po ako na bubog but i'm fine "- My voice was hoarse, maybe because of crying.
Napa tingin ako kay Hugh na nasa harap ko na parang walang pake at bored na bored. His hands were on his pockets and his eyes were so damn cold.
" Can i go now ? "- Bored na tanong nya.
" Your brother's in that room and we don't know if he's okay or not. Have some concern "- Matigas na ani ng dad nila.
" Gosh, kamusta na kaya yung half brother ko dun sa loob ? Nag aalala ako ng sobra "- Sarcastic na sabi nya.
" There. Can i go now "- Bored na sabi nya. Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni tito at pinipilit nyang pakalmahin ang sarili nya.
" Besides, as if naman na mamamatay yun "- Dagdag nya.
Siguro kung nasa tamang kundisyon lang ako ngayon eh nasampal ko na sya dahil sa mga sinasabi nya. Akala ba nya joke lang to ? Hell no ! Buhay ni deus ang nakasalalay dito.
" Stay here anak. Your brother needs you here "- Malumanay na sabi ng mom nya at wala syang nagawa kundi ang umirap nalang sa ere.
" Fine. As if naman na may magagawa ako "- Walang ganang sagot nya.
" We're not yet through Hugh. We're going to talk "- Ma-awtoridad na sabi ni tito.
" Okay "- Parang wala lang kay Hugh ang sinabi ng dad nya at nilabas ang phone tsaka isinalpak ang headset sa tenga.
Napa hinga ng malalim si tito ang tinignan ng masama si Hugh. Hinawakan naman ni tita ang kamay nya.
Lahat kami napa lingon nang bumukas ang pinto.Agad na napa tayo si tita at lumapit sa doctor.
" How's my son doc ? "- Punung-puno ng pag aalalang tanong ni tita.
Masasabi ko talaga na mahalaga si Deus sa kanya kahit na hindi nya ito ka-dugo at kahit na hindi ito galing sa sinapupunan nya, she really loves him and treats him like his own son. And it makes her forget her real son; Hugh.
" He's fine. Good thing hindi rare ang blood type nya kaya nasalinan agad namin sya, he's still unconscious. Ililipat lang namin sya sa room nya and pwede nyo na sya bisitahin "- Naka ngiting sabi ng doctor. Para namang naka-hinga kami ng maluwag dahil sa sinabi nya.
" Excuse me "- At umalis na ang doctor.
" I'll fix the bills "- Paalam ni tito at umalis at maya-maya lang eh nakita naming nilabas si Deus. Sumunod naman kaming tatlo at ipinasok sya sa isang kwarto.
" Thank you "- Pasasalamat namin sa mga nurse na nag ayos ng room ni Deus.
Agad naman na umupo si tita sa tabi ni Deus at hinawakan ang kamay nito.
" Bibili lang po ako ng makakain "- Paalam ko nang bigla akong maka-ramdam ng gutom.
" Do you want something tita ? "- Tanong ko.
" No thank you "- Naka ngiting sagot ni tita. I was about to go out nang mag salita si tita.
" Hugh anak, paki samahan naman si Tamara "- Pakikisuyo ni tita.
Walang ganang binalik ni Hugh ang phone nya sa bulsa at naunang lumabas saakin. Sumunod naman ako.
Tahimik lang kaming nag lalakad papunta sa canteen ng hospital.
" Mahal na mahal mo si Deus no ? "- Out of the blue nyang sabi na ikina-kunot ng noo ko.
" Oo naman "- Simpleng sagot ko
" Mahal na mahal ka ba ? "- Tanong nyang nakapagpa-hinto sakin.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤