Chapter 15

3.2K 256 12
                                    

Pagkatapos ng aming laban ay naupo kami sa damuhan sa ilalim ng puno para magtanghalian. Pumunta na si Master Hox sa kanyang mga estudyante at parehas kami ni Jin na masayang nagkwekwentuhan tungkol sa aming laban kay Master.

"Nagsanay ka ba ulit pagkatapos nating magtapos dito?" Tanong ni Jin.

"Hindi, pero ang totoo niyan gusto ko pa ulit magsanay dahil sa tingin ko ay hindi pa rin ako malakas." Sagot ko sa kanya at bigla siyang tumawa.

"Hindi ka pa malakas sa lagay na iyon? Napa-atras ko si Master gamit kamao ko ngunit ikaw, pinatumba mo siya." Sabi ni Jin.

"Nabigla lang din naman ako sa nagawa ko kanina, nag-aalala nga ako kay Master ipinakita niya lang sa akin na hindi siya nasaktan pero sa tingin ko nasaktan ko siya nang sobra." Sagot ko sa kanya.

"Yun' din ang aking tingin," sabay tawa niyang sagot, "Pagkatapos natin kumain pumunta tayo sa mall para manuod ng sine."

"Huh? Manunuod tayo nang sine?" Tanong ko naman.

Tumango siya, "Oo, ayaw mo ba? O may gusto kang gawin mamaya?"

Umiling ako at ngumiti, "Wala naman, uhh.. Ngayon ko lang naging malinaw sa akin ang lahat."

"Hmm? Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat na nililigawan mo talaga ako at isa itong date." Sagot ko sa kanya.

Ibinaba niya ang kanyang lunch box at tumingin siya sa akin, "May gusto akong malaman Irene," tumaas ang aking kilay senyales na iniintay ko ang kanyang sasabihin, "Tulad pa rin ba nang dati ang nararamdaman mo para sa akin?"

"HHH!" Napaiktad ako dahil nagulat ako sa kanyang tanong. Napatungo ako at tila hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

5 taon na nakalipas..

"Saan ka mag-aaral Irene?" Tanong ni Jin.

"Sa eskwelahan para sa mga batang babae lamang ako mag-aaral." Sagot ko sa kanya.

"Ganon? Ibig sabihin pala hindi na tayo magkikita pagkatapos natin dito sa Yin Yang." Sabi ni Jin.

Tumango ako at lumapit sa kanya, "Wag' kang mag-alala, magkikita din naman tayo kapag tayo ay lumaki na."

"Hmm, ipangako mo sa akin na sa paglaki natin tayo pa rin." Sabi ni Jin at ibinigay niya sa akin ang kanyang hinliliit tanda nang pangako niya sa akin.

Tumawa ako at ibinigay ko din ang aking hinliliit, "Pangako, pagtanda natin itutuloy natin ang pagmamahalan natin."

"Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa dumating tayo sa tamang edad." Sagot ni Jin at ang mga daliri namin ay nagsama at pinatunayan ang aming pangako sa isa't isa.

Makalipas ang dalawang taon at ako ay nasa Junior year na, marami na akong naging kaibigan sa aking eskwelahan at tuluyan ko nang nakalimutan ang sumpaan namin ni Jin sa isa't isa. Dumating ang oras na nagsimula ako makaramdam ng paghanga sa isang lalaki sa aming eskwelahan, anak siya nang may ari nang eskwelahan at sikat siya sa lahat ng estudyante dito.

"Irene, si Mark dadaan dito sa hallway!" Tuwang tuwa na sinabi ni Gigi.

Nag-madali ako pumunta sa bintana nang aming silid kasama ko ang mga kaibigan ko nang makita ko si Mark na naglalakad kasama ang kanyang mga kaibigan. Bigla naman ako napangiti nang nag-tagpo ang aming mga mata, napatungo ako sabay hawi nang aking buhok sa aking kaliwa at tumingin ulit sa kanya.

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon