Tamara's POV
Gabing gabi na nang maihatid ako ni Hugh sa apartment. Ihininto nya ang sasakyan kaya tinanggal ko na ang seat belt ko at nginitian sya.
" Salamat ah ? Ingat ka "- Naka ngiting sabi ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan nya.
Humarap ulit ako sa kanya at kumaway. Inintay ko munang maka-alis ang sasakyan nya bago ako nag lakad papasok ng building.
Habang naglalakad ako, biglang nag vibrate ang phone ko at nakitang nag text sakin si Bianca.
From: Bianca
Sorry hindi kita kaagad nasabihan about sa parents mo. Okay ka lang ba dyan ngayon ?
Bumuntong hininga ako sa tinext ng kaibigan ko at nireplayan ito.
To: Bianca
No need to worry Biancs :) i'm fine. Nasaan ka nga pala ngayon ?
After kong itext ang kaibigan ko eh pumasok na ako sa building at sumakay ng elevator.
Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng elevator at pumikit sandali. Parang ang daming nangyare ngayong araw. Sobrang dami. Tumunog na ang elevator kaya iminulat ko na ang mata ko at lumabas na.
Pumasok na ako ng apartment at isinalampak ang sarili sa kama tsaka tinitigan ang kisame at maya-maya lang biglang tumunog ang phone ko na nasa bag kaya tumayo ako at kinuha ito.
From: Bianca
Nasa bahay ako ngayon. Babalik nalang ako bukas. Matulog ka na, alam ko namang stress na stress ka na.
Hindi ko na nireplayan si Bianca at nahiga na ulit at maya-maya lang ay dinalaw na ako ng antok.
Kinaumagahan, nagising ako sa masarap na amoy ng bacon. Yung gusto ko pang matulog pero ang bango nung bacon. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at tinignan ang orasan ko sa gilid. 9:45 na ng umaga.
Nabalik ang atensyon ko sa tunog ng pag prito kaya napa tingin ako sa pinto ko. Ang aga naman bumalik ni Bianca ? Well baka miss na miss na agad ako.
Nahinto ako sa pag mumuni-muni nang bumukas ang pinto ko and i swear, bigla akong nagising.
" Gising ka na pala "- Naka ngiting sabi ni Deus at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko habang may dala-dalang tray ng pagkain.
" OMG !!!!! "- Natatarantang sigaw ko at nag talukbong ng kumot. Shemay naman oo ! Nakakahiya !
Sumilip ako ng bahagya nang marinig ang mahinang pag tawa ni Deus. Ibinaba nya muna yung tray sa may gilid tsaka sya lumapit sakin.
" Bumangon ka na dyan Tammy "- Sabi nya at dahan-dahan akong umupo sa kama pero naka talukbong parin sakin yung kumot. Tanging mukha ko lang ang kita.
I heard Deus chuckled again at kinuha na ang tray na nasa gilid tsaka ito inilagay sa harap ko. Dahil gutom na ako, wala na akong nagawa kundi simulang kainin ang nasa tray.
" Thank you sa pag luto ng breakfast ko babe ! "- Naka ngiting pasasalamat ko. Nginitian naman nya ako pabalik.
" Bilisan mo na dyan. Aalis pa tayo "- Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
" Aalis ? Saan tayo pupunta ? "- Nagtatakang tanong ko tsaka kumain.
Napa-iling nalang si Deus bago ako sagutin.
" May usapan tayo remember ? Pupunta tayong mall ngayon "- Napa hinto ako sa ginagawa ko at napa face palm nang maalala ko ang usapan namin kahapon.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤