Naka-tatlong estasyon na at sobrang daming pasahero na ang laman ng tren. Kung anu-ano na ang naririnig at naaamoy kong mga kili-kili na nakasabit.
Bigla namang tumayo si V at hinigit niya ang aking braso, itinulak niya ako sa upuan niya at siya ang tumayo sa aking harapan.
"Buti naman naisipan mong magpaka-gentleman!" Sabi ko.
Inirapan niya lang ako at inayos niya ang kanyang earplugs. Pumikit siya at tila ine-enjoy ang musika na kanyang pinapakinggan. Habang pinapanuod ko siya sa aking harapan, pinagmasdan ko na rin ang kanyang pisikal na katawan. Hindi naman ganon' kalaki ang kanyang katawan pero mahahaba ang kanyang biyas. Masasabi kong proporsyon ang kanyang katawan. Singkit ang kanyang mga mata, at mukha niya ay sobrang kinis na parang porselana.
Biglang tumunog ang kanyang telepono at agad naman niya itong sinagot. "Hello? Oh pare.." nagsimula siyang lumakad papalayo sa harapan ko.
Sinundan ko siya nang tingin at napatingin siya sa akin. Nagulat ako doon at ako ay napatungo. Nakakaramdam na naman ako nang init sa aking pisngi.
Tumayo na ako dahil malapit na ang estasyon na aming bababaan. Nang nagbukas ang pinto nang tren at ang mga pasahero ay naguuna-unahan na ng paglabas sa dito.
Sa sobrang daming tao, nawalan ako nang balanse, "AHH!" Mapapatumba ako nang may sumalo sa akin.
"Ano ka ba? Napaka-lampa mo talaga!" Sabi ni V habang tinutulungan niya akong tumayo.
Nagulat ako dahil akala ko nakalabas na siya nang tren, "Akala ko.."
"Kumapit ka sa akin, alam mo nang sobrang dami nang tao lagi dito nang ganitong oras eh!" Sagot niya habang hawak-hawak niya ang aking kamay. Sabay kami naglakad palabas ng tren, at habang naglalakad kami sa estasyon ay hindi ko maalis ang mata ko sa kanyang pagkakahawak sa aking kamay.
Hindi ko alam ang pakiramdam na ito, pero tama si papa kailangan ko nang proteksyon. Wala akong experience na makihalobilo sa mga tao lalo na sa pampublikong mga lugar kagaya nito. Pero bakit ako nahihirapan makitungo sa kanila? Siguro dahil inilagay ko sa utak ko na masama silang tao at hindi ko dapat pagka-tiwalaan.
Nakarating kami sa eskwelahan na magkahawak pa rin ng kamay. Napansin ko na nagtitinginan ang lahat ng estudyante pagkapasok pa lamang namin. Bumitaw na ako sa kanyang kamay at siya ay humarap sa akin.
"Pumunta ka na sa klase mo." Sabi niya at siya ay nagsimulang maglakad papasok sa building.
Tumingin ako sa taas at lahat sila ay mga naka-dungaw sa kanilang mga bintana nang silid. Nagsimula na akong maglakad papasok sa gusali habang nakasuot pa rin ng mask.
"Good morning, dumb princess!" Bati nang isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Lumingon ako at si Jin ay nakatayo sa aking harapan. Hinubad ko ang aking mask tutal nasa loob na ako nang gusali.
"So, 'Dumb' ang napili mong code name?" Tanong ni Jin.
"Oo, tutal literal na 'Dumb' naman talaga ako." Sagot ko at naglakad na ako paakyat.
"Don't forget our place in lunch, okay? Hihintayin ka namin doon!" Sigaw niya at ako ay napatingin sa kanya.
Hindi man lang niya pinansin ang bagong kulay kong buhok. Naglagay din naman ako kilay at eye shadow pero parang hindi naman niya ito napansin.
Habang ako ay naglalakad papasok ng aming silid aralan, nakatingin na sila sa akin lahat lalo na si JK. Umupo ako at nararamdaman ko na babatiin ako ni JK.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...