Chapter 1
"KRING! KRING! KRING!" Isang napaka-lakas na tunog ng aking alarm clock ang gumising sa natutulog kung utak. Ang mga mata ko ay naka-pikit parin habang dinampi ko ang aking kamay sa buton ng aking orasan para ito'y huminto.
Nag-pasya akong bumangon ngunit nahihirapan pa rin akong imulat ang aking mga mata, "Antok pa ako!" ako'y napahikab ng pagkalaki-laki habang inuunat ko ang aking mga braso at katawan.
"Whew!" Napabuga ako nang hangin at iminulat ko ang aking mga mata. Sumikat na ang araw, at ang liwanag nito ay bumabalot sa buong silid. Napasagi ang aking mga mata sa orasan at ala-sais na ng umaga. Nagpasya na akong tumayo para ligpitin ang aking higaan.
Pagkatapos noon ay nagpasya na akong pumasok sa loob ng aking banyo para maligo. Hinubad ko ang aking saplot at binuksan ang shower, "Ah! Ang lamig!" ako'y napaiktad ng bahagya nang maramdaman ko ang lamig ng tubig.
Ginamit ko ang heater para hindi ko maramdaman ang lamig, tag-ulan na nga dito sa Pilipinas at ang tag-init ay lumipas na. Habang ako ay naliligo, bigla akong napahinto nang maalala ko bigla ang sinabi sa akin ng aking ama.
"Bukas ay umpisa na nang iyong hay skul, papasok ka sa Suzuran High School of Manila." Sabi ng aking ama habang siya ay umiinom ng kanyang paboritong wine.
"Huh?" Ako ay nagulat sapagkat ang Suzuran ay isang eskwelahan para sa mga lalaki lamang. "Pero papa, di ba't puro lalaki lang ang nag-aaral doon?"
"Ngayong taon, binuksan na nila ang paaralan na iyon para sa mga babae," iyon ang kanyang sagot at siya'y ngumiti nang bahagya. "Alam kong natatakot ka dahil lumaki ka na ang mga kasama mo sa pag-aaral ay mga babae. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak, kaylangan mo maging matapang at marunong makisalamuha sa mga masasamang tao."
Mas lalo ako kinabahan pagkatapos ko marinig iyon, tila ang aking puso ay tumitibok na kasing bilis ng kidlat. Ngunit hindi ko pa rin ito maintindihan, nagsanay ako sa iba't ibang sports at martial arts simula noong aking pagkabata, alam ko sa aking sarili na malakas ako at matapang bagkus may nararamdaman pa rin akong takot at kaba.
Pagkatapos ng isang oras, bumaba na ako mula sa aking kwarto at naglakad ako papunta nang hapag kainan. Walang duda na ang aking ama ay nakaupo na sa kanyang trono at naghihintay sa akin.
"Umupo ka na dito kung ayaw mo mahuli sa unang araw ng iyong klase." Sabi niya habang nagbabasa siya ng dyaryo.
Umupo ako sa kanan niya, "Good morning papa." Binati ko siya nang malumanay at kumuha ng tinapay, hotdog, bacon, at butter.
"Pagdating mo doon, may sasalubong sayo na lalaki, siya si Ken ang alumni teacher ng eskwelahan." Sabi niya at humigop siya sa kanyang kape.
"Hindi mo ako ihahatid papa?" Tanong ko agad sa kanya.
"Hindi, mayroon akong business meeting sa Japan ngayon. Babalik ako sa susunod na buwan pagkatapos ng project." Sagot niya, at tiniklop na niya ang kanyang dyaryo. "Wag kang kabahan iha, alam ko kaya mo magtapos sa eskwelahan kung saan ako nagtapos."
Tumango ako at pinilit kong ngumiti, "Opo, papa."
Tumayo siya at isinuot ang kanyang coat, lumapit siya sa aking pwesto at pinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko. "I-apply mo lahat ng iyong natutunan simula pagkabata, umaasa ako na makakagawa ka nang sarili mong legendarya sa eskwelahan na iyon." Dahan dahan niyang dinampi ang kanyang labi sa ulo ko, "Mag-ingat ka palagi, anak."
Ngumiti ako kapalit ng pangamba ko sa eskwelahan na iyon. Nagsimula siyang maglakad papalayo sa hapag kainan habang pinapanuod ko siyang umalis. Tumungo ako at tila nawalan na ako nang gana kumain. Nagpasya akong tumayo ngunit bigla ko napansin ang orange juice sa lamesa. Bigla akong napangiti sapagkat hindi nakalimutan ng aking ama ang paborito kong orange juice gawa mula sa tunay na katas na prutas. Dali dali ko itong kinuha at ininom.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...