Gabi bago ang unang date namin ni V ay kausap ko ang aking mga kaibigan sa conference call. Pinipilit nila akong sumama sa kanila para mag-malling.
"Pasensya na talaga, hindi ako makaka-punta bukas." Sabi ko habang nag-hahanap ng damit na maisusuot ko para bukas.
"Bakit naman? Impossible naman may projects ka kaagad sa unang linggo nang pasukan, sa amin nga hindi pa nagkaklase yung mga teachers," sabi ni Wendy.
"Tama, tsaka alam namin na wala ang papa mo ngayon dito sa pinas, so it means that you are totally free!" Sabi naman ni Yeri.
"Hay nako, may kutob ako dyan kay Irene, sigurado ako makikipag-date yan sa boyfriend niya." Sabi ni Joy.
Napatigil ako sa paghahanap ng damit, "Oy hindi ah! May gagawin lang talaga ako bukas."
"Hay nako, minsan na nga lang ulit tayo magka-kasama eh!" Sagot ni Yeri.
"Teka nga pala, nasaan si Gigi? Parang hindi ko yata siya naririnig dito?" Tanong ko.
"Wala siya, hindi niya sinasagot ang cellphone niya, siguro ka-date nanaman niya yung na-meet niya nung isang araw." Sagot ni Wendy.
"Huh? So ibig sabihin nakikipag-date siya doon?" Tanong ko.
"Siguro," sagot ni Wendy at tumawa, "Kilala naman natin si Gigi, basta tayp niya yung lalaki binigyan niya nang atensyon agad."
"Nakilala mo na ba yung lalaki?" Tanong ni Joy.
"Oo, na-meet namin siya sa Trinoma noong isang araw, gwapo siya at kulay orange ang kanyang buhok." Sagot ni Wendy.
"Ehh?" Naalala ko bigla si Jimin, di kaya ang nakilala nila ay si Jimin nang Bangtan? "Teka, ano naman naman pangalan nung lalaki?"
"Ahh.. Hindi ko maalala eh, kasi busy ako sa pag-pili nang libro sa bookstore non'," sagot ni Wendy.
Natapos ang usapan namin sa telepono mga bandang alas-dyes ng gabi. Hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa lalaki na kinakatagpo ni Gigi na may kulay orange na buhok. May pakiramdam ako na si Jimin ang tinutukoy ni Wendy base sa kwento niya.
Maswerte siya kung ganon' dahil si Jimin na yata ang perpektong lalaki para maging isang kasintahan. Ang lambing ng ng boses siya at napaka-bango pa, humahalimuyak ito sa tuwing nakaka-tabi ko siya. Possible na ma magka-gusto si Gigi sa kanya dahil halos parehas lang naman kami nang mga tipo sa lalaki.
Bumagsak ako sa aking kama habang yakap-yakap ko ang mga damit na pinag-pipilian ko para date namin bukas ni V. Kahit na sinabi na niya sa akin na wag' na ako mag-abala sa aking susuotin ay labis pa rin akong nag-aalala. Ano kaya ang susuotin niya bukas? Kailangan ko malaman iyon para naman maibagay ko ang aking damit sa kanya.
Kinuha ko ang aking cellphone at nag-simula mag-type nang text, "Ano ang susuotin mo bukas? Tsaka saan tayo pupunta?"AGH! Hindi! Kapag tinext ko siya iisipin niya na excited ako sa date namin bukas, o di kaya maabala ko siya sa kanyang trabaho.
Itinapon ko ang aking cellphone at humiga ulit sa aking kama. Nakatingin lang ako sa kisame at iniisip lahat ng bagay na possibleng mangyari bukas.
-
Tumatakbo ako papunta nang estasyon ng tren, nahuli ako nang gising dahil madaling araw na ako naka-tulog sa kakaisip ng susuotin. Naka-suot ako nang pantalon at sweat shirt, nakasuot rin ako nang saklob para sa mga possibleng may makakita sa akin na kaibigan ko. Hinihingal na ako paakyat ng tren, tumigil ako at tumingin sa aking relo, pasado alas dyes na ang usapan ay 9:30 ng umaga. Nakarating ako sa estasyon na naka-yuko at nalaglag ang aking bag sa sahig, hindi ko ito pinansin at ako'y hingal aso sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...