Chapter 37

1.9K 214 13
                                    

Nakasuot pa rin ako nang uniporme nang Suzuran habang papunta sa Trinoma, sinusubukan kong tawagan ang cellphone ni V kaya lang out of coverage na ito at hindi ko na siya makontak pa. Nang makarating na ako sa loob ng mall ay agad kong hinanap ang TGIFRIDAYS kung saan nagtatrabaho si V. Hindi ako tumitigil sa pagtakbo papunta sa restaurant, hindi ko alintana ang hingal ko sa pagtakbo makita ko lang si V.

"Excuse me, asaan si V?" Tanong ko sa isang lalaki na naka-uniporme nang restaurant.

"Isa ka ba sa mga babae niya, wag mo siyang abalahin kapag nasa trabaho siya." Sagot niya sa akin na napaka-sungit.

Kinuha ko ang kwelyo niya at nilapit sa mukha ko, "Sumagot ka pa sa akin ng pabalang, babasagin ko mukha mo!"

"Aba matapang ka ah, porket taga Suzuran ka nag mamatapang ka?" Tanong niya sa akin.

Binitawan ko siya at tinulak ko ito papalayo, "Asaan ang manager nyo?" sigaw ko at nagtinginan sa akin ang lahat pati ang iba pang customer sa loob.

Lumapit sa akin ang isang lalaki at mukhang siya ang manager, "Ikaw ba ang manager?"

"Opo, is there anything we can do for you?" Tanong niya sa akin.

"Anak ako ni Motoharu," at nagtinginan sa akin lahat ang mga tao sa loob. "Nasaan ang empleyado nyong si V, kaylangan ko siyang maka-usap."

"Puntahan mo na siya sa kusina at papuntahin dito," bulong ng manager sa lalaking nagsungit sa akin. "Maupo po muna kayo, Miss Motoharu."

"Hindi na kaylangan, ang kailangan ko ay si V.."

Bumalik na ang lalaki at bumulong ito sa manager, "Wala po si V sa kusina, naka-break daw po."

"Ano? Saan siya nagpunta?" Tanong ko kaagad.

"Uh, usually po, nasa public smoking area po nagpapalipas ng break si V." Sagot ng lalaki.

"Saan ang smoking area na iyon?" Tanong ko.

"Dito lang po sa area na to, kakaliwa lang po kayo magkalampas nyo nang Starbucks." Sagot ng lalaki.

Dali-dali akong tumakbo palabas at pumunta sa smoking area na sinabi nang lalaking iyon. Wala pang isang minuto ay nakarating na ako sa smoking area at agad kong hinanap si V. Nakatayo siya sa bahaging tistisan ng sigarilyo at medyo nagulat ako dahil naninigarilyo pala siya.

"V.." Sambit ko nang pangalan niya at agad naman itong lumingon sa akin. "Naninigarilyo ka pala," naka-ngiti kong sabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at pinatay na niya ang sigarilyo niya at tuluyang humarap siya sa akin.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Heh, wag na!" Sagot niya kagad at naglakad siya papalampas sa akin.

Kaagad kong hinablot ang braso niya dahilan ng pagtigil niya, "V, patawarin mo ako.."

"Nag punta ka ba dito para sabihin sa akin na wala na kayo ni Jk?" Tanong niya na may kasamang smirk. "Wag ka na magaksaya nang panahon para magpaliwanag Irene, nakalimutan na kita."

Tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang braso at naglakad siya papalayo. Hindi ako nakagalaw pagkatapos kong marinig mula sa kanya iyon. Sobrang sakit, tagusan mula sa dibdib ko at parang tinamaan ng balisong ang puso ko. Naginginid ang mga luha ko sa mata at kaagad ko itong pinawi nang kamay ko. Hindi ako iiyak, kasalanan ko din ito kung bakit nawala na ang pag tingin sa akin ni V. Sinaktan ko siya nang sobra noon, ganito siguro ang pakiramdam niya noong magkarelasyon pa kami ni Jk.

Habang ako ay naglalakad pabalik ng Suzuran ay nakasalubong ko naman si Bacon. Bakit sa tuwing nababasted ako kay V ay agad naman pinagtatagpo kami nang landas ni Bacon.

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon