Nakipagkita si Jk kay Yeri sa isang restaurant. Alam ni Jk na dadalaw si V sa bahay kaya naisipan nitong umalis nalang para hindi niya makita ang dalawa.
"Siguro nabo-bored ka sa bahay nyo kaya nakipag-kita ka sa akin," patawa-tawa sabi ni Yeri habang nakain ito.
"Hindi naman, gusto ko lang makasama ka bago ako umalis papuntang Amerika." Sagot naman ni Jk habang hinihiwa niya ang grilled beef na kinakain niya.
"Sigurado ka na ba sa pag-alis mo?"
Tumango ito sabay subo sa pagkain, "Hmm, desidido na ako."
"Sayang, lilipat sana ako nang Suzuran ngayong taon tapos aalis ka naman pala." Sagot ni Yeri na naka-nguso.
"Huh?" Namilog ang mga mata ni Jk, "Bakit ka naman magta-transfer sa Suzuran? Wag na wag mong gagawin 'yon, hindi mo kagaya si Irene. Hindi ka magtatagal duon."
"Heh," napa-tungo si Yeri, "Alam ko naman hindi ko kagaya si Irene, wag mo na ipa-mukha pa sa akin iyon."
"Hurm, pasensya na Yeri, hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin.." sagot kaagad ni Jk.
"Hindi okay lang," sabay tawa ni Yeri, "Naiintindihan ko Jk."
"Ayaw ko lang na mahirapan ka, iba ang eskwelahan ang gusto mong pasukin, mapapahamak ka lang.. Mas maganda kung mag stay ka nalang sa eskwelahan mo ngayon, ng sa ganuon panatag pa ang isip ko." Sagot ni Jk.
"Ehh? Anong sinasabi mo, para ka namang nag-aalala sa akin." Sabi ni Yeri na naka-ngiti.
Humingi nang malalim si Jk at hinawakan niya ang kamay ni Yeri, "Uh, Yeri, sana mahintay mo ako.."
"Ehhh?" Nanlaki ang mga mata ito habang naka-ngiti, "Anong ibig mong sabihin?"
"Kailangan ko lang ng panahon para maayos ko ang sarili ko, gusto ko sana pagbalik ko mag-date ulit tayo." Sagot ni Jk.
"HHHHHHH! Totoo ba yang sinasabi mo?" Gulat na gulat na tanong ni Yeri. "Ibig sabihin babalikan mo ako?"
Tumango ito nang naka-tawa, "Oo, pagkatapos ko nang high school sa Amerika babalikan kita."
"Talaga?" Napasigawa ito dahilan ng pagtingin ng iba pang customer sa loob ng restaurant. "Uhh, sorry," sabay ngiti sa kanilang lahat. Tumawa si Jk at tuloy pa rin ang paghawak ng nito sa kamay ni Yeri. "Hihintayin kita Jk!"
"Mabuti kung ganun," sabay tawa nito. "Ituloy na natin ang pagkain natin, pagkatapos nito may pupuntahan pa tayo."
"Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Yeri.
"Malalaman mo din 'yon," sabay tawa ni Jk.
-
Sa gabing din 'yon ay kasalukuyang nanunuod si Jin at Wendy sa beach sa Anilao Batangas. May naka-set up na projector sa harapan nila habang nanunuod sila nang paborito nilang 'Divergent Series'.
Naka-higa silang dalawa sa futons na magkatabi at nababalutan ng kumot ang kanilang mga katawan. Parehas silang sabay na natawa kahit hindi naman comedy ang kanilang pinapanuod. Sa grupo nila, sila lang ang dalawa ang parehas na affectionate at sweet sa isa't-isa.
"Oo nga pala, sa college, sa UP Diliman ako mag-aaral kasama sila Jimin." Sabi ni Jin.
"Buti kung ganun, magkakasama pa rin pala kayo." Sagot ni Wendy.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...