Chapter 20

2.5K 235 14
                                    

Halos limang oras din kami nagsanay ni Jin sa loob ng kwarto ng Bangtan, sobrang sakit na nang katawan ko. Kaya naman pala ganoon na lamang ang galing ni Jin sa labanan, grabe ang ensayo na ginagawa niya para lang mapag-aralan at makuha niya ang istilo na gagamitin dito.

Sobrang dumi na nang uniporme ko para akong nakipag-buno sa sampung werewolves.

"Ihahatid na kita," sabi ni Jin ng kami ay maka-labas sa kwarto.

"Wag na, may pupuntahan pa ako pagkatapos nito." Sagot ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang nagpupunas siya nang kanyang pawis sa ulo.

"May.. May pupuntahan lang akong lugar." Sagot ko.

"Ihahatid na kita kung saan ka man pupunta," sabi niya.

"Wag na, kaya ko naman tsaka alam kong napagod ka sa pagtuturo sa akin. Mauuna ka na, kaya ko naman mag-isa." Sagot ko.

"Sige, ikaw bahala tutal may aasikasuhin pa nga pala ako para sa byernes." Sabi niya.

"Sige, pupunta muna ako sa locker room magpapalit muna ako nang damit." Sagot ko.

"Mag-iingat ka ha, tumawag ka kagad sa akin kapag napa-trouble ka." Sabi niya.

"Kaya ko ang sarili ko Jin, wag ka na mag-alala pa." Sagot ko na naka-tawa.

"Sige, mag-kita nalang tayo bukas!" Sabi niya at lumiko na siya sa kanan.

Kumaway ako sa kanya na naka-ngiti at lumiko na sa kaliwa para makapag-shower muna bago ako umuwi. Amoy pawis na ako at puro dumi sa katawan, siguradong kakaylanganin ko ang wax bathtub mamaya pag-uwi ko.

Nang makarating ako sa locker room ay walang tao siguro lahat ng estudyante ay nag-uwian na. Naghubad ako nang damit ko at pumasok sa banyo para maligo.

"AGHH!" Napasigaw ako nang madali ko ang kaliwang kilay ko. May tama pala ako sa mukha nang hindi ko man lang napansin.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang nakarinig ako nang kalampag ng pinto at yabag ng paa papalapit sa banyo.

Sinarado ko ang shower at nagmasid. "Sino yan?"

Biglang tumahimik at wala na akong marinig na kahit anong kaluskos. Binuksan ko ulit ang shower at nagpatuloy sa paliligo nang ang ilaw naman ay nagsimulang magpatay sindi.

"Sino yan? Hindi nakakatawa yang biro mo." Sigaw ko.

Wala pa rin nasagot sa akin at nagpasya na akong lumabas. Ibinalot ko ang tuwalya sa aking katawan at binuksan ang pinto pero wala namang tao.

"Heh," at tumingin sa paligid, "Lumabas na kayo, alam ko namang sinusubukan niyo akong takutin!"

Lumabas ang dalawang tao na nakatago mula sa pader at sinundan pa ito nang dalawa pang tao. Tiningnan ko sila isa-isa at natandaan ko na sila ang B.A.P.

"Kamusta Irene Motoharu?" Tanong ni Jae na naka-ngiti.

Tumaas ang aking kilay at lumapit sa kanila nang bahagya. "Anong kailangan nyo sa akin?"

"Siguradong matatalo kayo sa byernes, mag-sisisi ka dahil sa Bangtan pa ang sinalihan mong grupo." Sagot ni Jae.

Tumingin ako sa kanilang lahat isa-isa at ngumiti, "Pangita sa mga mata nyo na natatakot kayo sa grupo namin, tama ba?" at tumawa ako papalapit kay Jae. "Natatakot ka bang makaharap ako sa rooftop?"

Ngumiti agad siya at tumawa, "Likas sayo ang pagiging mayabang, anak ka nga ni Motoharu."

"Sigarado ka bang yang babaeng yan ang nagsabi sayo na babasagin niya ang mukha mo?" Tanong ni Zelo at ako naman ay napatingin sa kanya. "Mukhang lalamya-lamya naman to' eh."

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon