Gabi bago mag-lunes ay nakipag-kita ako sa aking mga kaibigan sa pinaka-malapit na Starbucks coffee shop. Dito kami madalas mag-kita simula noong nasa middle school pa kami.
"Kamusta sa St. Therese? Ang boring kaya doon, puro babae lang kayo." Sabi ni Wendy.
Napangiti ako dahil hindi naman talaga ako sa St. Therese napasok, "Okay lang naman, masaya ang pag-aaral ko sa St. Therese."
"Ikaw naman Gigi, kamusta na yong nanliligaw sayo na may kulay orange na buhok?" Tanong ni Joy.
"Teka, paano nyo nalaman tungkol doon?" Tanong ni Gigi kay Joy.
Tumingin si Joy kay Wendy, "Kinuwento na sa amin ni Wendy, kaya wag' ka na mag-maangmaangan dyan!"
"Hindi naman siya nanliligaw, parte lang iyon ng business arrangement ng mga magulang namin." Sagot ni Gigi at sumipsip siya sa kanyang Frappè.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko sa kanya.
"Jimin Montello, bakit? Kilala mo ba ang pamilya nila?" Tanong ni Gigi.
Tama ako, si Jimin nga na miyembro nang Bangtan ang kinakatagpo niya. Paano kung malaman niya na magkakilala kami, siguradong magagalit silang lahat sa akin.
"Hindi, pero narinig ko na ang pamilya nila," sagot ko at ininum ko nalang ang aking kape nang makaramdam ako nang vibration sa aking tabi. Kinuha ko ang aking cellphone at may text message mula kay V.
"Tingin ka sa bintana." - V
Tumingin agad ako sa bintana at nakita ko siya naka-ngiti sa akin at nakaway. Nanlaki ang aking mga mata at agad akong tumayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Joy.
"Magccr lang ako!" Sagot ko at agad naman ako pumunta sa banyo para tawagan si V. "Hello, V.. Anong ginagawa mo dyan?"
"Bakit tumawag ka pa? Pwede ka naman lumabas nalang." Sagot ni V, hindi talaga siya nasagot sa unang tanong.
"Pwede bang umalis ka na sa dyan sa kinakatayuan mo, baka makita ka pa nang mga kaibigan ko." Sabi ko sa kanya.
"Huh? Bakit, ayaw mo ba ako makita nang mga kaibigan mo?" Tanong niya.
"Bukas ko nalang ipapaliwanag, paki-usap lang umalis ka na." Sagot ko, habang nasilip sa pwesto namin malapit sa bintana.
"O sige-sige, aalis na ako.. Napadaan lang naman ako kasi papunta na ako sa trabaho ko." Sabi niya.
"Okay, babalik na ako sa table namin, umalis ka na dyan ha!" Sagot ko.
"Teka, bago mo ibaba.. Bagay pala sayo ang medyo wavy ang buhok, mas mukha kang nakaka-akit tingnan." Sabi niya.
"Ehh?" Namula ako at napatingin sa salamin sa harapan ko.
"Sobrang ikli naman ng shorts mo, kitang kita ko ang buong legs mo nung tumayo ka." Sabi niya.
"Ano ka ba, nakapang bahay lang kasi ako na damit dahil biglaan lang naman yung pagkikita namin." Sagot ko.
"Sige na, naglalakad na ako, kita nalang tayo bukas." Sabi niya.
"Okay." Sagot ko at agad kong binaba ang tawag at naglakad pabalik sa pwesto namin.
Nang makabalik na ako sa upuan ko ay naka-tingin sa akin si Yeri, "Okay ka lang?"
Tumingin ako sa kanya habang nagpupunas ng pawis, "Oo, okay lang ako.."
"Kilala ka namin, kapag kinakabahan ka, namamawis ka at iba ang paghinga." Sagot ni Yeri.
"Hindi.. Okay lang talaga ako, wala lang aircon sa loob ng banyo kaya pinagpawisan ako." Sabi ko na naka-tawa.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...