Makalipas ang dalawang araw ay bumalik kami ni Jk na magkasama sa bahay ni Jimin kasama ang iba pa naming kaibigan. Dahil sa may CCTV footage ang bahay ni Jimin, nairecord nito lahat ng pangyayari na naganap nuong celebration ng graduation nilang tatlo.
"Tingnan mo nga sarili mo dyan," sabay tawa ni Jimin, "Para kang ibang tao nuong gabing 'yon."
"Hindi ko nga makalimutan ang suntok ni Irene sa pisngi ko, alam mo bang natanggalan ako nang ngipin sa ginawa mo?" naka-tawang tanong ni Jin.
"Alam nyo, hindi ko naman matandaan lahat ng nangyari dyan.. Black out na ako pagkatapos niyan." Sagot ko na nahihiya na sa mga nagawa ko habang nakikita ko ang sarili ko sa screen.
"Wait, ito na yung magandang part.." Sabi ni Jimin at kaming apat ay tumahimik.
Lahat kami ay naka-tutok sa tv screen at pinapanuod ang pag-uusap namin ni V. Hindi ko akalaing nagawa ko ito nang isang gabi lang, lahat ng mga nasa paligid ay sira at gulo lahat. Nang dumating na sa puntong nanlaki ang mga mata ko nang mapanuod ko ang sarili ko na hinahalikan ni V nang lips to lips. Iginagalaw niya ang kanyang mga labi at sa aking labi at ganuon din naman ang ginagawa ko sa kanya. Halos ilang minuto niya rin akong hinahalikan sa video at sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pagkatapos niya alisin ang lips niya sa aking labi ay bigla nalang akong tumumba at binuhat na ako ni V.
"Papamagatan natin yang 'Ang Tamis ng Unang Halik," sabay tawa ni Jimin. Kumuha ako nang trow pillow at binatikal kaagad ito sa kanya. "AHHH! Nananakit ka na naman ha."
"Burahin mo yang video na yan!" Sigaw ko sa kanya.
"Bakit ko naman buburahin, kapag binenta ko 'to sa mercado siguradong papatok ang bago nyong scandal ni V." Walang ka tigil-tigil si Jimin sa kinatatawa at ako'y tumayo na para suntukin siya pero pinigilan naman ako ni Jk. "Biro lang, ito naman, masyadong seryoso ehh.." pangisi-ngisi pa niyang sabi na talaga namang nakakaasar.
"Bakit ka ba biglang nahimatay pagkatapos nyo maghalikan ni V?" Tanong ni Jin na naka-ngiti.
"Ako, tigilan mo sa mga ganyang ngiti nyo ha. Paano ko naman malalaman 'yon, eh hindi ko nga maalala na pinagsasapak ko kayong lahat." Sagot ko na punong puno nang pagka-asar.
"Ano bang status nyong dalawa ni V? Diba sila na ni Joy, kaya ba naginum ka nang sobra nuong gabing 'yon kasi nasaktan ka?" Tanong ni Jin na hindi tumitigil sa pang-aasar niya sa akin sa ngiti.
"Tumigil ka nga Jin," sabay sipa ko sa binti niya. "Kaya ako nag inom non kasi nagce-celebrate ako ang graduation nyong tatlo.. Masayang masaya lang ako kaya uminom ako nang sobra."
"Wag ka na nga magsinungaling pa, kung tutuusin kaya ka naman naming tulungan kay V.. Ang inaantay lang namin yung magsabi ka sa amin ng kailangan mo nang tulong." Sagot ni Jimin.
"Para saan pa? Sila na ni Joy, wala na akong magagawa dun.. Tsaka ang gusto lang naman talaga mangyari ngayon yung makapag-usap kami ni V nang kaming dalawa lang."
"Yun lang ba gusto mong mangyari?" Tanong ni Jin.
"Oo, hindi naman ako tututol sa kanilang relasyon, ang gusto ko lang humingi nang kapatawaran kay V. Nang sa ganon, lumuwag yung nararamadaman ko at sana maging magkaibigan pa rin kami."
"O sige, sabihin mo lang, tutulungan ka namin.." Sagot ni Jimin.
Tumingin ako sa kanilang lahat at base sa mga ekspresyon na pinapakita nila sa akin ngayon ay pursigido silang matulungan ako.
"O sige, tulungan nyo ako! Pero bago yun, pwede bang burahin mo na yang video na yan.. Kapag kumalat pa yan, maieskandalo pa ang pamilya ko." Hiling ko kay Jimin.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...