Sa kasalukuyang pangyayari ay nagbabyahe pa lang sila Jk para sundan si Irene.
"Bilisan mo, nasa panganib na ang buhay nilang dalawa.." Sabi ni Jk at natataranta na ito sa pag-aalala.
"Tumahimik ka dyan at huminahon Jk, pare-parehas lang tayong nag-aalala sa kanila. Hindi yan makakatulong sa sitwasyong ito." Sagot ni Jimin habang nagmamaneho.
Bigla naman tumunog ang cellphone ni Jin at agad niya itong sinagot, "Wendy.."
"Asaan kayo? Totoo bang umalis daw kayo sabi nila Flynn."
"Oo, tsaka ko nalang ipapaliwanag, kayo na muna ang bahala diyan, ikaw na rin ang magpaliwang sa tatay ni Irene kapag hinanap ito."
"Anong sasabihin ko? Ano ba ang nangyayari?"
"May dumukot kay V kay hindi siya nakarating sa party ni Irene, ang motibo nila ay makuha ang atensyon ni Irene, kaya ngayon sinusundan namin si Irene dahil parehas silang nasa panganib ngayon."
"Oh God, okay, I-I'll do the rest here, mag-iingat kayo. Tatawag na ako nang pulis."
"Wag!" Sigaw nito, "Wag na wag kayong tatawag ng pulis, mapapahamak silang dalawa, hayaan nyo muna kami."
"Saan kayo papunta?"
"Kayo na ang bahala diyan," sagot ni Jin at pinatay na niya ang tawag nito. "Sinabi ko na kay Wendy, wala ka bang alam na shortcut papuntang Sta. Mesa?"
"Paano ako makakasuot nito, traffic pa.." Sagot ni Jimin.
"Shit! Tara na, mag LRT na tayo papunta duon.." Sabi ni Jk sabay labas niya sa kotse.
Lahat sila ay lumabas ng kotse ni Jimin at iniwan nila sa gitna nang traffic ang kotse. Tumakbo na sila papuntang estasyon.
"Shit!" Sigaw ni Wendy at lumapit si Yeri, Gigi at Bacon.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Gigi.
"Ano na ang nangyari sa kanila? Hinahanap na si Irene ng mga bisita dito." Tanong ni Yeri.
"Umalis silang lahat, kasama si Irene, dinukot si V kaya naman sinundan ito ni Irene at ng iba pa." Sagot ni Wendy.
"Ano?" Sigaw ni Bacon.
"What?" Sabay na sabi ni Gigi at Yeri.
"Kasalukuyan ng nagbabyahe ngayon sila papunta siguro sa hideout kung saan dinukot si V. Kailangan na natin itong ireport sa pulis, kaya lang hindi ko alam kong saan sila papunta." Sagot ni Wendy.
"Teka, may gps pa yang cellphone mo?" Tanong ni Bacon.
"Oo, bakit?"
"Pahiram ako," sagot niya sabay abot naman ni Wendy ng cellphone niya.
"Anong gagawin mo?" Tanong ni Gigi.
Nagsimulang gamitin ni Bacon ang cellphone ni Wendy at kasalukuyan niyang tina-track ang cellphone ni Jin. "Bingo, alam na natin kung saan sila pupunta," ipinakita niya ang cellphone sa kanila at kasalukuyang nasa UN avenue.
"Teka, ibig sabihin andyan sila?" Tanong ni Yeri.
"Hindi siguro, nagalaw ang location nila. Sa tingin ko nakasakay sila sa tren." Sagot ni Bacon.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...