2nd

3.7K 154 25
                                    

Tamara's POV

2 days ko ng di nakikita at nakakausap si Deus and i miss him so much ! I tried to text him pero hindi naman nya ako nirereplayan. 

Tumayo na ako sa pagkakahiga at naligo. Pupuntahan ko nalang sya sa condo nya.

Nang makapag bihis at makapag ayos na ako, lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ko.

Habang nasa byahe ako, tinawagan ko sya. Nag riring lang hindi nya sinasagot. Napa buntong hininga nalang ako at inend call. Mamaya magalit pa sya sakin kasi kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya.

Ayaw panaman nun ng makulit. Pero sorry sya ako ang girlfriend nya kaya kukulitin ko sya !

Dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng snacks naming dalawa at ng nabayaran ko na, agad din akong umalis.

Agad kong pinarada ang sasakyan ko at pumasok ng building. Sumakay ako ng elevator at maya-maya lang nasa tapat na ako ng unit nya. Kahit naman may susi ako eh kumatok at nag doorbell ako. Naka ilang katok na ako pero hindi parin nya ako pinag bubuksan kaya nilabas ko na ang susi ko. Akmang gagamitin ko na ng bumukas ang pinto.

" Hi babe ! Kanina pa ko kumakatok bat ngayon mo lang binuksan ? "- Naka ngusong tanong ko sa kanya at pumasok na sa loob.

" May dala pala akong snacks ! "- Masiglang sabi ko at pinakita sa kanya ang dala kong supot.

" Bakit ka ba nandito ? "- Tanong nya at kinuha yung isa Pick A at pumunta sa sala.

" Wala namiss lang kita "- Kibit balikat na tanong ko at tumabi sa kanya. 

Kaya pala antagal akong pinag buksan. Nanonood ng Avengers.

Inalok nya ako ng Pick A kaya share naming kinain at tahimik na nanood.

" Babe, kelan tayo mag-eenroll ? "- Tanong ko sa kanya habang nanonood kami.

" Shh wag ka maingay "- Kunot noong sabi nya kaya bahagya naman akong natawa.

" Sabi ko nga eh "-Mahinang sabi ko at nanood nalang.

Tapos na ang palabas at ubos na din ang Pick A namin kaya tumayo sya at dinala yung supot ng pagkain na binili ko.

Kinuha nya yung malaking cheese ring at binuksan.

" So, kelan tayo mag-eenroll ? "- Tanong ko habang kumakain.

" Bukas nalang siguro "- Simpleng sagot nya.

" Okay ! Sasabihan ko nalang sila Bianca at Bridger "- Naka ngiting sabi ko at kinuha ang cellphone para itext yung dalawa. Napa hinto ako nang maalala na hindi nya ako nireplayan sa mga text ko.

" Babe ilang beses kitang tinext ! Bat di ka nag rereply ? Alam mo bang sobrang nag aalala ako sayo ? "- Naka ngusong sabi ko. Nilingon nya ako.

" Tinatamad akong mag text "- Simpleng sagot nya.

" Eh bakit yung mga tawag ko ayaw mong sagutin ? "- Tanong ko ulit.

" Wala tinatamad lang ako "- Simpleng sagot nya.

" Babe naman, hindi nakakapagod ang pag swipe sa phone at hawakan ito ng ilang minuto "- Mahinang sabi ko at tinext na yung dalawa na mag eenroll kami bukas.

" Hindi ka pa ba uuwe ? "- Bored na tanong ni Deus.

Napa angat ako ng tingin. Imbes na kay Deus ako tumingin, napako ang tingin ko sa tv nang superman vs batman ang palabas

Dead LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon