Nang matapos na ang aking klase ay nagpasya na akong umuwi. Hindi pa rin nausap sa akin si JK at Jimin tuwing tanghalian at kahit sa klase, tanging si Jin lamang ang kumausap sa akin pero ramdam ko na matamlay siya sa pakikitungo sa akin. Mas lalo ko na-miss si V, kung pumasok lang sana siya hindi ako makakaramdam ng lungkot at pag-aalala.
Habang ako ay palabas na nang eskwelahan ay bigla sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Lani kaninang umaga. Sinabi niya na mag-iintay siya sa Araneta station para kami ay makapag-usap. Nang ako ay makarating sa estasyon ay nakita ko na kaagad siya at kasama niya ang mga kaibigan niya.
"Sumunod ka sa amin," sabi niya at nagsimula na siyang maglakad gayundin ang mga kasama niya.
"Bakit naman ako susunod sa'yo?" Tanong ko sa kanya at nanatili akong naka-tayo.
Tumigil siya at lumingon sa akin, "May sasabihin lang ako sa sa'yo na importante, sumunod ka nalang."
Naglakad ulit siya kasabay ng mga kasama niya. Naalala ko ang mga naikwento ni Yeri tungkol sa kanyang pinsan, takaw away ito at mahilig mang-gamit ng tao. Sumunod na lamang ako at sa ilang minuto namin na paglalakad palayo sa estasyon ay tumigil kami sa hindi mataong lugar at tila wala nadaan na kahit anong sasakyan.
Nakatayo sa kanyang likuran ang limang babae habang siya ay naka-pamewang na nakatingin sa akin. Nagdududa na ako sa mga ikinikilos nila dahil napansin ko na nagsuot sila nang gloves habang kami ay naglalakad.
"Ano bang klaseng palabas ito," sabi ko.
"Matagal na akong may problema sa'yo, Irene." Sagot ni Lani at humakbang siya pa-abante. "Palagi kang sapaw kahit saan!"
"Ano ang mga pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko.
"Simula noong nasa elementary palang tayo hanggang sa middle school lagi ka nang pasikat sa eskwelahan, ano ba ang mayroon sa'yo kung bakit lahat ng tao ay ginugusto ka?" Tanong niya na madiin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Eh sa Suzuran ka lang pala nag-aaral, social climber ka pala!"
"Nagkakamali ka sa mga iniisip mo," sagot ko at napa-ngiti, tsaka ko lang naisip na ang motibo niya pala sa pag kompronta sa akin ay dahil sa naiinggit siya sa akin, "Una sa lahat, hindi ako nagpapasikat, pangalawa wala akong pakialam sa'yo, pero dahil sa sinabi mo na may problema ka sa akin, ibig sabihin lang ay naiinggit ka sa akin!"
Nanlaki ang mga mata niya at nakita ko kung paano niya hinigpitan ang kanyang kamao, "Ang lakas din ng loob mo na maki-bagay sa pinsan ko, isa kang mapag-panggap na babae!"
"Ano naman sa'yo kung nagpapanggap ako? Naagrabyado ka ba?" Tanong ko habang naka-ismir.
"Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ka ka-walang kwentang tao, nababagay ka nga sa Suzuran dahil isa kang basura." Sagot niya na naka-ngisi.
Nagpanting ang aking tenga pagkatapos ko marinig iyon, tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ko siya sa kanyang kuwelyo. Bakas sa kanyang mga mata na nabigla siya sa aking ginawa, nagagalit ang puso ko pagkatapos ko marinig ang sinabi niyang salita na basura.
"Hindi ka ganoon katapang, Lani, mag-ingat ka sa mga binibitawan mong salita kung ayaw mong mabasag ko yang bibig mo." Banta ko sa kanya at naka-tingin sa mga mata niya.
Tumawa siya at naka-tingin din sa aking mga mata, "Kung umasta ka talagang asal Suzuran ka na, gago, tarantado, at amoy basura!"
Lumaki ang aking mga mata dahil inulit nanaman niya ang salitang iyon, hindi na ako nakapag-timpi at pinakawalan ko aking kamao at sinuntok siya sa mukha. Sa sobrang lakas ng pagkaka-suntok ko ay dumugo ang kanyang bibig at tila nabawasan ito nang ngipin. Tumumba siya sa lupa at agad naman siyang nilapitan ng mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...