Chapter 48

2K 180 60
                                    

Isang araw bago magsimula ang opisyal na klase ko sa kolehiyo ay nag harvest ako nang mga bulaklak sa aking munting hardin. Naalala ko bigla na gusto ni Irene na pumunta sa garden na ginawa ko. Namulaklak na ulit ang mga tulips na tanim ko at dadalhin ko ang mga ito sa ospital para maamoy ito ni Irene.

Nang makarating ako sa ospital ay kaagad kong inilagay ang mga bulaklak sa flower vase na malapit sa kanyang kama nang bigla kong mapansin ang kanyang buhok. Lumapit ako dito at hinaplos ko ang napaka-haba na niyag buhok, napaka-lambot pa rin nito at mabango pa rin kahit na halos dalawang buwan na siyang nakahiga dito at hindi gumagalaw.

"Oh iho, andito ka na pala.." Bati nang ama ni Irene na kakalabas lang mula sa comfort room. "Aba, ang gaganda naman ng mga bulaklak na dala mo.."

"Heh," napangiti ako at nagbigay galang sa kanya, "Magandang araw po sir!" Tumingin ako sa mga bulaklak at patuloy ang aking pag-ngiti. "Kaka-harvest ko lang po nang mga bulaklak na yan mula sa maliit kong garden."

"Ibig mong sabihin nag-aalaga ka nang mga bulaklak?" Tanong nito.

Tumango ako at napa-kamot sa aking batok, "Opo, nagsimula po akong mag-alaga nang mga bulaklak ng makilala ko po ang anak ninyo."

"Heh," tumawa ito at lumapit sa mga bulaklak. "Paborito ni Irene ang mga bulaklak, namana niya ito sa kanyang ina.."

"Sana nga po magising na siya nang sa ganuon ay makita niya po ang mga yan," sabay lagok ko. "Hindi po ako tumitigil sa pagdadasal na sana po magising na si Irene."

"Hmm," patango-tango ito habang naka-suksok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. "Sa tingin ko ay hindi na magigising pa aking anak." Napatikom ang aking bibig at medyo nabigla sa aking narinig. "Nakausap ko na ang mga doktor, sa tagal ng comatose stage ni Irene, nanghihina na ang katawan nito at mas lalo siyang nahihirapan."

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko na namumuo na nang tubig sa aking mga mata.

"Nagpasya na akong tanggalin na ang mga aparatos na naka-kabit sa kanyang katawan," sagot nito at lubha ko itong ikinagulat. "Habang tumatagal siyang ganito ay mas lalo akong naaawa sa aking anak, mas lalo lang siyang nahihirapan ngayon," dinampi nito ang kanyang kamay sa noo ni Irene, "Gusto ko na siyang magpahinga.."

"Wag po, paki-usap!" Napataas ang aking boses at dumaloy na ang tubig mula sa aking mga mata. "Alam ko pong nahihirapan kayong makita ang sarili nyong anak na nahihirapan sa ganitong kalagayan niya, pero maghintay pa po tayo nang ilang buwan pa, may awa po ang Diyos, ibabalik niya po si Irene."

"Mahirap para sa akin 'tong gawin, pero mas pipiliin ko nang magpahinga siya kasama ang kanyang ina sa langit kesa maghirap siya dito nang ganito ang kalagayan niya. Alam ng mga doktor ang nararapat na gawin." Sagot nito.

"Paano niyo ito nakakayang sabihin? Gusto nyo nang mamatay ang anak nyo?" Sigaw ko.

"Matagal ng patay ang aking anak," sagot nito nang mahinahon pa rin. "Natanggap ko na ang lahat.. " tumulo ang luha nito at hinalikan niya ang kanyang anak sa noo. "Alam ni Irene kung gaano ko siya kamahal."

"Kung mahal nyo siya hihintayin nyo ang pag gising niya, wag naman kayo sumuko agad, alam ko na si Irene ay hindi sumusuko hanggang ngayon.." Sagot ko at tumingin ako kay Irene. Hinawakan ko ang kanyang kamay at mas lalong bumuhos ang pag-iyak ko. "Hindi ko kayang mawala si Irene.."

Biglang tumunog nang malakas ang machine na konektado sa kanyang puso at parehas kaming nagulat. Ang pulse rate ni Irene ay kasalukuyang bumabagal. Nagmadali akong lumabas at tumawag nang doktor. Nang sulyapan ko si Irene ay nagsisimula na itong atakihin at tila binabawian na ito nang buhay.

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon