Chapter 3
Natapos na ang aking buong araw sa Suzuran, naglalakad na ako papunta sa estasyon ng tren habang nakikinig ng paborito kong Purpose Album ni Justin Bieber. Habang ako ay paakyat sa estasyon bigla nalang may humablot ng aking ear pods.
"Sabay tayo umuwi!" Sabi ni V habang naka-ngiti.
Kumulo agad ang dugo ko pagkakita ko pa lang sa kanya, "Sino may sabi sayo na gusto kong sumabay sayo pag-uwi?!" Naiinis ako habang sinabi ko sa kanya iyon.
"Delikado sumakay sa tren ng mag-isa." Sagot ni V.
"Kaya ko ang sarili ko, saka pwede ba, tigil-tigilan mo ako sa pagpapa-cute mong yan, hindi na-epek eh!" Sabi ko.
Ngumiti siya at ako ay napatigil ulit, "Ano bang problema kong magpa-cute ako sayo? Cute naman ako di ba?" At nilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha habang ako ay napausod ng konti sa aking likuran. "Wag' ka na kasing pakipot, kanina nga kung sino-sino ang mga nabunggo sa'yo, eh kasi naman tingnan mo yang itsura mo.." at bigla siya tumingin mula ulo hanggang paa, "Mukha kang hindi talaga nasakay ng tren."
"Hindi naman talaga ako nasakay ng tren, lalo na kapag public train!" Sagot ko at ako ay naglakad papunta sa waiting area.
Tumakbo siya papunta sa akin at tumabi sa akin na halos wala nang pagitan, "Sabay na tayo, wag' ka nang umangal pa!"
Tumingin ako sa kanya at tinabig ko ang kanyang braso, "Wag' ka ngang dumikit sa akin, ang banas banas na nga sa pakiramdam sobra ka pa makadikit."
"Pinoprotektahan lang kita, maraming mga loko dito!" Sagot ni V habang natingin sa paligid.
"Kagaya mo?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha ang aking phone sa aking bulsa.
6:15pm na, bakit kasi sa ganitong oras sobrang daming tao dito sa estasyon ng tren. Nag-text na sa akin ang mga kaibigan ko na mga nag-enroll sa La Salle, hindi ko masabi sa kanila na sa Suzuran ako napasok, siguro wag' ko nalang kaya sila replayan. Ugh, nakakainis ang banas! Nang ilalagay ko na ang aking phone sa aking bulsa bigla nalang may humablot sa aking kamay at ito ay nakuha.
"AHH!" Nagulat ako at bigla tumakbo palayo ang isnatcher na kumuha nang phone ko.
"Gago yon' ah!" Sigaw ni V at bigla nalang siyang tumakbo at hinabol yung isnatcher.
Nagkagulo ang mga tao sa waiting area nang estasyon habang ako ay nakatayo lamang at pinapanuod habulin ni V ang isnatcher. Bigla naman dumating ang tren at ito ay nagpapapasok na ng pasahero, naglakad ako papasok ng tren at mga ilang minuto ay umandar na ito.
-
"Hoy! Tarantado ka!" Sigaw ni V at dinambahan niya ang isnatcher.
"Suko na ako!" Sagot ni isnatcher at ibinigay ang phone kay V.
Tumayo si V at itinayo niya ang lalaki higit-higit ang kwelyo nang kanyang gamit.
"Tarantado kang gago ka, magdusa sa presinto!" Sabi ni V.
"Wag po, utang na loob, wag nyo po ako isuplong sa pulis." Nagmamakaawang sagot ng lalaki.
"At bakit ko naman yon' gagawin ha? Cellphone to nang girlfriend ko, hindi ko mapapatawad ang ginawa mo!" Sabi ni V.
"Inutusan lang po ako nang kanyang ama para gawin iyon," sagot niya habang nagmamakaawa kay V. "Pakiusap po, wag nyo po ako isuplong."
"Ano? Inutusan ka nang tatay niya? Bakit naman niya yung gagawin sa sarili niyang anak?" Tanong ni V.
"Parte daw po yon' ng kanyang pagsasanay niya, pero maniwala po kayo hindi ko po talaga intensyon yon' sa kanya." Sagot niya.
Binitawan niya ang lalaki at tinulak ito sa pader, "Papalampasin kita ngayon, sa susunod na ulitin mo pa to makakatikim ka pa sa akin ng dalawang umuusok na black eyes."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...