Nagsimula na ang mala-hollywood na party ko sa Diamond Hotel. Halos lahat din ng mag-aaral sa Suzuran ay inimbitahan ko sa aking 18th birthday celebration. Lahat ng bisita ay nasa ibaba na nang function hall at hinihintay na nila ang aking pagbaba. Hindi pa ako makalabas ng kwarto ko dahil hindi pa nadating si V na para maging escort ko sa party na ito.
Naka-suot ako nang long gown red dress at ang mga naka-disenyo dito ay galing mula sa totoong dyamante; backless; off-shoulder sleeves; at may petticoats pa ito. Ang buhok ko ay naka-puyod na parang messy ang dating at ang mga accessories na suot ko din ay gawa mula sa pinaka-mahal na uri nang dyamante.
"Asan na ba si V?" Tanong ni Wendy.
"Baka na traffic lang, don't worry Irene, I think he can make it." Sagot ni Gigi at lahat sila ay tinutulungan ako na kumalma.
Bigla namang pumasok si Yeri sa kwarto at napatayo agad ako sa kinauupuan ko.
"Andito na ba siya?" Tanong ko.
"Wala pa, sabi sa akin ni Jk wala nang tao sa bahay ni V. At sabi nang mga kapit-bahay niya ay umalis na raw ito nang bihis na bihis." Sagot ni Yeri.
"Edi kung ganuon, malamang nagba-byahe na siya papunta dito ngayon." Sabi ni Wendy.
"Hanggang ngayon kinokontak pa rin nila si V pero patay ang cellphone nito," sagot ni Yeri.
Biglang may tumunog na cellphone at kaagad naman itong sinagot ni Wendy.
"Jin, asan na ba kayo? Ha? Wala pa siya dito.. Oo sige sasabihin ko." at ibinaba na niya ang tawag. Tumingin siya sa akin at mas lalo ako nakaramdam ng kaba. "Naka-usap nila Jin ang mga kasamahan ni V sa catering, kanina pa raw sila nakabalik dito sa Manila."
"Ha? Eh asaan daw siya ngayon?" Tanong ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Hinahanap pa rin nila hanggang ngayon," sagot ni Wendy.
"AHHH!" Napasigaw ako sabay talikod sa kanila. Tumahimik sila at naglakad ako papunta sa bintana nang hotel room.
Napapaluha na ako ngayon, bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.. Nakakaramdam ako nang galit at pagka-inis. Bakit pa kasi nangyari ito sa mismong araw pa nang kaarawan ko. Nangako siya sa akin na siya ang magiging escort ko ngayon pero bakit ganito, iiwanan niya ba talaga ako sa ere ngayon.
May kumatok sa pinto at lahat kami ay napalingon dito. Bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si papa.
"Anak, iniintay ka na nang mga bisita mo."
"O-Opo papa," sabay lakad ko paabante.
"Asan na ang boyfriend mo?" Tanong nito.
"Ahh.. Hindi po siya makakarating." Sagot ko na naka-tungo.
"Hay," sabay hinga nito nang malalim. "Bueno, halika na sa baba.. Nagaantay na ang mga bisita natin."
"Opo," sagot ko at naglakad na ako kasunod niya.
Habang kami ay naglalakad ay pinunasan ko ang luha na maaring tumulo sa mga mata ko.
"Anak," sambit niya at napa-tigil ako sa paglalakad. Hinawakan niya ang mukha ko at siya mismo ang pumunas ng luha sa mga mata ko. Mas lalo akong napa-luha pagkatapos niyang gawin ito. "Maligayang Kaarawan anak," at naka-ngiti ito.
"Sorry papa," sagot ko na tuluyang dumadaloy ang luha sa mga mata ko.
Hinila niya ako payakap at mas lalo akong napa-iyak. "Wag ka nang umiyak anak, kaarawan mo ngayon."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Novela JuvenilSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...