Makalipas ang higit 30 minutos ay nagpasya na kaming bumaba mula sa aking kwarto. Masaya kaming nagtatawanan at naguusap habang pabalik sa lanai.
"Ang tagal nyo namang bumaba, ano bang ginawa nyo doon sa kwarto?" Tanong kaagad ni V at ako ay natahimik.
"Nag-usap lang kami ng mga masasayang bagay," sagot ni Jin at bumalik siya sa kanyang upuan.
Bumalik na rin ako sa aking upuan at napansin ko na nakatingin sa akin si V, "Ehh? Ano yon?"
"Mukhang masaya ka ah, anong nangyari sa loob?!" sabi niya pero naka-simangot ito at mukhang may iniisip siya na iba.
"Wala naman, laro na ulit tayo!" Sagot ko at tumawa si Jin at kinuha ang cube.
Ang totoo niyan ay may nangyari nga sa loob ng aking kwarto pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyon dahil sa amin na lamang ni Jin ang aming napag-usapan.
Nagpatuloy ang aming paglalaro nang 'snake and ladder' at sa pagkakataon na ito ay si V naman ang nanalo at lubos niya itong ikinatuwa.
"Panalo ako! Kaya ako naman ang mag-uutos!" Sabi niya.
"O sige, ano naman iyong iuutos?" Tanong niya.
"Kagaya nang ginawa mo, manatili ka lang sa upuan mo at si Irene ay dadalhin rin ako sa kanyang kwarto!" Sagot ni V.
"Huh? Pero bakit kagaya nang kay Jin?" Tanong ko.
"Bakit? May angal ka? Diba hindi pwedeng tumanggi?" Tanong ni V sa akin at naka-simangot siyang naka-tingin kay V.
"Sige na, maghihintay lang ako dito sa bangko." Sabi ni Jin.
Wala na akong nagawa kundi tumayo at nagsimula maglakad, "Halika na.."
Tumayo na si V na mukhang sabik na siyang maka-punta sa aking kwarto. Kung sakali man, hindi naman ito ang una niyang pagpunta sa aking kwarto dahil minsan na siyang pumunta sa aking kwarto habang ako ay nagpapalit ng damit. Pagkatapos ko itong maalala ay bigla akong namula at napayuko.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Oo," sagot ko ay binuksan ko na aking kwarto.
Bigla naman niya akong hinatak sa loob sinarado niya ang pinto at kinandado niya ito. Nagulat ako sa kanyang ginawa at hinila niya ako papunta sa aking kama.
"Teka.. Anong.."
At siya ay naupo sa ibabaw ng aking kama habang siya ay naka-upo at ako naman ay nakatalikod sa kanya. Niyakap niya ako mula sa aking likod na tila ayaw niya akong pakawalan, inilagay niya ang kanyang baba sa aking kaliwang balikat habang nakayakap sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong.
"Gusto kong mayakap ka nang matagal," sagot niya at tila malungkot ang kanyang boses. Nararamdaman ko ang tibok ng kanyang puso mula sa aking likuran.
"Pero.." Hindi ko na nadugtungan ang aking sinasabi dahil humigpit siya nang yakap sa akin.
"Anong ginawa ninyo dito ni Jin?" Tanong niya.
"Ha.. Ahh.. Nag-usap lang kami." Sagot ko.
"Habang andito kayo sa loob, hindi ako mapakali.. Gusto ko kayong puntahan dito, naiinis ako sa sarili ko lalo na kay Jin." Sabi niya.
"Hmm? Nasa laro lang naman tayo, wag' mo naman sana personalin." Sagot ko sa kanya.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Huh.. Oo naman, bakit mo natanong?" Tanong ko sa kanya.
Umalpas siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin siya sa aking mukha, "May tama ka sa labi at sa kilay, sigurado ko binuhos mo ang pwersa mo sa pakikipag-laban mo sa kanila, ayaw ko na maulit na lalaban ka sa away."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...