Makalipas ang dalawang taon ay marami nang nangayaring pagbabago sa akin. Sumailalim ako sa higit na isang taon na pangangalaga nang doktor. Hindi ko na naibalik lahat ng alaala ko ngunit sa tulong ng mga espesyalista ay naging stable na rin ang aking memorya.
Nag home-study ako sa Amerika at nag take nang exam para makakuha nang credentials na katunayang qualified ako na mag kolehiyo.
Araw-araw akong napunta sa isang psychiatrist para masuri ang nawalang memorya sa aking utak. Minsan pinapatulog niya lang ako at bigla ako mananaginip ng mga bagay na sa tingin ko ay nangyari talaga sa akin.
Minsan na rin akong dinalaw ng mga kaibigan ko dito sa Amerika at nagkasama-sama kaming lahat. Ang ibang alaala na nawala sa akin ay kanilang pinunan.
May isang pangyayari na patuloy na bumabalik sa aking panaginip ngunit kapag ako'y nagising sa bangungot na iyon ay hindi ko na maalala pa ito. Naipasuri ko na ito sa doktor ko at tanging sagot niya lamang ay isa 'tong bangungot na kailangan kong kalimutan.
Ang panaginip kong iyon ay may tinatawag ako na pangalan ng lalaki.
"V.. " sambit ko hanggang sa pumikit na ang aking mga mata.
"Irene? Irene!!" Sigaw nito at inihiga nito ang katawan ko sa sahig.
"Tatawag ako ng ambulansya!" Sabi ni Jimin at nagmadali itong tumawag gamit ang cellphone nito.
Hindi ito nagigising at hindi na rin ito nahinga. Nagulantang silang lahat at nagsimula si Jin na magsagawa ng CPR kay Irene ngunit wala pa rin itong reponse.
"Irene!" Sigaw ni Jk.
Umiiyak na si V habang hinahawakan nito ang mukha ni Irene, "Irene please, wag.."
Nanlaki ang mga mata ni Jin ng wala na siyang maramdaman at marinig na tibok ng puso mula sa pulso ni Irene. Natulala ito at napabitawan ang kamay ni Irene. Lahat sila ay nagulat at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanilang mga mata.
"Jin, hindi, Irene..." Sigaw ni V at kinuha niya ang katawan ni Irene. Tiningnan niya ang pulso nito at natataranta na ito dahil hindi niya ito maramdaman. "Irene, gumising ka!"
Niyakap niya ito nang mahigpit sa loob ng kanyang mga braso at humagulgol sa iyak. Lahat sila ay naiyak at gulat na gulat sa pangyayari.
"Patay na ako!" Sigaw ko sa aking isipan.
"Irene! Irene!" Sigaw ni Jk habang ginigising si Irene. "Gumising ka Irene!"
Nang ako ay magising ay sumambulat agad sa akin ang mukha ni Jk na nanlalaki ang mata.
Pinagpapawisan ako at hindi ko na namalayang naiyak na pala ako. Natatakot ako sa bangungot na 'yon.
"JK.." nauutal na sambi ko.
"Same dream?" Tanong niya at agad akong yumakap sa kanya. Hinaplos-haplos niya ang aking buhok habang yakap niya ako. "It's okay, I'm here.."
"Hindi ko na ulit maalala ang bangungot na 'yon, pero nakakaramdam ako nang takot.. Bakit ganito?" Nagsimula akong humagulgol sa iyak.
"Wait," bumitaw ng yakap si Jk at agad niya kinuha ang gamot ko sa drawer. Ibinigay niya sa akin ito kasabay ng isang baso ng tubig. "Inumin mo na ito.."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...