Nang makarating ako sa canteen, bago ako pumasok ay tiningnan ko muna ang kabuoan ng canteen. Mukha pa rin siyang basuran at punong puno nang mga sulat sa pader.
Naglakad ako papasok sa canteen at dumaretcho sa pila ng counter area. Lahat sila ay nagtitinginan sa akin ng bigla nalang may sumandal sa aking likuran. Mayroon siyang kulay orange na buhok, lahat yata nang mga estudyante dito ay may mga weirdo na na hairstyle.
"Ayy!" Tumawa siya at tumingin sa akin, "Pasensya na.." at napansin ko na nakatingin na agad siya sa aking ID. "Miss Irene!"
Hindi ko ito pinansin at naglakad ako papalapit sa counter. Bakit ba lahat ng mga lalaking ito ay mahilig tumawa nang pagka-lakas lakas.
"So, ikaw pala yung nag-iisang babae ng Suzuran! Welcome!" Bati mula sa aking likuran.
Lumingon lang ako nang kaunti at kumuha na ako nang tray at nagsimula tingnan lahat ng pagkain na nasa buffet set up.
"Subukan mo tong steak, masarap yan, yan ang pinaka the best sa Suzuran canteen." Sabi niya.
Tumingin ako sa kanya nang masama, "Hinihingi ko ba opinyon mo?"
Ngumiti siya at ako ay napatulala. Nawala ang kanyang mga mata at nakaramdam ako nang tuwa, parang gusto ko rin ngumiti.
"Nagbibigay lang naman ako ng magandang suggestion para sa bagong estudyante na kagaya mo." Sabi niya.
Tumungo ako at bigla ako nakaramdam ng init mula sa pisngi ko. Ano ba ito, lahat ng mga lalaki na nakausap sa akin mayroong katangi tanging ngiti.
"Excuse me!" Sabi niya at lumampas siya sa akin. Nanatili akong tahimik at naka-tungo.
"Ano sayo, Miss Irene?" Tanong ng babae sa buffet area.
Tumingin ako sa kanya at napangiti, "Steak po!"
Napansin ko sa gilid ng mata ko na naka-tingin sa akin ang lalaking may kulay orange ang buhok. "Buti at Steak ang pinili mo!"
Tumingin ako sa kanya ang ngumiti, "Excuse me," sagot ko sa kanya at lumampas ako sa kanya.
Pumunta ako sa fruits section, ayaw ko kumain ng maraming karne. Nakuha ako ng watermelon ng bigla lumapit ang lalaking may orange na buhok.
"I'm Jimin by the way.." Sabi niya habang ibinibigay niya ang kanyang kamay. Napatingin ako sa kanyang kamay at tila nakakaramdam ako ng kaba. "Uh, okay, so hindi ka pala nakikipag-kamay?" Binaba niya ang kanyang kamay.
Bigla ko kinuha ang kanyang kamay at ako ay nakipag-kamay. "Nice to meet you!"
Ngumiti ulit siya at mas lalo uminit ang aking pisngi. Napatungo ako at medyo nakakaramdam ako nang hiya. Ang lambot nang kanyang kamay para siyang hindi marunong makipagsuntukan.
Binitawan niya ang aking kamay, "Sumama ka na sa table namin."
Napatango ako at sabay kami naglakad palayo sa fruit section. Habang kami ay naglalakad, nagtitinginan at bulungan ang mga nasa paligid namin.
"Ibang klase talaga ang karisma ni Jimin sa babae!"
"Siya ang pinaka-mabait sa grupo ng Bangtan diba?"
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...