Chapter 22

2.4K 231 9
                                    

Pagkatapos ng training namin ni Jk ay dumaretcho agad ako sa locker room para maligo. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni V, hindi niya ako gusto? Eh ano yung mga pinakita niya sa akin, palabas lang ba lahat ng iyon? Sa tingin ko kailangan ko siyang maka-usap para magkalinawan kaming dalawa at para na rin magkaroon ng linaw ang nararamdaman ko para sa kanya.

Makalipas ang trenta minutos ay nakapag-suot na ulit ako nang uniporme. Ngayon ko lang na-realize kung bakit kailangan ko lagi suot ang uniporme namin. Isa itong patunay na taga Suzuran ako at pinagmamalaki ko ito, ang unipormeng ito ang magiging kasangkapan para maging top 1 ako sa paaralan na ito.

Nang ako ay maka-labas na sa locker room ay bigla naman bumungad sa akin si Jk, sa tingin ko ay iniintay niya talaga akong matapos.

"Napaka-tagal mo talaga mag-banyo!"

"Babae ako noh, kaya matagal akong mag-banyo!"

"Hindi ka naman babae eh, lalaki ka.." ginulo nanaman niya ang aking buhok at naglakad na siya. "Tara na, baka mahuli pa tayo sa simbahan."

"Ha?" Tumakbo ako papunta sa kanya para sumabay mag-lakad. "Bakit tayo pupunta nang simabaham?"

"Tumawag sa akin si mommy, may rehearsal daw ngayon para sa kasal kaya pupunta tayo ngayon doon."

"Oo nga pala, nawala na sa isip ko ang kasal nila papa."

"Puro kasi si V ang nasa isip mo.." patawa-tawa niyang sabi.

"Hindi ah," tanggi ko at lumayo nang tingin. "Isa lang lagi nasa isip ko.."

"Ano naman yon?"

"Maging pinaka-magaling dito sa Suzuran, pinapangako ko sa inyo mapapasama ako sa ranking ngayong taon!"

"Yun ba talaga ang mahalaga sa'yo?"

"Oo, isa sa pangarap ng papa ko ang maging top 1 ako sa paaralan na ito kaya dito niya ako pinag-aral."

"Gusto mo ba talaga mag-aral dito?"

Napatigil ako sa paglalakad at ganun rin siya. Tumingin ako sa kanya na naka-ngiti. "Aaminin ko, noong una, ayaw ko sa paaralan nyo.. Pero noong nakilala ko ang sarili ko, nasabi ko na sa sarili ko na dito ako nababagay.. Oo, gusto ko mag-aral dito kasama ang mga naging tunay na kaibigan ko."

"Hmm," pinatong niya ang kamay niya sa aking ulo at ngumiti. "Buti naman at tinuturing mo kami na mga kaibigan, wag ka mag-alala bilang kuya mo hindi kita papabayaan."

"Uhh," nautal ako sa narinig ko sa kanya. "Pwede ba wag mo naman i-emphasize na kuya kita? Eh hindi kasi ako sanay.."

"HaHaHaHa!" Nagsimula na naman siyang tumawa. "Sige na nga, pero tara na, baka kasi mapagalitan pa ako ni mommy kapag hindi tayo naka-abot sa simbahan dalawa."

Tumawa kami parehas at sumakay na kaming dalawa sa taxi.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Jimin sa eskwelahan at nakita niya si Bacon sa harapan ng gate.

"Pre, anong ginagawa mo dito?"

Tumingin si Bacon kay Jimin at ngumiti, "Ah pre, asan si Irene?"

"Naka-alis na siya, kasama niya kapatid niyang si Jk."

"Kapatid ba niya talaga si Jk?"

"Step-brother actually.. Teka, bakit mo nga pala siya hinahanap?"

"Wala lang, wala akong kasabay pag-uwi eh.." patawa-tawa niyang sagot.

"Ganun ba, gusto mo sumabay ka na sa akin, papunta naman ako nang Ermita ngayon eh."

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon