Makalipas ang halos isang oras na pagsakay sa bangka ay nakarating na rin kami sa Anawagin Island. Mayroon din ibang turista sa island na ito, may mga pinoy rin na kagaya namin pero mas marami akong nakikitang mga foreigner kagaya nang mga kano. Ang buhangin ay napaka-pinong puti at nakapa-ganda sa ng buong paligid; kulay asul ang tubig ng dagat at sobrang linaw nito; nakakaramdam ako nang sariwang hangin na kaytagal ko nang hindi naamoy.
"Great choice bro!" Sabi ni Bacon sabay tapik sa balikat ni Jimin.
"Ano masasabi nyo guys?" Tanong ni Jimin sa lahat.
Wala kaming bukang-bibig kundi ang mga salitang napaka-ganda at napaka-presko tumingin sa lahat ng tanawin.
"Good afternoon everyone, I'm Mike, and welcome to refreshing virgin island of Anawangin!" bati agad sa amin ng isang lalaking naka-suot ng pang beach at sa tingin ko ay siya ang tour guide coordinator namin.
"Uh, yes, thank you. I'm Jimin, I called you few days ago I reserved ten camping tents." Sabi ni Jimin.
"Oh, I'm really sorry Mr. Jimin, pero ang available camping tents nalang po namin ay lima. So if you guys are ten, I suggest you can share tents." Sagot ni Mike.
"Wait, that can't be. I already paid for that camping tents. You verified that last night, am I right?" Tanong ni Jimin.
"Oo nga po sir, kaya lang po may mga nasira pong mga camping tents kaya po nag-short po kami ngayong araw. Ire-refund nalang po namin yung nabayaran nyong five tents. I'm really sorry for the inconvenience sir." Paliwang ni Mike.
Humarap sa amin si Jimin, "Okay, I think we don't have a choice but to share one camping tent to one another. Okay lang ba sa inyo 'yon?"
"Yes of course we can share, pero kung ang isang tent ay ang capacity ay dalawa so it means isa sa amin makikihati sa inyo boys?" Tanong ko habang naka-tingin sa kanilang lahat.
"Uh, Irene, napaka-conservative mo, of course I can share with Jimin." Sagot ni Gigi tumingin siya sa aming lahat. "Diba we're all couple naman?!"
"What are you saying? I can't share with you!" umalma agad si Jimin.
Lahat ng mga kaibigan ko ay lumapit sa kanilang mga ka-partner at tanging kami lang ni Bacon ang natira. Wala na,an sigurong masama kung si Bacon makakasama ko sa pagtulog sa camping tent.
"O sige, payag na ako, kami nalang dalawa ni Bacon ang magkasama sa camping tent." Sabi ko sa kanila.
"Ano? Hindi pwede!" pare-parehas na sagot ng Bangtan at lahat kami ay nagka-tinginan.
"Guys, ang o-OA nyo naman. Wala naman akong gagawing masama kay Irene, baka nga si Irene pa ang may gawin sa akin," patawa-tawa niyang sabi at tinadyakan ko siya sa paa. "AHHH! Masakit 'yon ah.."
"Tumigil ka dyan," pairap kong sabi at tumingin ako sa kanilang lahat. "Kumilos na tayo, saan ba namin makukuha yung camping tent?"
"Oh, just follow me all!" Sagot ni Mike.
Lahat kami ay kumuha na nang camping tent na gagawin naming tulugan para maitayo na. Lahat ng mga boys ay sila ang nagtatayo nang tent nila samantalang si Bacon ay naka-upo lang habang nainom ng tubig.
"Hindi mo ba ako tutulungang itayo 'tong tent?" Tanong ko sa kanya.
"Malakas ka naman diba, kaya mo na yan.." Sagot ni Bacon at sumandal na siya sa puno.
"Kapag hindi ka tumulong sa pagtayo nito, sa labas ka matutulog mamayang gabi.." banta ko sa kanya.
"Ito naman, hindi ko pa nga sinasagot, controlling na kagad.." pabulong niyang sabi at tumayo na siya.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...