Tamara's POV
Nagising ako nang may marinig akong parang nabasag sa labas ng kwarto. Wala si Deus sa tabi ko at ang dilim-dilim. Buti nalang eh yung orasan sa kwarto nya ay glow in the dark kaya kita kong 12:43 na.
Kinapa ko ang phone ko sa side table at pina-ilaw ito pero patay na ang phone ko. Lowbat na siguro.
Dahan-dahan akong tumayo at pilit na inadjust ang mata ko sa dilim. Ewan ko pero natatakot ako. Ang lakas ng ulan sa labas at wala pang ilaw.
" Deus ? "- Tawag ko habang kinakapa ang daan ko papuntang pinto.
" Ouch "- Napa-aray ako nang mabangga ko ang kama.
Patuloy lang ako sa pag kapa nang mapadpad ako sa pader. Kinapa ko ang switch at binuksan ito pero walang ilaw.
Brown-out ?
" Deus ? "- Tawag ko ulit at maya-maya lang nakapa ko na ang door knob.
" Deus ? Nasaan ka ba ? "- Tanong ko at nag lakad.
Biglang kumidlat na naging sanhi ng pagka-gulat ko at bigla naman akong may natanaw na silhouette sa may kusina.
" Deus ? Anong ginagawa mo dyan ? "- Tanong ko at nag lakad papalapit sa kusina.
" Ano yung nabasag ? Okay ka lang ba ? "- Tanong ko habang papalapit ako sa kusina.
" Ouch "- Napa hinto ako nang may maapakan akong matulis na ewan.
Biglang kumidlat nanaman at napa angat ako ng tingin. Napa-hinto ako.
Hindi si Deus to.
Bigla akong kinabahan. Alam ko ang tindig ni Deus at masasabi kong hindi sya ang lalaking naka tayo sa kusina.
He's holding a knife.
Nag umpisang mag lakad papunta sakin ang lalaki kaya agad akong napa takbo.
Nadapa pa ako dahil hindi ko napansin na lamesa pala ang nasa likod ko. Masakit man ang tuhod at ang paa, agad akong tumayo.
Naiiyak na ako. Plus the fact na umuulan, kumikidlat at kumukulog pa.
Feeling ko mangyayari nanaman.
At this very moment kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.Papalapit na ako sa banyo nang may humila saakin papasok sa isang kwarto.
" Ssssh "- Narinig kong sabi ng humila sakin nang akmang sisigaw ako.
" De-deus ? "- Naiiyak na tanong ko.
" Deus "- Naiiyak na sabi ko nang ma-confirm kong sya ang lalaking kasama ko.
" Wag na kayo mag tago dyan "- Narinig kong sabi nung lalaki sa labas.
Napa layo kami ni Deus sa pinto nang parang sinuntok nya ito.
" Dali na, gusto ko lang naman makipag-laro eh "- Dagdag nung lalaki at napakapit ako sa damit ni Deus nang parang hinahasa nya yung kutsilyo sa may door knob.
" Deus natatakot na ko "- Umiiyak na sabi ko habang kapit na kapit sa damit nya.
" Don't be. I'm here. I'll protect you "- Bulong nya at mas nilapit pa ako sa kanya.
" Come out~ come out little fellas "- Sabi nanaman nung lalaki sa labas.
" Tara "- Sabi ni Deus at hinila ang kamay ko papunta sa may bintana.
" Fuck. Di tayo makakadaan dito "- Galit na sabi nya nang makita na ang lakas ng ulan at wala kaming madadaanan palabas.
" Deus, paano sya nakapasok dito ? "- Naiiyak na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤