7th

2.9K 127 10
                                    

Tamara's POV

Unang linggo palang ng pasukan eh stress na stress na kaming lahat. Sabado ngayon at kasalukuyan akong nag luluto ng agahan namin ni Deus. Mamaya pa kasi ako babalik sa apartment.

Makalipas lang ang ilang minuto ng pag luluto, eh kumatok na ako sa pintuan ng kwarto ni Deus.

Hindi sya sumagot kaya pumasok na ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.

Ghad, bat ang cute nya matulog ?

" Deus~ "- Malambing na bulong ko sa kanya.

" Babe~ gising ka na "- Bulong ko ulit. Natawa ako ng bahagya nang parang nairita sya at humarap sa kabila.

Lumipat ako sa kabila at lumuhod at humalumbaba habang tinititigan sya.

" Babe gising na kakain na tayo ng breakfast "- Malambing na ani ko ulit.

Medyo lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan na ang balikat nya nang bigla nya akong hilahin at yakapin. Napa sigaw naman ako sa gulat.

" Ang ingay mo "- He said in his bedroom voice.

" Nakakagulat ka naman kasi babe ! "- Asik ko at hinampas ang braso nya.

Hinigpitan lang nya ang yakap nya sakin at napa ngiti naman ako doon.

Medyo nilayo ko ang sarili ko sa kanya at tinignan sya, minulat naman nya ang kanang mata nya.

" Bumangon ka na dyan, kakain na tayo "- Natatawang ani ko.

" Mamaya na "- Sabi nya at niyakap ulit ako. Hindi na ako nag pumiglas pa at hinayaan nalang syang hakapin ako.

Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko.

" Babe, gumising ka na, nagugutom na ko "- Natatawang sabi ko. I heard him groaned.

Kumalas na sya sa yakap at umupo sa kama. Ngumiti naman ako at tumayo.

" Bilisan mo na ah. Dun lang ako sa kusina "- Naka ngiting sabi ko at lumabas na ng kwarto nya.

Ewan ko ba pero parang ang sweet ni Deus sakin ngayon.

Maya-maya lang, lumabas na sya ng kwarto at tumabi sakin. Nag umpisa na kaming kumain.

" Kelan daw babalik si Bianca sa apartment nyo ? "- Tanong nya.

Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago ko sya sinagot.

" Ang sabi nya sakin mga 5 o' clock daw "- Sagot ko.

" Wala pa kayong pagkain dun right ? I mean diba hindi ka pa nakakabili ng stock nyo ? "- Tanong ulit nya.

" Yeah wala pa "- Simpleng sagot ko.

" Sasamahan na kitang mamili "- Sabi nya at tumayo.

Nilagay na nya yung mga pinag kainan nya sa lababo at pumuntang sofa. Inubos ko na din ang pagkain na nasa plato ko at dinala ito sa lababo at hinugasan.

Sumunod naman ako sa kanya sa sala at tahimik na nanood ng tv.

" Kinakausap ka parin ba ni Hugh ? "- Pag basag nya ng katahimikan. Nilingon ko sya.

" Well, kinakausap parin "- Mahinang sagot ko.

" Pero iniiwasan ko na sya "- Dagdag ko.

" Bakit ba parang ang laki naman ng galit mo sa kanya ? Wala naman syang ginagawang masama eh "- Ani ko.

" Basta "- Simpleng sagot nya. Hindi na ako nag tanong pa kasi baka mauwe lang to sa sagutan katulad nung nakaraan.

Dead LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon