Tamara's POV
Hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Para bang na-estatwa ako.
Akala ko masakit na yung nakikita ko. Pero wala palang mas sasakit sa sinabi ni Hugh
" I told you Deus. Makukuha mo ulit si Talia kapag nagawa mo na yung inuutos ko sayo "- Naka ngising sabi ni Hugh.
" Ang saktan si Tamara "- Dagdag nya atsaka sya tumingin sa dereksyon ko.
Nang tignan ako ni Hugh ay kasabay din ng pag tingin sakin nina Deus at Talia.
Halata ang gulat sa mga mata ni Deus nang makita nya ako.
" Nagustuhan mo ba ang surprise ko Tamara ? "- Malokong tanong ni Hugh.
" Hugh. A-anong ginagawa ni Tamara dito ? "- Tanong ni Deus habang nasakin parin ang tingin.
Yun tingin nyang hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung nasasaktan ba sya, guilty o naaawa sakin.
" Ah yun "- Biglang snap ni Hugh tsaka sya lumapit sakin at inakbayan ako.
" Can you please tell him bakit ka andito Tamtam ? "- Tanong nya.
Hindi ko mahanap ang boses ko. Hindi nag fufunction ng maayos ang utak ko.
" Okay ako nalang mag-eexplain "- Sabi ni Hugh nang ilang minuto na akong walang sinasabi.
" Actually i send her some roses, candy lollipops and some sweet stuffs. Tapos pinalabas kong sayo galing tapos pinapunta ko sya dito "- Naka ngiting pagkukwento ni Hugh.
" I even bought her that dress "- Dagdag nya at tinuro ang suot kong damit.
" You should thank me Deus. Tinulungan kitang makuha ulit ang pinaka mamahal mong Talia "- Naka ngiting ani nya.
Nag lakad lakad saglit si Hugh sa paligid. Hindi mag sink in sakin yung nangyayare. Tears keep on falling from my eyes.
" Ah "- Bigla ulit nag snap si Hugh na para bang may naalala.
" I know you're wondering Tamara "- Sabi ni Hugh at lumapit sakin. Unti-unti kong inilipat ang tingin ko kay Hugh at tinignan sya sa mata.
" Well as you can see. Yung mga ginawa sayo ni Deus these past few months ay pagpapanggap lang "- Panimula nya at inilagay sa bulsa ang mga kamay.
" I told him to hurt you in exchange of Talia. Ang sabi ko naman kasi sayo lumayo ka na kaagad kay Deus para hindi ka masaktan eh "- Iiling-iling na sabi nya.
" Medyo tanga ka rin pala ano ? Sinasabihan ka na ni Deus na layuan ako pero you insisted to be my friend. Sinabi ko na sayo na sasaktan ka ni Deus but you refused to listen. Now look how broken you are "- Naka ngising ani nya.
Unti-unti ng na sink in sakin ang lahat.
Kaya pala all of a sudden ay naging sweet sakin si Deus ay dahil sa inutos ni Hugh.
Kaya pala sinabi sakin ni Hugh na sasaktan ako ni Deus.
Kaya pala galit na galit si Deus nang malaman nyang kaibigan ko si Hugh.
Everything was a lie. A big fucking lie.
Tinignan ko si Deus. Base on his look, he's sorry. Sorry ? Sorry his ass. Ano pang magagawa ng sorry nya ngayong wasak na wasak na ako ?
Tinignan ko si Hugh na ngayon ay naka-ngisi. I gave him a chance kasi akala ko nakita ko yung totoong sya. Pero nagkamali ako.
Galit ako. Galit na galit at nasasaktan din ako. Sobrang nasasaktan.
Para bang kusang gumalaw ang kamay ko at dumapo ito sa pisngi ni Hugh.
" You bastard "- Madiin na sabi ko.
" HOW DARE YOU PLAY WITH MY FEELINGS !? "- Galit na sigaw ko.
" ANO BANG GINAWA KO SAYO PARA GAWIN SAKIN TO !? "- Dagdag ko at sinuntok ang dibdib nya.
" TINURING KITANG KAIBIGAN HUGH ! PERO PUTANGINA MO BAT MO NAGAWA SAKIN TO !? "- Asik ko at sinampal ulit sya.
Hinawakan nya ang kamay ko para pigilan ang pag suntok ko sa dibdib nya. Napa hawak sya sa pisngi nya kung saan dalawang beses ko sya sinampal at dinampi ang daliri sa gilid ng labi. Siguro sa sobrang lakas o dahil sa singsing ko kaya dumudugo ito. Napa ngisi sya nang makita ang dugo tsaka ako tinignan.
" Why you ask Tamtam ? Where's the fun kung walang masasaktan ? "- Naka ngising sagot nya.
So ano ? Laruan ang feelings ko ? Entertainment na pala ngayon ang masaktan. Hindi naman ako na-inform dun !
" Besides. I badly want to see my half brother broken "- Dagdag nya at tinignan si Deus.
" Nag-enjoy ka ba Deus ? "- Mapait na tanong ko tsaka tinignan si Talia.
" Welcome back bitch. Siguro nag-enjoy ka rin na makita kung gaano ako nasasaktan ngayon. Alam kong matagal na matagal mo ng gusto makita to "- Mataray na sabi ko kay Talia at gali na pinahid ang luha sa pisngi ko.
Tinignan ko si Hugh and gave him a final slap he fuckin deserves at umalis sa lugar na yun.
Tulo parin ng tulo ang mga luha sa mata ko hanggang sa maka-sakay ako ng elevator.
Bumukas ang elevator sa iilang floor, nang makita ako ng mga sasakay sana ay hindi na sila sumakay, kaya hanggang maka-rating sa lobby ay ako lang ang laman ng elevator.
Agad akong lumabas ng building at hinanap ang sasakyan ko. Agad akong sumakay dito at pinaharurot ito paalis ng lugar na yun.
I stepped on the gas. As in tinodo ko. Wala na akong pake kung over speeding na ako. Sobrang bilis ng takbo ng sasakyan ko at mabuti nalang ay walang masyadong sasakyan.
Humahagul-gol kong mas inapakan ang gas at sumigaw.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
I hate them all. Especially Hugh for this fucking shit.
I treated him as my friend ! Kasi sya yung nandyan nung mga panahon na kailangan ko ng karamay. I gave him a chance to prove himself na hindi totoo yung mga sinasabi sakin ni Deus about him. Siguro hindi lang sya model. Dapat nag artista nalang sya. Ang galing nya umarte ! Natural na natural ! Napaniwala nya ako. Sobrang napaniwala.
Isa pa itong si Deus. Ganun ba nya kamahal si Talia para pumayag sa utos ni Hugh ? Kung sabagay. Ako nga pala ang tanga na pumilit sa relasyon namin. Pinilit ko yung sarili ko sa kanya kahit na alam kong si Talia parin ang mahal nya. Sana kahit concern manlang. Sana inisip naman nya na masasaktan nya ako. Hindi ba talaga nya nakikita yung halaga ko ? Ako yung nandyan para sa kanya nung mga panahon na wala si Talia. Ako yung nandyan nung mga panahong sirang-sira sya. Tiniis ko lahat. Kasi mahal ko sya. Tapos sya ? Ang dali dali lang para sa kanya na pumayag na saktan ako. Ni hindi manlang nya naisip na i was once his bestfriend. Kahit yung concern at love bilang bestfriend manlang. Ano nganamang magagawa ko. Si Talia ang mahal nya. Bestfriend lang ako. Rebound lang.
Syempre hindi ko makakalimutan si Talia the great bitch. Noong mga panahong nasa Pinas pa sya at sila pa ni Deus sobrang laki na ng galit nya sakin. Inaamin ko naman na gusto ko na noon si Deus pero alam ko kung ano ang papel ko sa buhay nya. Alam ko ang boundary ko. And i never crossed the line. Pero si gaga, threatened na threatened sakin. Hindi naman ako yung tipo ng taong lalandiin ang isang lalaking taken na. Syempre may respeto ako sa relasyon nilang dalawa. Kasi sya yung mahal at kaibigan lang ako. Sigurado akong tuwang tuwa yung bruhang yun ngayon. Well, she can now go to hell. She and Hugh.
Nahinto ako sa pag-iisip ko nang makitang sira ang kabilang linya ng daan, which is sa side ko at may sasakyang paparating. Hindi ako pwedeng mag overtake dahil mababangga ko yung sasakyan at may possibility na mamatay kami dahil nasa may bundok kami at bangin ang nasa kabilang side. Sobrang bilis ng pangyayare. Hindi ko na nagawang mag preno kaya iniliko ko ang manibela at doon ako bumangga sa isang malaking puno sa gilid and everything turned black.
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤