Nang makasakay na kami sa ferris wheel ay dahan-dahan itong umandar. Hindi ako nakakaramdam ng takot sa pagsakay dito sapagkat mabagal lamang ang takbo nito. Makatapat kami ni V sa upuan at nakatingin lang siya sa akin habang naka-ngiti.
"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Tanong ko.
"Masaya ka ba ngayong araw?" Tanong niya, mahilig talaga siya na mambalewala nang tanong.
"Oo, masaya ako.." Sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka?" Tanong niya.
Tumango ako at siguro ito na ang oras para sabihin ko sa kanya ang totoo, "Oo, sigurado ako na masaya ako. Naniniwala na ako na kapag ginawa mo ang isang bagay na kinakatakutan mo at ito'y iyong nalamapasan ay makakaramdam ka nang kasiyahan, iyon ang nararamdaman ko ngayon." Ngumiti siya at tila naghihintay pa siya nang aking mga sasabihin.
"Nung unang sumakay tayo sa space shuttle, takot na takot ako, may takot ako sa matataas na lugar kaya ni minsan hindi ako dinala nang aking papa sa mga amusement park. Pero noong hinawakan mo ang aking kamay, biglang lumakas ang aking loob hanggang sa kinaya ko ang lahat ng rides." Sabi ko at ako ay nakakaramdam na ng hiya sa kanya, "Pasensya na kung hindi ko sinabi sayo ito kanina."
Tumawa siya, "Alam ko naman na natatakot ka na sumakay sa mga rides."
"Ehh?"
"Hindi naman sa pinipilit kita, ang gusto ko lang maging totoo ka sa akin," sabi niya at huminga siya nang malalim. "Pero natutuwa ako dahil mas inisip mo ang kaligayahan ko dahil natutuwa talaga ako sumakay sa mga ganitong rides."
"So ibig sabihin, kanina mo pa alam na takot akong sumakay? Pero bakit pinipilit mo pa rin akong sumakay?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil gusto ko lang na aminin mo na takot ka, wala naman siguro masama kung aaminin mo na hindi mo kaya," sabi niya at tumingin siya sa langit, "Lahat naman ng tao ay may mga bagay na hindi nila kayang gawin, kagaya ng kapatid ko si Aaron. Hindi niya kayang lumangoy dahil takot siya sa malalim na tubig, ako naman hindi ako marunong mag magic kagaya niya dahil natakot ako sa isang payaso noong bata pa ako."
Napangiti ako, "Pasensya na, sadyang mahirap lang sa akin sabihin o ipahayag ang saloobin ko."
"Nagkahiwalay kami ni Aaron ng dahil din sa akin." Sabi niya at nabigla ako sa sinabi niyang iyon. "Nang mamatay ang mama namin, kailangan niyang mag-trabaho para makapag-aral ako. Nagpasya siya na magtrabaho hanggang sa napalayo na kami sa isa't-isa. Hanggang ngayon, kahit na may trabaho na ako at kaya ko nang kumita nang pera para mabuhay ay nagpupursigi pa rin siya na magtrabaho para bigyan ako nang pang gastos ko."
Nang dahil sa ibinahagi niya sa akin na kwenta na parte nang kanyang buhay ay bigla ako napaisip sa buhay na meron siya ngayon. Simple lang pala talaga ang buhay niya at mag-isa siya lagi sa kanilang bahay, medyo may pagkaka-pareha ang buhay niya sa buhay ko dahil lagi rin naman ako mag-isa kapag may trabaho si papa.
Natahimik kami nang bigla nalang may sumabog at nagpakawala nang maraming ilaw sa kalangitan. Napatingin kami sa mga ilaw na sumasabog at ito'y napaka gandang panuorin dito sa taas ng ferris wheel.
"Kanina ko pa hinihintay ang fireworks na ito," sabi ni V habang nakangiting nanunuod sa mga ilaw.
"Kaya mo ba ako minadali na tumakbo papunta dito?" Tanong ko.
Tumango siya at ngumiti, "Oo, eto ang pinaka-magandang spot para manuod ng fireworks display."
Tumawa ako at nanuod ng mga ilaw. Tama siya, napaka-gandang manuod ng fireworks display sa itaas ng ferris wheel. Habang kami ay nanunuod ng fireworks ay tsaka ko napagtanto ang pagiging romantiko ni V, sinadya niya kahat ang mga pangyayaring ito, at masayang masaya ako sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...