Magsisimula na ang pinal na laban, ang makakaharap namin ay ang green team. Base sa napanuod ko na laro nila, dinadaan nila sa laki nang katawan ang mga kalaban nila. Sigurado ako bubungguin din nila habang hawak ko ang bola.
"Nasaan si Irene?" Tanong ni V.
"Magsisimula na ang laban nila, mukhang delikado si Irene. Dadaanin sya sa pwersa ni Gaki." Sagot ni Jin.
Tumingin si V kay Irene at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang legs ni Irene, "Wow, ang puti ng legs nya!"
"Kapag ginawa niya yon' maaring masaktan si Irene. Ipatigil na kaya natin ang laban?" Tanong ni Jimin.
"Sa tingin mo ba papayag si Irene na itigil ang laban?" Tanong ni Jin habang naka-ngiti.
"Hoy Gaki! Subukan mo lang danggiin ang girlfriend ko, makakatikim ka sa'kin ng bugbog!" Sigaw ni V at lahat ay napalingon sa kanya.
"Ehh? Anong ginagawa nila sa klase natin?" Tanong ko.
"Mukhang nag-aalala sayo si V," sagot ni JK at ngumiti siya. "Wag' kang mag-alala hindi ko hahayaan na masaktan ka niya."
Pumito na ang referee at magto-toss ball na. Nakuha ni Luis ang bola at si Gaki ang naka-bantay sa akin. Sa sobrang laki niya hindi ako makalusot sa kanya, lagi nakaharang ang buong braso at kamay niya sa akin.
"AGHH! Yung first year na yon' humanda siya sa akin, penepersonal niya si Irene." Sabi ni V na naiinis.
Nang ako ay umikot at nakalusot sa kanya, ipinasa sa akin ni Luis agad ang bola at pumuwesto sa three point shot. Alam ko na susundan ako ni Gaki mula sa likod ko kaya nang akmang ititira ko na ang bola, umikot pa ulit ako tsaka tumalon para itira ang bola.
Pumasok ang bola at lahat sila ay nag-hiyawan. Tumingin ako kay Gaki at siya ay naka-ngiti. "Magaling ka, sa susunod hindi ka na makakatira."
Nagpataloy ang laro at naging dalawa na ang nagbabantay sa akin. Parehas nila akong ginigitgit at tila ayaw na nila ako pakilusin pa. Tumakbo ako papalayo at naagaw nila ang bola, tumakbo ako pabalik kay Gaki dahil nasa kanya na ang bola. Sinusubukan ko na maagaw ko ang bola sa kanya pero ginigitgit ako nang kanyang likuran. Sa pag-ikot niya, kinabig niya ako at ako ay nawalan ng balanse at tuluyan akong tumumba sa sahig.
Nagmadaling tumakbo si V papunta sa court. "Hoy V! Anong ginagawa mo!" Sigaw ni Jimin.
Nang ako ay patayo na, may naramdaman akong umalalay sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko si V.
"Okay ka lang?" Tanong niya at mukha siyang nag-aalala.
"Oo," at ako ay tumayo. Pumito ang referee at tumawag siya nang foul sa akin.
"Ano!!!!" Sigaw ni V, "Siya pa ang foul? Hindi mo ba nakita ang ginawa niya kay Irene?"
"Teka, bakit may senior dito? Game nila ito, kapag hindi ka umalis tatawag ako nang disqualification sa team nila." Sagot ng referee.
Lumapit si JK at hinawakan ang balikat ni V, "Kaya ni Irene ang game na to, wag' ka masyadong mag-alala."
"Bumalik ka na sa bench, game namin to' huwag ka nalang muna makialam." Sagot ko at nakita ko na nag-iba ang itsura niya.
Tumungo siya at nagsimula maglakad palayo sa court. Tumingin ako sa score board at meron na lamang kaming limang minuto para tapusin ang laro na ito. Ang iskor ay 17-14 at sila ang lamang, kaylangan ko mas maging agresibo ngayong hindi ako magpapatalo sa bakulaw na iyon. Nagsimula na ulit ang laro at dalawa ulit ang nagbabantay sa akin.
"Hindi ka ganon' kagaling sa inaakala mo." Sabi ni Gaki.
Umikot ang mata ko sa kanya, "Wag' kang magsalita nang tapos." Gumalaw na ako at umikot sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...