Deus' POV
Agad akong lumapit kay Tamara nang bumagsak sya sa sahig.
" Tammy ! "- Tawag ko sa kanya habang bahagyang tinatapik ang pisngi nya.
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa nang makita ang pawis sa noo nya. Sobrang namumutla sya.
Agad ko syang binuhat at kasabay ng pag tayo ko ay syang pag bukas ng pintuan.
" Tammy ! "- She shrieked at lumapit saakin.
" What happened to her !? "- Nag aalalang tanong nya at iginilid ang mga buhok na nasa mukha nya.
" Sumakit yung ulo nya tapos nag pass-out sya "- Sagot ko sa kanya.
" Dalhin natin sya sa hospital "- Sabi nya at agad na lumapit sa bag ni Tamara at lumabas. Sumunod naman ako sa kanya.
Dali-dali kaming pumunta sa parking lot at huminto sya sa harap ng isang itim na sasakyan. Agad nyang binuksan ang back seat. Agad ko namang inihiga doon si Tamara.
" I'll drive "- Sabi nya nang akmang kukuhain ko na sa kanya ang susi ng sasakyan nya.
Tumango naman ako at umikot sa kabila at ganun din sya.
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo na Tamara at ipinatong ito sa lap ko. Agad naman na pinaandar nung babae ang sasakyan nya.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong titigan si Tamara.
Hinawi ko ang iilang buhok na naka harang sa mukha nya.
Her blonde hair suits her well.
It's been 2 years pero wala paring nag babago sa itsura nya.
Pero bakit ibang-iba na sya ?
" We're here "- Agad naman akong napa tingin sa harap at luminga-linga.
Lumabas na yung babae kaya lumabas na din ako at dahan-dahan syang binuhat.
" What happened ? "- Tanong ng isang doktora nang makita kami.
" Biglang sumakit ang ulo nya at nag pass out sya "- Sagot ko naman at inihiga sya sa isang hospital bed.
Wala naman akong narinig na sagot ng doctor kundi ang pag tango lang nya at kasabay nun ay ang pag guide samin ng isang nurse sa waiting area sa labas ng ER.
Napa upo yung babae at sumandal.
" Kaano-ano ka ni Tamara ? "- Tanong ko sa kanya. Napa mulat naman sya at tinignan ako.
" Kaibigan nya ako "- Sagot naman nya sakin.
Napa kunot ang noo ko. Kaibigan ? Bakit hindi ko sya kilala ?
" Paano kayo nagkakilala ni Tamara ? Sino ka ? "- Sunud-sunod na tanong ko ulit sa kanya.
" I'm Jennica. Nagkakilala kami ni Tamara kasi ako ang nag dala sa kanya sa hospital nung naaksidente sya "- Sagot naman nya.
Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso nya.
" Naaksidente ? "- Tanong ko sa kanya.
Tumango yung Jennica at tinanggal ang kamay kong naka hawak sa braso nya.
" Keep your hands off will you ? "- Mataray na sabi nya at umupo.
" Hindi ko na matandaan kung kelan yung exact date pero dalawang taon na nung nangyare yung aksidente "- Panimula nya.
Flashback
BINABASA MO ANG
Dead Leaves
Fanfiction" Pinipilit kong lumaban pero yung taong pinaglalaban ko, iniintay nalang yung pag suko ko "- Tamara Mendoza 【Lost #1】 cover by: eulu-xuria ❤