Nang makatapos kami sa pagluluto ni Jk, masasabi ko na sawi ako ngayong araw. Hindi tumigil sa pag tawa si Jk ng makita niya ang nagawa kong pancake. Sinunod ko naman lahat ng ingredients pati ang mga tinuturo niya sa akin kung paano haluin, pero bakit matigas na pancake ang kinalabasan ng niluto ko."Oh, heto, kainin mo na 'tong ginawa ko." Sabi ni Jk at ibinigay niya sa akin ang isang pinggan na may tatlong layers ng pancake.
"Bakit ganon, ginaya ko lang naman ang ginawa mo ah? Bakit perfect yung sayo tapos sa akin ang tigas?" Naka-mungot kong tanong habang naka-tingin sa pancake ko na mukhang sumabog na volcano.
"Sobra ka kasi sa halo, ang ginagawa mo kasi todong pwersa ang paghahalo mo kaya ayan, tumigas tuloy ang luto mo."
"Bakit hindi mo ako pinigilan kanina sa paghahalo ko?"
"Ilang beses na kitang sinasaway kita patuloy ka pa rin sa paghalo mo." Patawa-tawa niyang sabi.
"Aissssh!" Kinuha ko ang gawa ko na pancake sabay tapon sa basurahan. "Hindi na yata ako matututong mag-luto."
"Okay lang yan, magsimula ka muna sa basic."
"Basic? Hindi pa ba basic yung ginawa ko?" Tanong ko na naka-mungot, wala akong ganang kumain ngayon.
"Oo, magsimula ka sa pag prito nang itlog o di kaya sa pagsasaing."
"Ha? Magsasaing? Basic ba 'yon, paano lutuin yun?"
"Diba sabi mo dati kaya mo gawin lahat, kung mahusay ka sa lahat ng bagay siguro naman kaya mong pagtutunan ang pagluluto."
Tama siya, lahat ng bagay kaya kong pag-aralan. Kailangan kong magsimula sa basic, parang kagaya noong bata pa lamang ako. Lahat ng kinalakihan kong gawin ay nagsimula ako sa basic, ganuon din dapat ang gagawin ko sa pagtutotong magluto.
"Kumain ka na, aalis pa tayo ngayong araw.." Sabi ni Jk habang nainom ng coffee niya.
"Eh, saan tayo pupunta?"
"Ngayon ang fitting natin ng damit para sa debut mo diba, kaya kumain ka na.. Marami pa akong gagawin pagkatapos ng fitting natin."
"Huh? Ano namang aasikasuhin mo?"
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Sabay tayo niya, inubos na niya ang kanyang iniinom na kape. "Bilisan mo na, maliligo lang ako."
"Ang sungit mo naman, nagtatanong lang eh.." sabay irap ng mga mata ko at nagsimula na akong kumain.
Nang makalabas si Jk sa kusina ay bigla itong tumago sa isang malaking poste at itinago ang sarili niya. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at nagsimulang mag-dial.
"Hello, V.."
"Oh, bakit napatawag ka?" Tanong ni V na tunog kakagising lang.
"Pwede ba kita puntahan mo sa trabaho mo ngayong araw?"
"Ha.. Sige, pero pwede patulugin mo muna ako, kailangan kong mag re-charge ng energy."
"Sige, pasensya na.. Good morning nga pla," sabay smirk nito at ibinaba na niya ang cellphone. Nilingon niya ulit si Irene sa loob ng kusina at napa-ngiti ito. "Masaya ako para sayo, Irene."
-
Makalipas ang isang oras ay sumakay na kami sa kotse ni Jk. Naka-crop top ako, naka-shorts, at skeds shoes sa sobrang init ba naman ng panahon dito sa pinas mas nanaisin kong ganito ang suot ko. Nang tumingin sa akin si Jk ay napansin ko kaagad ang pag tingin niya mula sa aking legs.
"Ano ba yang suot mo, kitang kita ang buong legs mo." Sabi nito sabay tingin sa bintana niya.
"Ang banas kaya, bakit ba panay ang puna mo sa akin, napapansin ko na nitong mga nakaraang araw. Pinansin ko ba yang suot mo?" Tanong ko sa kanya nang pataray.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...