Chapter 19

2.4K 239 10
                                    

Naglalakad na ako papunta ng tren nang bigla ko makasalubong ang bago naming kapit bahay.

"Good morning! Talagang sinasadya mo na makasabay ako ha." Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Mukhang makakasabay ko siya sa pag-pasok dahil ang eskwelahan niya ay malapit sa Suzuran.

Nakarating na ako sa estasyon at tumabi siya sa tagiliran ko na naka-ngiti.

"Mukhang araw-araw na tayo magkakasabay." Sabi niya.

Kinuha ko ang ear-pods ko at inilagay sa magkabila ko na tenga. Ayaw ko masira agad ang araw ko nang dahil lang sa kanya.

Dumating na ang tren at sabay kami pumasok, napatingin ako sa kanya at nagbigay daan siya para sa akin. Tumayo ako malapit sa pinto habang naka-tungo.

Umandar na ang tren at ang buong akala ko ay mawawala na siya sa paningin ko pero tumayo siya sa harapan ko habang ang mga kamay niya ay nasa loob ng kanyang bulsa. Nakasuot rin siya nang ear-pods at naka-ngiting tingin sa akin. Inirapan ko siya at hindi pa rin ako nakibo sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto lumipat na kami sa kabila na estasyon at sumakay ulit sa tren. Nakakahalata na talaga ako dito sa lalaking to', sa tingin ko siya ang may motibo na sundan ako. Patuloy pa rin ang pag-ngiti niya sa akin pero wala siyang sinabi.

Nang makarating kami nang Cubao, naglalakad na ako papunta ng Suzuran at nakita kong nasa likuran ko pa rin siya at talagang sinusundan niya ako.

Tumigil ako sa tapat ng gate nang eskwelahan namin at sumandal siya sa tabi nang gate.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya.

"Heh," tumawa siya at tumingin sa eskwelahan namin. "Mukha namang hindi eskwelahan tong pinapasukan mo, Irene."

"Iniinsulto mo ba ang eskwelahan ko?" Tanong ko sa kanya na naka-kunot ang noo. "Kung ayaw mong mabugbog, umalis ka na ngayon palang!" Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad papasok.

"Hindi mo ba kukunin ang I.D mo sa akin?" Tanong niya.

Napatigil ako sa paglalakad at agad na nilingon siya. Hawak-hawak nga niya ang I.D ko. "Bakit na sa'yo ang I.D ko?"

"Heh, kagabi nang tinapakan mo ako sa paa nahulog ang I.D mo, Irene." Sagot niya.

Naglakad ako papalapit sa kanya at akmang hahablutin ang aking I.D pero inilayo niya ito. "Ano bang problema mo? Gusto mong masaktan ulit?"

Tumawa siya at inilapit niya ang mukha niya sa aking mukha. "Gusto kitang maging kaibigan, ako nga pala si Bacon."

Kumunot ang noo ko at nagtaka sa kanyang pangalan. "Wala akong pakialam sa pangalan mo. Ibalik mo sa akin ang I.D ko."

"Oh, eto na!" Sagot niya na naka-tawa.

Kinuha ko ang I.D ko sa kamay nya at nagsimula na siyang maglakad.

"Papasok na ako! Magandang araw nalang Irene!" Sabi niya habang naglalakad papalayo.

Sinuot ko ang I.D ko at nagsimula nang maglakad papasok.

"Sino yung kausap mo sa harapan ng gate?" Tanong ni Jk at ako ay napatigil sa paglalakad.

"Hindi ko kilala yun, napulot niya lang ang I.D ko." Sagot ko at naglakad na ako papasok ng gusali.

Sinundan niya ako sa aking likuran. "Mukhang mag-kakilala naman kayo ah!"

"Hindi nga!" Sagot ko at humarap ako sa kanya. "Bakit mo ba ako kinakausap? Kahapon lang ayaw nyo ako kausapin."

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon